Chapter 13

1928 Words

NANG MAKARATING sila sa mansyon ng hasyenda Miranda ay agad na nag-door bell si Pilo sa gate. Nakita nilang lakad-takbong tinungo ng isang babae ang kinaroroonan nila. Nang makalapit ito sa kanila’y muntik nang matawa si Francis sa hitsura nito. Hindi siya natatawa dahil sa pangit ito kung hindi sa nakakatawang ekspresyon ng mukha nito. Na para bang asar na asar pero hindi mailabas ang pagkaasar. “Bago ka lang ba rito, Ine?” takang tanong ni Pilo. Kunot ang noong pinasadahan ng tingin ang babae mula ulo hanggang paa. Paano kasi’y magulo ang mahabang buhok nito. Ngunit napansin ni Francis ang maganda at natural na kulay brown na buhok ng babae. Itim ang mga mata nito at nangingitim ang kanang bahagi ng mukha na hindi niya malaman kung inborn ba iyon o nakuha mula sa isang aksidente.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD