Chapter 9

2963 Words
NAKATAYO si Francis sa harap ng mansyon at sinuyod ng tingin ang panlabas na kabuuan niyon. It was a Victorian style mansion. It was named after Donya Saturnina—Don Ernesto’s wife. Saturnina mansion was set in a lush, verdant and gorgeous gardens of flowers, shrubs, trees, potted palms and herbs. Within the ground is a fresh water swimming pool and a basketball court. Kitang-kita na inaalagaan nang husto ang mansyon kahit na wala na ang may-ari niyon mahigit isang taon na ang nakakaraan. May isang Victorian style fountain din na nasa harapan ng hagdanan patungo sa main door. Ang disenyo ay dalawang nakaupong h***d na babae sa ibabaw ng magkaharap na karpa at pagong. There were different kinds of fishes that were visible in the pond. Sa ibabaw ng tubig ay nakalutang ang mga water lilies na namumulaklak ng puti. Hindi sukat akalain ni Francis na ang bahay ng Lolo niyang si Ernesto Salveron ay isa palang mansyon. He was expecting a large house, okay. Dahil ang alam niya ay may tubuhan at azucarera ang lolo niya. Ngunit hindi niya inaasahang sa gitna ng napakalawak na lupain na iyon nakatayo ang isang malaking mansyon. The old man must be one hell of wealthy person. “Senyorito Francis, pumasok na tayo sa loob,” pukaw sa kaniya ng matandang katiwala na nagpakilalang si Pilo. Ito ang sumundo sa kaniya sa Banago port sa Bacolod. Mahigit isang oras din ang biyahe nila bago makarating sa mansyon na nasa Manapla. Francis sighed and nodded at the old man. Madali niya itong nakagaanan ng loob dahil maliban sa madaldal ito ay hindi niya napansing naaasiwa ito sa pagmumukha niya sa durasyon ng kanilang biyahe. Natural na nagulat ito sa simula ngunit agad ding nakabawi. Nagpatiuna ang matanda sa pagpasok at tahimik lamang na nakasunod sa likuran nito si Francis. Pagbukas ng malaking pintuan ay nakangiting sumalubong sa kaniya ang apat na nakaunipormeng mga katulong. Ngunit nang matitigan ang mukha niya ay agad na nawala ang ngiti sa mga labi ng mga ito at kinabakasan ng takot ang mga mukha na napayuko. Inismiran lamang ni Francis ang mga katulong. Kahit si Pilo, nang una siyang makita ay nagulat din ito. Ngunit sandali lamang iyon at bumalik uli ang sigla nito habang nasa biyahe sila. Well, hindi rin naman niya masisisi ang mga ito. The maids must be terrified for having a boss as hideous as him. “Siya si Francis Salveron. Apo siya ni Don Ernesto Salveron at siya na ngayon ang lehitimong nagmamay-ari nitong hasyenda Saturnina,” pagpapakilala ni Pilo sa kaniya. “Maligayang pagdating, senyorito Francis!” The maids chorused. Blangko ang mukhang sinulyapan lamang niya ang mga nakayukong katulong. “I want to rest, Pilo. Saan ang magiging silid ko?” walang emosyong tanong ni Francis. Iginiya siya ni Pilo paakyat sa engrandeng hagdanan patungo sa second floor. Bitbit nito ang dalawang hindi kalakihang bag niya na naglalaman ng mga mahahalagang gamit niya. May nadaanan pa sila na apat na magkakaharap na silid. Pumasok si Pilo sa pinakadulong silid at inilapag ang bags niya sa carpeted floor. “Ito ang magiging kuwarto mo. Ito ang master’s bedroom. May extension ang silid na ito,” binuksan ni Pilo ang pintuan patungo sa sinasabi nitong extension. “Dating opisina ito ni Don Ernesto. Sabihin mo lang sa mga katulong kung ano’ng gusto mong ayos nitong silid,” dagdag niya. Hinawi ni Pilo ang kulay itim na kurtina. Lumiwanag ang buong silid at tumambad sa kanila ang floor to ceiling na glass partition na naghihiwalay sa bedroom at sa veranda. “Paano, maiwan na muna kita rito para makapagpahinga ka. Bumaba ka na lang mamaya para maghapunan,” nakangiting wika ni Pilo. “Maraming salamat,” aniya na umupo sa gilid ng kama at nagsimulang hubarin ang sapatos. Narinig niya ang papalabas na yabag ni Pilo at ang marahang pagsara ng pintuan. Ibinagsak niya ang katawan pahiga sa kama at tinitigan ang ceiling na napipinturan ng puti at may nakasabit na magarang light bulb. Malaki ang silid para sa kaniya. Katumbas na yata iyon ng pinagsamang sala at kusina ng bahay nila sa Iloilo. The room was in combination of white and black in color. Napipinturahan ng puti ang buong silid at mula sa kurtina hanggang sa mga punda ng unan ay kulay itim. The ambience of the room was elegant but boring. Katulad ng buhay niyang nagsisimula nang mawalan ng kulay. He missed his friends already. Hindi niya ninais na umalis ngunit lalo lamang siyang malulugmok doon sa kanila kapag nanatili siya roon. Bago siya umalis sa bahay ni Jus ay kinausap siya nito. Na kung kailangan niya ng tulong ng mga Orsia ay maaari niyang kausapin si Alvadon. Ngunit mahigpit ang ginawa niyang pagtutol. Ayaw na niyang gambalain pa ang mga Orsia. Walang sino man ang dapat sisihin sa nangyari sa kaniya kung hindi ang sarili niya. Wala rin namang nagawa si Jus kung hindi umayon sa pasya niya. He deserved Lara’s curse. Ngayon ay siguradong magbabago na siya at titigil na sa pang-aakit... panlalandi... pagpapaasa o kung ano man ang tawag ng iba roon. Sino pa ba ang magpapapansin o magpapa-cute sa kaniya sa ganoong hitsura niya? Even cats will be terrified upon seeing his ugly face. Ni wala na rin siguro ang gustong makipagkaibigan sa kaniya. Who would want a monster friend? His friends must be worried right now. Alam niyang anumang oras mula ngayon ay tatawag ang mga ito sa kaniya. Ilang oras pa lamang siyang nahiwalay sa pamilya at mga kaibigan niya ay miss na miss na niya ang mga ito. Samantalang noong nandoon siya sa Iloilo ay inaabot siya ng umaga kung saan-saan. Iniunan ni Francis ang magkabilang braso. Wala pang isang araw mula nang umalis siya ng Iloilo ay parang gusto na niyang bumalik. Hindi siya sanay sa isang malaking bahay kasama ang mga katulong. Hindi rin naman mahirap ang pamumuhay ng pamilya niya ngunit ang karangyaang ito ay tila sumasakal sa kaniya. Wala siyang mapuntahan na kaibigan. Walang kakilala na puwede niyang makausap. Walang Zea na magpapasaya sa kaniya. He terribly missed his god-daughter already. Pakiramdam niya ay isang taon na niyang hindi ito nakikita kahit kaninang umaga lang sila nagkasama. Francis heaved a deep sigh. He felt bored already. Hindi rin naman siya sanay na magkulong sa bahay. Gusto niyang mamasyal. Libutin ang hasyenda. Ngunit paano niya magagawa iyon kung ganoon ang mukha niya? Paano siya haharap sa mga trabahador ng asyenda kung pangit ang hitsura niya? Rerespetuhin kaya siya ng mga ito o kukutyain pagtalikod niya? Bumuntong-hininga si Francis. Wala siyang magagawa kung hindi harapin ang bawat bukas nang nag-iisa. Iyon naman ang gusto niya. Ang magpakalayo-layo. Ilang minuto pa ang lumipas bago nagpasyang bumangon si Francis. Tinungo niya ang extension room na ipinakita kanina ni Pilo. Iginala niya ang paningin sa loob ng silid. May wooden table sa gitna at swivel chair na upuan. May kataasang shelf na nakadikit sa dingding at may mga nakasalansang mga brown envelopes. May mga mababang drawers din siyang nakita at hindi niya alam kung ano’ng mga laman niyon. Umupo siya sa swivel chair at dinampot ang isang long brown envelope na nakapatong sa ibabaw ng table. Tiningnan niya ang laman niyon at nalaman niyang vicinity map iyon ng hasyenda kasama ang mga ilang impormasyon. Pinag-aralan niya iyon. Hacienda Saturnina has a land size of five hundred thousand square meters. Nasa fifty hectares iyon. Noong sinabi ng kaniyang ama na minana nito ang bahay at tubuhan ng ama nitong si Ernesto ay hindi niya akalaing hasyenda pala iyon at mansyon. There were sugar plantation, sugar cane mills, five chicken coops, six fish ponds, three kinds of fruit bearing trees and coffee shrubs. Kanina sa biyahe ay nabanggit ni Pilo na ang lolo ng lolo Ernesto niya was credited as the first to comercially produce cane sugar in the province of Negros Occidental. Ang sabi nito’y magtutubo raw noon ang kanyang mga ninuno. Isa lang daw ang naging anak ni Ernesto Salveron na may anak ding babae na si Diana ngunit maagang namatay dahil sa sakit na leukemia. Ang mga magulang nito’y namatay dahil sa aksidente walong buwan matapos mamatay ni Diana. Kaya nang mawala ang mga lehitimong tagapagmana ni Don Ernesto ay napunta sa bastardong anak nito ang lahat ng ari-arian nito. Ayon na rin iyon sa codicil ng huling testamento ng Don. Dahil hindi rin naman kakayanin ng ama niya ang patakbuhin ang hasyenda ay sa kaniya na nito inihabilin ang pagpapatakbo nito. Isang chemist ang kaniyang kapatid na si Charlotte sa isang water plant at hindi rin nito gustong iwan ang trabaho nito. Muli niyang pinasadahan ng tingin ang hawak na papel. Ang mansyon pa lamang ang iniisip niya ay nalulula na siya. Paano pa kaya kapag nakita na niya ang buong hasyenda? Hindi alam ni Francis kung papaano siya magsisimula. Hindi niya alam kung makakaya ba niyang patakbuhin ito. Hindi niya alam kung kaya niyang pamunuan ang mga tauhan ng hasyenda. Paano kung ayaw ng mga ito sa kaniya? Maraming agam-agam ang tumatakbo sa isip ni Francis at tila lalong nagpapabigat iyon ng dibdib at katawan niya. Baka multuhin pa siya ng mag-anak kapag hindi niya napatakbo nang maayos ang hasyenda. Ibinalik niya ang papel sa loob ng envelope at muling ipinatong kung saan niya ito kinuha. Bumalik siya sa kaniyang kama at nahiga. Pakiramdam niya ay pagod na ang isip niya. He closed his eyes and decided to take a nap. PAGMULAT ni Francis ng mga mata ay hindi agad siya bumangon. Inangat niya ang kaliwang braso at sinilip ang oras mula sa kaniyang relo. It was six o’ clock already. Nang lingunin niya ang direksyon ng verandah ay nakita niyang nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa labas. Walang ganang bumuntong hininga si Francis at nanatiling nakahiga. Napako lang sa ceiling ang kaniyang paningin. Pakiramdam niya ay nanlalata ang katawan niya at wala siyang ganang bumangon. Nais na lamang niyang magkulong doon sa silid niya at matulog. Ngunit agad ding nagbago ang isip niya nang marinig ang pag-ungol ng kaniyang sikmura. He’s hungry. Mula nang umalis siya ng Iloilo ay walang laman ang tiyan niya. Tanging cup noodles lamang at isang piraso ng tinapay ang kinain niya sa barko. Francis decided to get up and take a bath. Isa-isang hinubad niya ang damit at saplot bago pumasok sa loob ng banyo. Even the bathroom has a touch of luxury. Kung sa Iloilo ay patimba-timba at patabo-tabo lang sila, doon nama’y may shower at heater pa. Kompleto rin sa mga gamit. Francis stood still under the shower. Hinayaan na lamang niyang tumulo ang tubig sa katawan niya. May malaking salamin sa loob ng banyo ngunit iniiwasan niyang mapatuon doon ang paningin niya. He doesn’t want to see his ugly face. Mabilis na nagsabon at naglinis ng katawan si Francis. Nang matapos ay kinuha ang tuwalya at nagpunas ng ulo bago itapis iyon sa beywang niya. When he shifted, he saw his face on the mirror. At ganoon na lamang ang gulat niya nang makita ang makinis niyang mukha. Walang bakas ng sumpa ni Lara. “s**t!” hindi niya napigilang bulalas. Mas lalo niyang inilapit ang mukha sa salamin para sipatin ang buong mukha. Bumalik sa dati ang hitsura niya! Hindi pa siya nakontento at pinisil-pisil ang mukha niya. It’s real! “Oh, my God!” hindi makapaniwalang anas niya. NANG LUMABAS si Francis ng silid niya ay alas siete na ng gabi. Nakabihis na rin siya at nakaligo kaya preskong-presko ang pakiramdam niya. Napawi ang pagod ng katawan at isip niya dahil nakatulog siya kahit ilang oras lang. Isa pa’y may natuklasan siya sa ipinataw na sumpa sa kaniya ni Lara. Nagdulot ng munting pag-asa ang natuklasan niyang iyon. Pababa na siya nang hagdanan nang mapansin siya ng isang katulong na kasama sa mga sumalubong sa kaniya kanina. “Senyorito Francis, gising na po pala kayo. Nakahanda na po ang hapunan ninyo.” Ngumiti siya sa babae na sa tantiya niya nasa trenta na ang edad. Nagulat pa ito nang matitigan siya ngunit sandali lamang iyon at agad na napalitan ng ngiti. Nagpatiuna ito sa pagpasok sa dining area. Naabutan niya roon ang dalawa pang maid na inaayos ang hapagkainan. Hindi rin maikaila ang pagkagulat sa mukha ng mga ito nang makita siya. Kahit siya ay hindi rin makapaniwala. He just wish it will always be dark. Always night time. Kunot-noong tiningnan ni Francis ang hapag. Maraming pagkain ngunit isang plato lang ang naroon. “May bisita ba tayo ngayon?” takang tanong niya sa mga ito. “Ah, eh, wala po, Senyorito. Naghanda po talaga kami ng iba’t ibang putahe para may pagpilian po kayo. Hindi po kasi namin alam kung ano po ang gusto ninyong kainin,” sagot nito na iniyuko ang ulo na para bang takot salubungin ang tingin niya. Tumango-tango siya. “Kumuha kayo ng plato at samahan ninyo akong kumain.” “Po?” gulat na bulalas ng isa. Nagkatinginan ang dalawang katulong na parang kagulat-gulat ang sinabi niya. “Bakit? Kumain na kayo?” Halos sabay na umiling ang tatlong maids. “Kung ganoon ay tawagin ninyo ang iba pang katulong at si Pilo. Sabihin mong sabay-sabay na tayong kumain.” “Ha? Eh…” hindi malaman ang gagawin na usal ng katulong. “Sige na. Masamang pinaghihintay ang pagkain,” nakangiting wika ni Francis. Mabilis na pumasok ang tatlo sa kusina na hindi magkandaugaga sa pagtawag sa pangalang Kora. Marahil ay kasama ng mga ito ang Kora na iyon. Halos magkasunod na lumabas ang limang katulong kasama si Kora na marahil ay mayordoma ng mansyon. Hindi niya ito nakita kanina pagdating niya. “Señorito, gusto niyo raw po kaming makasabay sa pagkain?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Kora. “Oo. At kung hindi kayo susunod ay ipapatanggal ko kayong lahat bukas na bukas din.” Naramdaman niya ang pagkataranta ang mga katulong dahil sa sinabi niya. Napangiti si Francis nang marinig na nag-utos si Kora na kumuha ng mga plato at tawagin si Pilo. Agad namang tumalima ang mga katulong at atubili pang nagsi-upo sa hapag. Nang makaupo nang maayos ang mga ito ay nagsalita si Francis. “You can eat now,” aniya na nagsimula na ring kumuha ng kanin at ulam. Atubiling kumuha ang mga ito ng pagkain, saka naman dumating si Pilo na pagpasok sa dining area ay agad na nagtama ang kanilang mga mata. “O! Señorito Francis?” takang tanong ni Pilo na umangat pa ang daliri at itinuro siya. Nagtatakang sumulyap pa ito kay Kora. “Umupo ka na at kumain.” Tumalima si Pilo nang senyasan ito ni Kora na maupo na. Tahimik silang kumain at tanging tunog ng kubyertos lamang ang maririnig. Wala ni isang nagbukas ng usapan. Napansin din niyang nakikiramdam ang mga katulong kaya napailing na lamang siya. Nang matapos ang lahat sa pagkain ay tumikhim si Francis kaya natuon ang atensyon ng lahat sa kaniya. “Alam kung nagulat kayo sa pagdating ko. I’m sorry,” panimula niya. “Ang totoo po, Señorito, mula nang mamatay ang Don at ang pamilya niya ay inaasahan na namin ang pagdating ng isa sa inyo dito sa hasyenda. Alam namin lahat dito ang tungkol sa isa pa niyang anak,” sabi ni Pilo na hindi na ikinagulat ni Francis. Maluwag ang pagtanggap ng mga ito sa kaniya kaya alam niyang alam na ng mga ito ang tungkol sa pagiging bastardo ng kaniyang ama. Anak ni Don Ernesto ang kaniyang ama sa ibang babae ngunit hindi nito ipinagdamot ang apelyido nito sa anak. That made his heart swells in appreciation and gratefulness. Tumango siya sa sinabi ni Pilo. “May mga kondisyon lamang ako para maging maayos ang pagtatrabaho natin dito sa loob ng mansyon at sa hasyenda. Una, tawagin ninyo akong Francis. Hindi señorito, hindi sir. Francis,” pagbibigay diin niya sa pangalan. Nakita niyang nagkatinginan ang mga ito at muling ibinalik ang tingin sa kaniya. “Pangalawa, tuwing kakain ako sa malaking hapag na ito ay kailangang kasama ko kayo. Hindi ako sanay kumain nang mag-isa. Nakawawalang gana.” Marahang tumango ang mga kaharap niya. “Pangatlo, kapag ganito ang mukha ko, ako ang amo ninyo…” Nalilitong nagkatinginan ang mga ito. “Ano ang ibig mong sabihin, F-Francis?” hindi makatiis na tanong ni Pilo. Curiosity was written on his face. “Kaninang may araw ay nakita ninyong hindi ganito ang mukha ko. Pangit, nakakadiri. Ganoon ang anyo ko kapag may araw. Gusto kong ituring ninyo akong ordinaryong trabahador dito kapag ganoon ang hitsura ko. May mga binabalak akong gawin upang hindi magiging boring ang buhay ko rito sa hasyenda so, please indulge me,” pakiusap niya sa mga ito. “Ang ibig mo bang sabihin ay pangit ang mukha mo kapag araw at bumabalik sa dati pagsapit ng gabi?” tanong ni Kora. Tumango siya sa sinabi ng mayordoma. “Isinumpa ka ba, Francis?” tanong ni Pilo. “Oo,” diretsang sagot niya. Hindi nakaligtas sa kaniya ang malakas na pagsinghap ng mga ito. Marahil ay hindi makapaniwalang may sumpa pa sa modernong panahon na ito. “A-Ano ba ang balak mo?” tanong ni Pilo. “Gusto kong libutin ang hasyenda bilang si Ikoy. Kapag may nanghamak sa akin dahil sa mukha ko’y wala kayong gagawin. Hayaan n’yo lang. Gusto ko ring ilihim ninyo ang sikreto kong ito. Kapag may ibang makakaalam ay parurusahan ko kayong lahat. Am I clear?” “Opo!” halos sabay na sagot ng mga kaharap niya. Napapabuntong-hiningang sumandal si Francis sa upuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD