Chapter 8

1822 Words
“BELLA! Dalhan mo ako rito ng grape juice!” Napaigtad si Bella nang marinig ang malakas na pagtawag sa kaniya ni Laida— step-sister niya. Mas matanda ng apat na taon sa kaniya si Laida. Laida is five feet and two inches tall. Her straight and shoulder-length hair is dyed in chestnut color. Lagi itong naglalagay ng make up sa mukha. She loves to wear crop top and mini skirt dahil confident si Laida sa katawan nito. She always love to show her skin. Kung hindi lamang naagaw mula kay Bella at sa kaniyang ina ang buhay na nararapat para sa kanila ay nasisiguro niyang nakapagsusuot pa rin siya ng magagarang damit. Nakakakain ng masasarap na pagkain at higit sa lahat ay nakapagtapos siya ng pag-aaral. Nasa kusina si Bella at nagluluto ng kanilang tanghalian nang marinig niya ang iniutos nito. Mabilis ang kilos na nagsalin siya ng juice sa isang babasaging baso at dinala sa sala kung saan naroon si Laida. Naabutan niya si Laida na nagpapalinis ng kuko sa paa sa isang manicurista. Habang ang nakababtang kapatid nitong si Maita ay tila donya na nakaupo sa couch at nakapatong pa ang dalawang paa sa mababang mesa na gawa sa salamin habang nagbabasa ng pambabaeng magazine. Nakatutok sa hawak na tablet ang atensyon ni Laida habang kinukuha ang baso na may lamang juice sa kaniya at idiniretso sa bibig. Ngunit agad na binuga ang iniinom sa pagkagulat nila ng manicurista. “Tanga ka ba, Bella! Orange juice ang hinihingi ko sa ‘yo bakit grape juice itong binigay mo? Ang bobo mo!” sigaw ni Laida na itinapon pa ang laman ng baso sa kaniya. Napaawang ang bibig ni Bella nang maramdaman ang panunuot ng lamig sa balat niya. “Paano’ng hindi magiging bobo iyan, eh hindi naman nakapagtapos ‘yan? Pareho sila ng nanay niyang mga boba!” sabat naman ni Maita na matalim ang tingin sa kaniya. “Grape juice ang narinig kong sinabi mo, Laida.” “At ako pa ang mali? Hindi ko naman gusto ang grape juice bakit ko ‘yon hihingin sa ‘yo?” “Pero iyon ang narinig kong inutos mo,” Bella defended. Napaigik si Bella nang batuhin siya ni Laida ng maliit na figurine na naka-display sa ibabaw ng glass table. “Ang bobo mo talaga, Bella! Sasaksan ka ng bobo!” nanggagalaiti na sigaw ni Laida. Bella mentally counted to ten at huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili. Kapag hindi niya ginawa iyon mapapaaway siya sa kambal. Kapag nangyari iyon ay siguradong sasaktan siya ng mga ito ng pisikal at siguradong makakatikim rin ng galit ang ina niya. Kaya hindi na siya pumapatol sa mga ito at pinagpapasensyahan na lamang ay dahil ayaw niyang saktan ng mga ito ang ina niya. Hindi bale nang siya, huwag lang ang mahal niyang ina. Napapatanga ang manicurista sa inasal ng kaniyang step-sister kaya nasipa pa ito ni Laida sa hita. “Isa ka pang parang tanga riyan! Kapag dumugo ang kuko ko’y hindi lang sipa ang aabutin mo sa akin!” mabagsik na sabi nito. Agad naman tumalima ang manicurista at inayos ang paglilinis. “O, ano, Bella?” sita sa kaniya ni Laida nang makitang hindi siya tumitinag sa kinatatayuan. “Pasensya na, Ate. Kukuha ako ulit ng gusto mong orange juice,” malumanay na wika niya at nanghihingi ng pasensya sa manicurista nang magtama ang kanilang mga mata. “Ate? Ano’ng ate? Hindi ba sinabi ko sa ‘yo na ang itawag mo sa akin ay senyorita? Senyorita! Narinig mo?” “Opo…senyorita,” patiayon ni Bella. “Hala, kumuha ka uli ng juice. Bilisan mo at kanina pa ako nauuhaw!” bulyaw sa kaniya ni Laida. “Hoy, Bella, dalhan mo nga ako ng cake at orange juice. Orange juice, ha? Huwag kang tanga!” utos din ni Maita na may kasama pang pang-iinsulto. Bella secretly rolled her eyes. Umaastang mga senyorita ang mga kapatid niya sa ama samantalang wala naman itong karapatan sa mansyon. Kung makapag-utos ay wala man lang pakiusap. Hindi na mabilang ni Bella kung ilang beses na siyang napapahinga nang malalim. Hangga’t kaya pa niyang magpasensya ay gagawin niya. Mabilis siyang bumalik sa kusina. Pinahiran niya ng basahan ang damit na nabasa ng juice na itinapon ni Laida sa kaniya. Alam niyang hindi siya nagkamali bigay dito. She was paying attention kanina at hindi naman siya bingi kahit na nagluluto siya sa kusina. Hinubad niya ang suot na basang apron. Sa ganoon siyang akto nang maabutan siya ng kaniyang ina na kakapasok lang sa kusina mula sa likurang bahagi ng mansyon. “Anak…” nag-aalalang sinuri siya ng ina. Agad siyang ngumiti kay Miranda nang makita ang pag-aalala sa mukha nito. “Natapon po kasi ang juice sa damit ko, ina,” dahilan niya para hindi na mag-alala pa ito. Mahina na ang katawan ng kaniyang ina bagamat nasa edad singkwenta pa lamang ito. Kung titigan ay para na itong sitenta anyos. Kung hindi lamang dahil sa panggagamot nito noon ay… Napahinga nang malalim si Bella. “Ang mabuti pa’y magbihis ka muna. Sino ba ang nanghihingi ng juice at ako na ng magbibigay?” “Ako na po, ina. Sandali lang naman po ako,” sabi ni Bella. “Hindi na. Ako na. Si Laida ba?” Tumango si Bella at sinabi sa ina ang gusto ni Laida at pati na rin ang iniutos ni Maita. Inihanda ni Miranda ang gusto ng kambal at inilagay sa tray. Sinundan niya ng tingin ang ina habang papunta sa malaking sala. Lumabas si Bella ng kusina at tinungo ang kubo hindi kalayuan sa mansyon. Doon sila tumira ni Miranda mula nang palayasin sila ni Viktoria—ang unang asawa ng kaniyang ama na si Fernando. Kung siya lang ang masusunod ay ayaw na niyang papuntahin ang kaniyang ina sa mansyon. Ayaw niyang maranasan ng kaniyang ina ang pang-aalipusta ng mag-iina sa kaniya. Kung may kakayahan lamang siyang ilaban ang karapatan niya ay matagal na niyang ginawa mula noong mamatay ang ama niya tatlong taon na ang nakakaraan. Ngunit wala siyang kapera-pera para magbayad ng abogado at ang atm card na inilaan ng ama niya noon para sa kaniya na naglalaman ng malaking halaga ay kinuha sa kaniya ng kambal at winaldas ang pera. Ni hindi siya nakapagtapos sa kolehiyo dahil sapilitang kinuha sa kanilang mag-ina ang mansyon at ang hasyenda ng unang pamilya ng kaniyang ama. Ni kahit singkong duling ay walang natira sa kanila ni Miranda. Nang maalala ang ama ay agad na nakaramdam ng lungkot si Bella. Namatay sa pagsabog ng eroplano ang kaniyang ama nang pauwi na ito mula sa bakasyon sa Switzerland. Ni wala silang bangkay na pinaglamayan dahil hindi nahanap sa gitna ng karagatan ang katawan ng kaniyang ama. Kung may naiwan lamang na testamento ang kaniyang ama ay nasisiguro niyang makukuha nila ng kaniyang ina ang pagmamay-ari sa mansyon at hasyenda. Ngunit ni kapirasong papel ay walang iniwan sa kanila ang kaniyang ama. Kahit titulo man lamang ng lupa. Hindi rin alam ng kaniyang ina kung saan iyon nakatago dahil ipinauubaya nito sa kaniyang ama ang mga dokumentong iyon. Nang tanungin nila ang abogado ng kanilang pamilya ay hindi rin nito hawak ang titulo ng kanilang lupain maliban sa mga bagong propriedad na nabili ng ama mula sa kinikita ng hasyenda. Ang lahat ng iyon ay kinamkam din ng mag-ina. Sa legal na paraan ay minana ng unang pamilya nito ang hasyenda at ang mansyon. Nang mabalitaan ng mga ito na namatay ang ama niya ay nagkukumahog na lumipat ang mga ito sa mansyon at sipain silang mag-ina palabas sa kanilang tirahan. Kung tutuusin ay dapat kay Miranda napunta ang lahat ng ari-arian ng kanilang pamilya. Ibinayad kay Miranda ang mansyon at ang hasyenda ng isang napakayamang matanda na pinagaling nito mula sa malubhang sakit. Naroon na ang matanda sa Amerika at namumuhay ng permanente kasama ang mga anak. Noong una’y ayaw tanggapin ni Miranda ang hasyenda dahil napakalaking kabayaran iyon ngunit tiniyak ng matanda na hindi na itong muli babalik ng Pilipinas at walang interes ang mga anak nito na bumalik sa bansa. Tinanggap ni Miranda ang gantimpala kung kaya naging maalwan ang buhay nilang mag-ina hanggang sa mawala ang kaniyang ama. Alam ng kaniyang ina na pangalawang asawa lamang siya ni Fernando kaya hindi nila nagawang magpakasal. Ngunit dala-dala ni Bella ang apelyido ng kaniyang ama. Noong umpisa’y natuwa pa siya nang malamang may kapatid siya at kambal pa. Sa simula ay naging mabuti sa kaniya sina Laida at Maita ngunit kalaunan ay lumabas din ang tunay na kulay ng mga ito. Kinuha ng kambal mula sa kaniya ang silid niya at mga mamahaling damit at gamit niya na binili ni Fernando para sa kaniya. She chuckled sarcastically. Pakiramdam tuloy niya ay siya si Cinderella. Umaasang sa hinaharap ay may prinsipeng magliligtas sa kaniya mula sa malupit na kamay ng mag-iina. Hindi namalayan ni Bella ang paglandas ng luha sa kaniyang pisngi. Mabilis na pinahid niya iyon at mabilis na kumuha ng malinis na damit. Pagkatapos magbihis ng damit ni Bella ay bumalik siya sa mansyon. Naabutan niyang tinitingnan ng kaniyang ina ang naiwan niyang niluluto. Muntik na niyang makalimutan iyon at kung wala ang kaniyang ina ay malamang nasunog na iyon. Siguradong makakatikim na naman siya ng galit ng mag-ina. “Hindi ka na dapat pumunta rito, ina. Kaya ko naman ang mga gawain dito.” Matamlay na ngumiti sa kaniya si Miranda. “Hindi ko naman matiis na ikaw ang gagawa ng lahat ng gawaing bahay dito, anak.” “Pero, ina. Hindi po maganda sa kalusugan ninyo ang magpagod,” pagrarason niya. “Kung may mapupuntahan lang sana tayong iba, anak. Hindi ako magtitiis dito. Maaari tayong bumalik sa dati nating tinitirhan at manggagamot uli ako.” “Hindi ako makapapayag, ina! Ayokong abusuhin ng mag-inang iyon ang kayamanang hindi naman nila pinaghirapan! Kung tutuusin ay ikaw ang tunay na nagmamay-ari ng hasyendang ito at hindi si ama!” Bumuntong-hininga si Miranda at malungkot na tumingin sa anak. “Gusto ko mang bawiin ay hindi ko magagawa nang walang masasaktan, Bella,” makahulugang wika ng kaniyang ina. “Ganoon pa ma’y hindi po ako aalis dito sa mansyon nang hindi nahahanap ang titulo ng lupa, ina. Kahit iyon na lang ang matira sa atin. Titiisin ko ang lahat mahanap ko lamang iyon.” “Kung may magagawa lamang ako ay hindi ko hahayaang magtrabaho ka rito nang walang tinatanggap na sweldo, Bella. Ni minsan ay hindi ko naisip na aalilain lamang ng kung sino ang aking anak,” naluluhang wika ni Miranda. Mabilis na nilapitan ni Bella ang ina at mahigpit na niyakap. “Huwag po kayong mag-alala, ina. Kakayanin ko po ang lahat mabawi lang po natin ang nararapat na para sa atin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD