Chapter 7

1991 Words
MARAHANG nagmulat ng mga mata si Francis at agad na sumalubong sa kaniya ang kulay kahel at nakakasilaw na sinag ng papalubog na araw sa kanluran. Sinuyod niya ng tingin ang paligid at nakita niya na napapaligiran siya ng mga punong-kahoy. Nakadapa siya sa lupa na nasasapinan ng mga tuyong dahon. Narinig pa niya ang kokak ng palaka na nasulyapan niyang nasa harapan lang niya at tila nagtatakang nakamasid sa kaniya. “Damn!” usal niya at hinawakan ang ulo nang biglang pumintig iyon. Sinubukan ni Francis ang tumayo ngunit hindi niya kayang buhatin ang sarili na para bang binubog siya. Tumihaya siya at nahihilo pang tumingin sa kalangitan. Inaalala ang mga pangyayari bago siya nawalan ng malay. “f**k!” Napapikit siya nang mariin. Naalala niyang kasama niya roon si Lara at hindi sila nagkasundo bago sila naghiwalay. Dahan-dahang naupo si Francis at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. He felt something strange on his face kaya umangat ang kaliwang kamay niya upang damhin ang kanang pisngi niya. “Oh, God!” hindi makapaniwalang bulalas niya nang maramdamang hindi kaaya-aya ang bahaging iyon ng mukha niya. Tila nakikinita na niya kung ano ang hitsura niyon. Naalala niya si Lara. Si Lara lamang ang alam niyang may gawa niyon sa kaniya. Si Lara lamang ang nagbanta sa kaniya. Ano ang ginawa ni Lara sa mukha niya? Is she really capable of doing something like this? Sino ba talaga si Lara? Maraming tanong ang tumatakbo sa isip ni Francis at hindi niya alam kung papaano niya hahanapin ang sagot. Pinilit ni Francis na bumangon kahit pakiramdam niya ay patang-pata ang katawan niya. Kahit nahihirapang maglakad ay tinungo niya ang daan papunta sa bahay ni Lara. Ngunit sa kaniyang pagtataka’y wala na roon ang bahay ng dalaga. Kakahuyan na lamang ang naroon. He was sure the house was standing in that particular area but now it was nowhere to be found. “Lara!” tawag niya sa dalaga, “Lara!” Wala siyang narinig na sagot at tanging ang nagambalang mga ibon lamang ang naroon. Hindi maaaring bigla na lamang maglaho si Lara. Imposibleng mangyari iyon. But what happened to his face was he thought was imposible. Ngunit nagawa ni Lara ang banta nito sa kaniya. Nasaan ka, Lara? What have you done to me? “Lara!” muling tawag niya kay Lara ngunit wala na talaga roon ang dalaga. Kahit ang mga nakita niyang gulayan nito ay wala na rin. Walang bakas ni Lara ang naiwan sa lugar na iyon. Hindi naman siya nagkakamali sa lugar na pinuntahan. Sigurado siyang doon nakatayo ang bahay ni Lara! Humakbang siya upang tingnan ang ibang panig ng kagubatang iyon. Marahil ay naroon si Lara. Ngunit halos nagalugad na niya ang lugar ay walang bahay o Lara na nagpakita sa kaniya. Bumagsak si Francis sa lupa dala ng panghihina at pagkahilo. Ngunit pinilit pa rin niyang makatayo. Nakarating siya sa sapa at doon ay may nakita siyang mababaw na balon. He suddenly felt thirsty. Yumuko siya upang uminom ng tubig ngunit laking gulat niya nang makita ang sariling repleksyon sa tubig. “No!” nabibiglang umatras si Francis dahilan para matumba siya sa batuhan. He was frightened. Hindi niya kilala ang mukhang nakita niya sa tubig. It was…hideous! Taas-baba ang dibdib ni Francis dahil sa halo-halong emosyon. Sino ang nakita niya? Was it really him? Halos pagapang si Francis na marahang lumapit sa balon. Sinilip niya uli ang repleksyon sa malinaw na tubig at nakatakas ang malakas na singhap mula sa lalamunan niya. It was really him! Ang pangit na repleksyong nakita niya ay sa kaniya mismo! “Oh, God!” He exclaimed while staring intently at his reflection. “No…no, no!” Naghilamos siya ng tubig upang guminhawa ang pakiramdam niya. He might be hallucinating. Imposibleng isumpa siya ni Lara! Ngunit ilang beses man siyang maghilamos ay ganoon pa rin ang nakikita niyang repleksyon niya sa tubig. Tila siya nauupos na kandila na naupo sa batuhan. Tulala at malalim ang iniisip. Hindi niya akalain na sa isang iglap lamang ay ganoon na ang anyo niya. Hindi niya akalaing ang babaeng pinagkatiwalaan niya at itinuring niyang kaibigan ay siya palang sisira sa kaniya, sa buhay niya. Ganoon ba ka laki ang kasalanan niya? Was he being punished for being nice? Malinis ang intensyon niya ng pagkakaibigan kay Lara. Does he really deserve this kind of punishment? Napasapo si Francis sa kaniyang ulo. Wala na si Lara. Marahil ay hindi na ito magpapakita pa sa kaniya kahit kailan. Tumayo siya. Aalis siya sa lugar na iyon at tutungo siya sa bahay ng kaibigan niya. Pakiramdam niya ay muli siyang mawawalan ng ulirat nang maalala ang mukha niya. Halos gapangin na ni Francis ang gate ng bahay ni Jus. Nang itulak niya ang gate ay bukas iyon at marahil ay lumabas saglit ang nagbabantay na si Eddie. Pumasok si Francis at pilit na nilakad-takbo ang malawak na lawn. Nasa kalagitnaan na siya ng damuhan nang bumagsak ang katawan niya dahil hindi na niya kaya ang panghihina at nais nang pumikit ang kaniyang mga mata. Hinayaan na lamang niyang bumagsak ang katawan niya sa lupa dahil nasisiguro niyang ligtas na siya roon. “HAH!” biglang napabangon si Francis at habol niya ang paghinga. Unang bumungad kay Francis ang malinis at maayos na silid. “Bor...” gulat na nilingon ni Francis ang nagsalita at nakita niyang naroon sina Res at Jus na nakatitig sa kaniya. Mabilis na tinakpan ni Francis ng mga palad ang kaniyang kanang mukha. Nagkatinginan sina Jus at Res na nanatiling tahimik, bakas sa mga mukha ang pag-aalala. Hinihintay na magbigay ng paliwanag ang kaibigan. “We saw that already,” ani Jus. Marahang ibinaba ni Francis ang mga kamay na nakatakip sa mukha niya nang makabawi sa kabiglaan. Nang suyurin niya ng tingin ang paligid ay naroon siya sa silid na okupado ni Res. Nang tumingin siya sa labas ng bintana ay kalat na ang dilim sa labas. Ibinalik niya ang atensyon sa mga kaibigan na nanatiling nakamasid sa kaniya. “Please, don’t ask me anything. Ayokong ipaliwanag ang nangyari sa... mukha ko,” tila nagkabikig ang lalamunan ni Francis sa huling salitang sinabi nito. Huminga nang malalim si Justin. “Honestly, marami kaming gustong itanong sa ‘yo. But if you don’t want to answer any of our questions, we’ll respect your decision. But atleast, let us know who did this to you.” Umiling si Francis. “Hindi na kailangan, Bor. Kasalanan ko naman ang nangyaring ito. Nais kong umalis na sa lugar na ito, Bor. Ayokong may makakita ng mukha kong ito. Ayokong katakutan ako ng mga tao...” mahinang wika niya. Tinitigan ni Jus ang mukha ng kaibigan. Ni hindi kinabakasan ng takot o pandidiri ang mukha niya sa kabila ng biglang pagpangit ng mukha ni Francis. Maraming sugat ang mukha nito kahit ang kalahating parte ng leeg nito. Nangingitim pa ang mga sugat. Mukha iyong nasunog. Nakakapanindig balahibo ang hitsura niyon. Nakakadiri. Kung hindi lamang niya ito matalik na kaibigan ay hindi niya ito makikilala agad. Nakadama siya ng awa kay Francis ngunit hindi niya iyon ipinahalata. Natitiyak niyang hindi gugustuhin ni Francis na kakitaan siya nito ng awa. Hindi niya lang lubos maisip kung sino ang maaaring gumawa niyon sa kanilang kaibigan. Sa kanilang lahat ay si Francis ang masasabing mabait. Wala siyang natatandaang naging personal na kaaway nito maliban sa naging kaaway noon ng kanilang grupo. Wala rin siyang alam na bisyo nito para saktan siya ng ibang tao. Ni takot nga si Francis magpaiyak ng babae kaya imposibleng pinakulam ito ng isa sa mga naagrabyado nito. “You can stay here. As long as you want. Walang matatakot sa ‘yo rito,” ani Jus na pinanatili ang matatag na boses though he wanted to hug his friend to comfort him. “Wala nga. Pero alam kong kaaawaan ninyo ako. Ayokong kaawaan ako nang kahit sino,” matigas na tugon ni Francis na blangko ang ekspresyon ng mukha. “Kung gano’n ay sabihin mo na lang sa amin kung sino ang may gawa nito sa ‘yo at kami na ang bahalang bumawi. Iyon naman lagi ang ginagawa natin, hindi ba?” ani Res. “Iba ngayon, Bor. Gaya ng sinabi ko ay hindi na kailangan. Ako ang may kasalanan kung bakit nangyari sa akin ito...” “And your only solution is to hide?” hindi kompormeng tanong ni Res. “You can undergo plastic surgery kung iyang mukha mo lang ang inaalala mo. Alam mong maaasahan mo ang tulong namin sa aspetong pinansyal!” “Alam ko. But I won’t be needing your money or any of your help. Not this time.” “Why?” naguguluhang tanong ni Res. Labis na nag-aalala sa kalagayan ni Francis. “Dahil hindi maaayos ng kahit na sinong pinakamagaling na plastic surgeon ang mukha kong ito,” may dumaang galit sa mata ni Francis ngunit agad din iyong napalitan ng lungkot at pagkabahala. “Ano ang ibig mong sabihin?” magkahalong pagtataka at pagkairita na tanong ni Res. Francis heaved a deep sigh. “Maraming salamat sa pag-aalala mga Bor, pero hanggang doon na lang ang kaya kong sabihin...sa ngayon. Aalis ako bukas na bukas din. Kayo na ang bahalang magsabi sa iba. I don’t want to be murdered with questions,” ani Francis na sinabayan ng bahaw na tawa. “Aalis ka? Saan ka naman pupunta?” nag-aalalang tanong ni Res. “Sa Negros. May pag-aari ang lolo ko na lupain doon na natatamnan ng tubo. May bahay rin siya doon...” “Doon mo gustong magtago?” may disgusto sa boses ni Res sa tinuran ng kaibigan. Malayo ang Negros at sa kalagayan ni Francis ay ikinabahala iyon ni Res. He knows Francis can take care of himself, no doubt about that. Pero sa nakikita niya ay baka magmukmok lang ang kaibigan sa bahay nito sa Negros. Napahinga nang malalim si Francis. “Matagal-tagal na rin akong pinakikiusapan ng papa na pamahalaan ko iyon, Bor. Katiwala lamang ang namamahala roon mula nang mamatay ang Lolo. This is the best time I’ll take over.” “And you think matatanggap ka nila sa situwasyon mong iyan?” Ngumiti nang mapait si Francis sa sinabi ni Res. “Wala silang magagawa. I’m their boss,” wika ni Francis na ngumiti ngunit hindi naman umabot sa mga mata nito. “Are you sure?” naninigurong tanong ni Justin. Marahang tumango si Francis. “Nasisiguro kong tatanggapin ako ng mga tauhan doon sa azucarera. Tapat silang mga trabahador ng lolo ko.” Walang nagawa sina Res at Justin upang baliin ang pasya ni Francis. Nais nila itong tulungan ngunit kung ito mismo ay ayaw tanggapin ang tulong nila ay wala silang magagawa. “Kung iyon ang gusto mo, Bor. Wala naman na kaming magagawa para pigilan ka, hindi ba?” sumusukong wika ni Res kahit batid niyang may itinatago sa kaniya ang kaibigan. “I’ll never cut our communication kung iyon ang pinag-aalala ninyo. Tatawag ako nang madalas para kumustahin kayo.” “You must do that,” sumusukong wika ni Res. “Too bad. Mukhang ikakasal ako nang wala ka, Bor.” “I’m sorry. Hayaan mo at babawi ako sa inyo ni Ereneya next time.” Tumango-tango si Res. “And please, magpaalam ka muna kay Zea bago ka umalis. Siguradong masasaktan siya kapag ililihim mo ang pag-alis mo sa kaniya,” pakiusap ni Jus. Bumuntong-hininga si Francis. “Okay, I’ll do that.” Halos sabay na lumapit sina Jus at Res kay Francis para yakapin ito. “Lagi mong tatandaan na nandito lang kami para sa ‘yo, Bor. Kahit ano, magsabi ka lang,” ani Jus. “T-Thanks,” basag ang boses na wika ni Francis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD