Chapter 25

1948 Words

DAHIL halos mapuno na ang dalawang tote bag ni Bella ng mga gulay ay inihatid na siya ni Francis sa Hacienda Miranda. Nasisiguro ni Bella na solve na ang pang-isang linggo nilang ulam sa mansyon. Siguradong labis iyong ikatutuwa ni Laida. Ang inaalala lamang niya ay baka kapag naubos ang mga gulay na ito ay mag-uutos na naman itong manghihingi. Napahawak sa kaniyang noo si Bella at hinilot iyon nang manlabo ang kaniyang paningin. Inilipat niya ang bag sa kabila niyang kamay at patuloy na nakasunod lang kay Francis. Kunot-noong sinipat niya ang nilalakaran dahil tila umiikot na ang pakiramdam niya. Nang lumingon sa kaniya ang binata ay agad siyang ngumiti. “Akin na iyan, Bella. Ako na ang magdadala niyan,” wika ni Francis na kinukuha ang isang bag ng gulay kay Bella. “Hindi na, Ikoy.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD