Chapter 45

2099 Words

NAKATAYO sa maliit nilang kusina si Mirabella at nasa harap ang isang may kalakihang kawali na may lamang kumukulong tubig. Pinakuluan niya ang mga halamang ugat at dahon. Wala sa ginagawa ang pansin niya at nakatitig lamang siya sa kadiliman ng paligid na kita mula sa kinatatayuan niya. Alas nueve na ng gabi at tanging huni na lang ng mga kulisap ang maririnig mula sa labas. Tanging nipa lamang ang bubong ng kanilang kubo at kusina. Ang kusina nilang mag-ina ay hanggang balikat lamang ang dingding na gawa sa pinagdikit na kawayan. Sakto lang upang hindi makita kung ano ang niluluto nila. Maliban kasi sa kubo nilang mag-ina malapit sa mansyon ay may isa pa silang kubo sa gitna ng kakahuyan kung saan sila nanggagamot ni Miranda. Hindi alam nina Donya Viktoria at ng mga anak nito ang tungko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD