Chapter 14

2177 Words

NAG-AAGAW ang liwanag at dilim nang umalis si Francis sa mansyon sakay kay Arrow. Tinungo niya ang daan patungo sa batis. May kutob kasi siyang darating na naman ngayong gabi sina Laida at Maita sa mansyon at hindi niya nais abutan ng magkapatid doon. Masyado pang maaga para maikonekta ang pangalan niya sa magkapatid. Nahahalata niyang gusto siya ng dalawang dalaga at hindi niya nais na dalawin siya ng mga ito anumang oras nila gustuhin. Nang makababa mula kay Arrow ay itinali niya ito malapit sa manukan. Madilim ang paligid at tila uulan pa. Wala sana siyang planong lumabas kung hindi lamang niya iniiwasan ang magkapatid na Laida at Maita. Nanatili roon si Francis ng halos dalawang oras. Nang sipatin niya ang relong pambisig ay nakita niyang alas otso na ng gabi. Masyado pang maaga pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD