Chapter 6

2730 Words
HALOS ISANG buwan na ang nakakalipas mula nang magkakilala sina Francis at Lara. Ang palaging pagdalaw ni Francis sa dalaga ay siyang simula ng pagkakaibigan ng mga ito. Francis made sure to visit Lara atleast twice a week. Sa tuwing bumibisita siya ay hindi siya nakakalimot na dalhan ito ng mga prutas o di kaya ay kahit anong makakain. He felt comfortable with Lara at ito ang ikaapat na babaeng itinuturing niyang matalik na kaibigan. He was sure his intentions was purely friendship. Mabait si Lara at nagkakasundo sila sa halos lahat ng bagay. Mabibilang sa daliri ang mga babaeng itinuturing niyang kaibigan kung kaya’t pinahahalagahan niya ang mga ito. Kumbaga may special treatment katulad na lamang nina Ereneya at Roxanne. Masarap din na kausap si Lara. Kadalasan ay naroon lang sila sa papag na nasa labas ng bahay nito nagkukuwentuhan. Minsan ay tinutulungan niya rin ang dalaga sa pangunguha ng panggatong nito. Kapag kausap niya ito ay hindi siya nag-aalala na baka lumampas pa sa tinging pagkakaibigan ang turing nito sa kaniya. In the first place ay sinabi niya kay Lara na gusto lang niyang makipagkaibigan. Hindi rin naman niya napapansin na nagpapa-cute ito sa kaniya o nagbibigay ng motibo. She’s just natural at sa tingin niya ay kaibigan lang din ang gusto nito sa kaniya. “Dali, Francis! Mukhang may nahuli akong malaking isda!” Lara shriek in excitement. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa fishing rod. Binitiwan ni Francis ang hawak niyang fishing rod at tumayo mula sa pagkakaupo sa pangpang ng sapa. Nilapitan niya si Lara na halos tatlong dipa lamang ang layo sa kaniya. Nang hilahin niya ang fishing rod na hawak nito ay nakita niyang maliit na tilapia lamang ang nakabitin sa dulo niyon. Napabunghalit ng tawa si Lara. “Akala ko’y malaking isda na. Iyon pala’y sinlaki lang nito,” pinagdikit nito ang dalawang daliri at muling natawa. “Buti at hindi ka niya nahila sa tubig,” nakangiti niyang saad. “Mukhang wala naman tayong makukuhang malalaki rito. Kawawa naman itong maliit pa,” sabi nito na muling hinagis sa tubig ang maliit na tilapia. Napailing na lamang si Francis sa ginawi ng dalaga. Nakita niyang may hinahanap ito sa loob ng basket na nilagyan nila ng pagkain nila at nang walang makuha ay nagpaypay na lang ng sarili gamit ang kamay. “Tubig?” tanong niya na itinaas ang hindi kalakihang bottled water. Ngumiti si Lara na tumango kaya ibinigay niya rito ang tubig. “Gusto mo ng tinapay?” alok niya rito? Nang maisipan kasi nila kaninang mamingwit sa sapa ay dinala na rin nila ang pagkaing pasalubong niya kay Lara. Umiling si Lara. “Mamaya na. Hindi pa naman ako nagugutom,” matamis ang ngiting tugon nito. Sinuklian din ni Francis ang ngiti ni Lara at bumalik na sa dating kinauupuan. Itinusok na lamang niya ang dulo ng pamingwit sa pangpang ng sapa at nahiga sa damuhan na naliliman ng mayayabong na sanga ng mga puno. Inunan niya ang dalawang braso at ipinikit ang mga mata. “Maganda rito sa lugar mo kahit na ikaw lang mag-isa. I think I can live in a place like this.” “Talaga?” “Uh-huh,” sagot niya habang nakapikit pa rin. “Boring dito. Walang makausap. Saka wala kang magawa kung hindi ang magtanim ng gulay at mamingwit,” wika ni Lara. “Kapag dito ako titira may makakausap naman ako dahil nandito ka naman. I like this place because it’s peaceful and quite.” “Masarap talagang tumira dito dahil presko ang hangin. At tama ka, kapag gusto mo nang tahimik na kapaligiran ay perpekto ang lugar na ito. Wala kang ibang maririnig kung hindi huni ng kulisap at kokak ng palaka sa gabi,” may halong biro na saad ni Lara. Francis chuckled. “Wala bang mga maligno rito? Baka kaya hindi ka natatakot rito dahil kampon mo sila?” ganting biro ni Francis. Tumawa si Lara. “Naniniwala ka sa mga ‘yon?” Hindi sumagot si Francis ngunit nanatiling nakangiti habang nakapikit. “Kapag dito ka tumira wala ka nang babaeng malalandi,” ani Lara na sinabayan ng tawa. “Ayaw mo niyon? Magbabagong buhay na ako. Saka nandito ka naman…iyon ay kung payag kang landiin kita,” nakangising nilingon ni Francis si Lara. Nakita niyang namula ang mukha ni Lara. Humalakhak si Francis nang makita ang reaksyon ng dalaga. “I’m sorry. Binibiro lang kita. You’re my friend kaya huwag kang mag-alala. Hindi kita aakitin,” aniya. “Nakakainis ka,” sabi ni Lara na inirapan pa siya. “Naiinis ka dahil biniro kita o dahil alam mong hindi kita lalandiin?” hindi mapuknat ang ngisi ni Francis. Natutuwa siyang biruin si Lara dahil mukhang apektado ito. Nakita niyang pumulot ng maliit na bato si Lara at hinagis sa kaniya. Tinamaan ang tiyan niya ngunit hindi naman siya tuminag dahil hindi naman masakit. “Tumigil ka.” “Uy, Lara…namumula ka, oh! Crush mo ‘ko, ano?” Humalakhak si Francis nang makitang lalong namula ang mukha ng dalaga. He was so amused. Iilang babae lang ang kilala niyang nagba-blush kapag tinutukso. “Kapag hindi ka tumigil ay ako na ang lalandi talaga sa ‘yo. At sisiguraduhin kong hindi ka makakawala sa akin,” banta nito sa kaniya. Malapad ang ngiting bumangon si Francis. “You can’t do that.” “Bakit naman, aber? Babae rin naman ako, ah at sabi mo nga’y maganda. Kapag inakit ba kita’y hindi ka madadala?” Pinaningkitan ni Francis ng mga mata si Lara. “Sabi mo nga’y babae ka at maganda. Lalaki rin ako at madaling matukso,” he jested. Muli siyang binato ni Lara. “Hindi ako nagbibiro.” Napatitig si Francis kay Lara na mukha ngang seryoso na. Binitiwan ni Lara ang hawak na fishing rod at umupo malapit kay Francis. “Imposible ba talagang maakit ka sa akin?” Francis coughed nervously. Mukhang iba ang pupuntahan ng pag-uusap nilang ito. He grinned at Lara. “Silly.” Ginulo niya ang buhok nito. “Like I’ve said lalaki ako at madaling matukso. But I know you won’t do anything like that.” Isa pa’y kahit gawin iyon ni Lara ay hindi siya papatol. Hindi niya kinakatalo ang mga kaibigan niya. Nadala na siya sa nangyari noon sa pagitan nila ni Lydia. “Bakit naman?” “Hindi ka naman katulad ng mga babaeng masyadong liberated. Saka hindi bagay sa ‘yo.” “Kaya ba ayaw mo sa akin dahil hindi ako liberated?” “Jesus! Let’s stop this nonsense now, Lara.” “Kaya kong gawin ang ginagawa ng mga babaeng iyon sa ‘yo, Francis.” Francis frustatedly touched the bridge between his eyes. “Hindi mo alam ang sinasabi mo, okay?” “Alam ko!” Lara snapped. Tinitigan niya nang masama si Lara ngunit hindi manlang ito natinag. “You’re my friend, Lara. And I don’t f**k a friend. Gets?” Natahimik si Lara at bigla ay nakonsensya si Francis sa sinabi niya sa dalaga. Nakita niyang naghilam ang mga mata nito sa luha and f**k those tears! It’s his weakness. “Oh, come here, Sugar,” aniya at hinila si Lara patungo sa kaniyang dibdib. “I apologize for being cocky. Hindi ko sinasadya.” Humiwalay sa kaniya si Lara na tinitigan siya sa mga mata. Francis cursed under his breathe when he saw a glimpse of pain in her teary eyes. “I’m sorry,” hingi niya ulit ng paumanhin. “Hindi na ito mauulit.” “Gusto kita, Francis. Sa tingin ko nga ay mahal na kita.” He gasped. Ilang sandaling napatitig si Francis sa mga mata ni Lara. He wanted to confirm that she was just fooling around with him. Ngunit wala siyang nasasalamin sa mga mata ni Lara kung hindi ang pag-asa. He’s sure she was hoping that her feelings be reciprocated. “You aren’t serious, are you?” hindi makapaniwalang tanong ni Francis na wala na ring bahid ng panunukso ang mukha. Tumango si Lara na tumayo. “Marahil ay gusto na kita unang beses pa lamang tayong nagkita.” Francis chuckled in sarcasm. “Oh, come on!” “Totoo ang sinasabi ko, Francis!” Tumayo rin si Francis at hinawakan ang dalaga sa magkabilang-balikat. “Lara, hindi na ako nakikipagbiruan sa ‘yo, okay?” “Kahit papaano naman ay gusto mo rin naman ako, hindi ba? Hindi ba’t kaya ka pumupunta at dinadalhan ako ng kahit ano ay dahil may gusto ka sa akin?” wika ni Lara na napayuko. Francis was shocked. Alam niya sa sarili niyang pagtinging kaibigan lamang ang damdamin niya para kay Lara. Mula sa simula ay nilinaw niya rito na nais lang niyang makipagkaibigan at ganoon din naman ito sa kaniya. That's why they clicked. Kung dinadalaw naman niya ito palagi at dinadalhan ng pasalubong ay dahil nakakaramdam siya ng awa para rito. Wala itong pamilya at nakatira pa sa liblib na lugar na ito. Pinukaw nito ang pagiging kuya niya at wala nang hihigit pa roon. Malayo sa kaniya ang nakababata niyang kapatid na si Charlotte kaya kay Lara niya gustong iparamdam ang pagiging kuya. But it seems like Lara misinterpreted everything. She associated his kindness and affection into something akin to romance. Napabuga ng hangin si Francis. Hindi niya akalaing ganoon ang magiging epekto ng mga ginagawa niyang kabutihan kay Lara. “I’m sorry, Lara. I didn’t mean to lead you on. Ganoon talaga ako sa mga kaibigan kong babae.” Kahit kanino naman kina Roxanne at Ereneya ay ganoon siya. Lalo na kay Roxanne dahil wala namang nagseselos hindi katulad ni Res na kahit hindi pa man nobya si Ereneya ay masyado nang possessive. He’s always concerned. Always thoughtful. Always cared. Kaya hindi naiiba ang pakikitungo niya kay Lara sa pakikitungo niya kina Roxanne. Kunot-noong tiningala siya ni Lara. “Kung ganoon ay walang ibig sabihin ang kabutihang ipinapakita mo sa akin?” Bumuntong-hininga si Francis at nagpapaunawang tinitigan si Lara. Marahan siyang umiling. “Ginawa ko iyon dahil kaibigan kita at parang kapatid na. Malinaw iyon sa ‘yo!” “Hindi iyan totoo!” “Lara…” “Pero matutunan mo naman akong gustuhin, ‘di ba? Sabi mo’y maganda naman ako…” “Lara, listen to me. You’re beautiful, yes. Pero hindi ko masusuklian ang damdamin mo sa akin.” Francis felt frustrated. Tila naulit sa katauhan ni Lara ang nangyari sa kanila noon ni Lydia. Ang mabuti lang ngayon ay walang namamagitang intimacy sa pagitan nila ni Lara. Marahas na tinulak siya ni Lara at nang muli niya itong titigan ay tila nagliliyab na ang mga mata nito sa galit. “Bakit? Dahil hindi ako katulad ng mga babaeng liberated sa siyudad? Sila ba ang gusto mo at hindi ang katulad kong boring? Kaya kong maghubad ngayon sa harap mo kung gugustuhin mo, Francis!” Francis was stunned for a moment. Hindi niya alam ang ganitong side ni Lara. He never expected her to burst out like that. Akala niya’y mahinhin ito at Maria Clara. Iyon pala’y may itinatago ring kabulgaran ang babae. “Hindi naman ako mahirap mahalin, Francis. ‘Di ba ang sabi mo kaya mong mamuhay dito na kasama ako?” Francis tiltled his head in disbelief. Hindi niya alam na ang lahat ng sinasabi niya ay binibigyan ni Lara ng ibang kahulugan. Hindi siya makapaniwala sa naririnig niya ngayon sa dalaga. Tila ibang tao ang kaharap at kausap niya ngayon. “Kaya ko ring gawin ang ginagawa nila, Francis. Gagawin ko ang lahat mapasaakin ka lang. Mahalin mo lang ako…” wika ni Lara na isa-isang binubuksan ang butones sa harapan ng suot nitong bestida. Mabilis na pinigilan ni Francis ang kamay ni Lara nang matanto ang nais nitong gawin. Mataman niya itong tinitigan. “Stop that, Lara. Hindi mo kailangang gawin iyan.” Binawi ni Lara ang kamay mula sa pagkakahawak ni Francis at hinayaan sa harap ng binata ang nakahantad na dibdib. “Bibigyan mo ba ako ng pagkakataon, Francis?” Francis tweak his hair in frustration. Iniwas niya ang tingin sa nakahantad na dibdib ni Lara na natatakpan lamang ng manipis na b*a. “I can’t give you what you want, Lara. I can be your friend but not more than that. Please, understand.” “Matututunan mo rin akong mahalin, Francis. Pakiusap, subukan mo lang,” masagana ang luhang wika nito. Naawa siya sa dalaga dahil hindi man niya sinasadya ay mukhang pinaasa niya ito. Ngunit nahihibang na siya kapag sinunod niya ang gusto nito. “Francis, mahalin mo ako, pakiusap!” “Lara!” numinipis ang pasensyang wika ni Francis. “Hindi ka dapat nakikiusap na mahalin ko. Hindi ako karapat-dapat sa pagmamakaawa mo. Maraming lalaki ang magkakagusto sa ‘yo—” “Ikaw lang ang gusto ko, Francis!” putol ni Lara sa sasabihin niya at hinawakan pa siya sa magkabilang braso. “Wala akong pinagkaiba sa mga lalaking gustong manamantala sa ‘yo kapag pinatulan ko ang gusto mo, Lara,” nagpapaunawang saad niya. “Kapag hindi mo ako mamahalin katulad ng pagmamahal ko sa ‘yo ay sisiguraduhin kong walang sino mang babae ang iibig sa ‘yo!” “Are you threatening me?” hindi makapaniwalang bulalas ni Francis. “Oo. Dahil kaya kong gawin iyon!” nanlilisik ang mga matang sagot ni Lara. Pakiramdam ni Francis ay hindi ang nakilalang Lara ang kaharap niya ngayon. The Lara in front of her now was far from the meek and coy Lara the he used to know. Francis just sneered at her. “Sa sandaling pagkakilala natin ay itinuring talaga kitang kaibigan, Lara. Ngunit kung hihilingin mo sa aking suklian ang damdamin mo ay dito na magtatapos ang pagkikitang ito. I’m sorry but I couldn’t just submit to what you want.” “Pagsisisihan mo ito, Francis. Pagsisisihan mong nakilala mo ako! Isusumpa kita!” patuloy na pananakot nito sa kaniya. He knew it was just an empty threat. “Do what you want, Lara,” aniya at tumalikod na mula sa dalaga. Ayaw na niyang pahabain pa ang pag-uusap nila dahil alam niyang hindi niya maiiwasang masaktan ito lalo. He didn’t love her at hindi niya pipilitin ang sariling mahalin ito. Mas mabuti pang putulin na kaagad ang ugnayan nila gayong magkaiba ang interes nila sa isa’t isa. “Francis!” tawag nito sa kaniya ngunit hindi na siya nag-aksayang lumingon pa. Nanghihinayang man siya sa nagsisimula nilang pagkakaibigan ay nais na niya itong putulin kaagad. Iba ang gusto niya at iba rin ang gusto ni Lara. Ilang metro na ang layo niya kay Lara nang mapansin niyang nagdilim ang kalangitan. Nang tumingala siya ay nakita niyang nagtipon ang maitim at makapal na ulap sa kalangitan na sinabayan pa ng sunod-sunod na pagkulog. Lumakas ang ihip ng hangin na tila uulan nang malakas. Nilingon ni Francis si Lara at nagulat siya nang makita ang dalagang nanatiling nakatayo pa rin sa pinag-iwanan niya rito. Her hands were open in her both sides. Nililipad din ng hangin ang mahabang buhok nito at para siyang namamalikmata nang mapansin ang tila itim na usok na lumalabas sa dalawang nakabukas na palad nito. “What…” nagtatakang saad niya. Nang tinangka niyang humakbang palapit kay Lara ay nagulat siya nang hindi na niya maigalaw ang mga paa niya. Tila siya ipinako sa lupa. “Isinusumpa ko, Francis! Wala nang sino mang babae ang iibig sa ‘yo! Makukulong ka sa maliit mong mundo sa habang panahon!” mabagsik na sigaw ni Lara na bahagya lamang umabot sa pandinig niya dahil sa nagngangalit na kulog at hangin. Maya-maya’y napasapo si Francis sa kaniyang mukha. Tila umusok iyon dahil sa init. Nakakaramdam siya ng pagkapaso sa kaniyang mukha at hindi niya napigilan ang impit na pagsigaw dahil sa matinding sakit. “Ahhh!” He screamed before he lost his conciousness and fell on the ground.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD