Chapter 15

1984 Words

UMAGANG-UMAGA pa lamang ay nakabihis na si Francis. Suot niya ang kaniyang luma ngunit malinis na damit at kupasing pantalon. Iniwan na rin niya sa ibabaw ng kama ang kaniyang relo. Bahagya rin niyang ginulo ang kaniyang buhok at hinanap niya ang tsinelas bago lumabas ng kaniyang silid. Nang makababa ay naabutan niya si Kora sa kusina at nakaluto na ng almusal. Alam kasi nitong maaga siyang nagigising kaya maaga rin itong naghahanda. Agad na kumulo ang tiyan ni Francis nang manuot sa ilong niya ang mabangong amoy ng sinangag na kanin at pritong tuyo. Agad siyang lumapit sa dish rack at kumuha ng sariling plato at kubyertos. Napansin siya ni Kora kaya agad siya nitong binati. “Ang bango naman niyan, Kora.” “Eh, na-miss kasi naming kumain ng tuyo. Pasensya ka na at amoy tuyo ang kusina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD