Chapter 26

1659 Words

HINDI nga nagpapigil si Bella at sumunod kay Francis patungo sa mansyon. Nag-aalala rin si Miranda sa kalagayan ni Bella ngunit siniguro ni Francis na hindi mapapano roon ang dalaga. “Tulungan na kita riyan, Ikoy,” ani Bella na tinangkang bubuksan ang isang gripo sa lababo upang hugasan ang mga platong sinabon na ni Francis. “Kalma ka lang riyan, Bella. Marunong ako nito.” He gestured her to go back to where she was seating. “Malaking abala na itong ginagawa mo para sa amin ni ina, Ikoy. Nakakahiya na sa ‘yo,” nahihiyang wika ni Bella na pinapanood si Francis sa maingat nitong paghuhugas ng mga plato. Noon lamang siya nakakakita ng lalaking ekspertong nagtatrabaho sa kusina. Pinapanalangin lamang ni Bella na hindi maabutan doon nina Laida at Maita si Francis dahil nasisiguro niyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD