Chapter 41

1476 Words

PAGKATAPOS ni Bella sa trabaho sa mansyon ay tinahak ng mga paa niya ang daan patungo sa batis. Habang naglalakad ay malalim ang kaniyang iniisip. Hindi maalis sa isip niya ang sinabi ni Maita kagabi. Si Francis at Ikoy ay iisa! Ni minsan ay hindi niya naisip na posible iyong mangyari. Si Francis ay pilyo habang si Ikoy naman ay seryoso. Nagbibiro ito sa kaniya ngunit may limitasyon. Paano’ng nangyari na iisa lamang ang dalawang lalaking iyon? Ano ang nangyayari kay Francis kapag araw? Katulad din ba niya itong nagpapanggap lamang na pangit sa araw? Napalatak si Bella habang maraming gumugulo sa isip niya. Ang ibig sabihin lamang niyon ay hindi siya nagkakagusto sa dalawang magkaibang lalaki. Kaya pakiramdam niya ay nahuhulog ang loob niya kay Ikoy samantalang si Francis ang mahal niya a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD