NAG-AALALANG nilapitan ni Bella si Gabby na nasa loob ng kulungan. Nahahabag na pinagmasdan niya ang sugatang mukha ng kaibigan. Mahigpit namang napakapit si Gabby sa rehas na bakal nang makita si Bella na papalapit sa kaniya. “Gab! Ano’ng nangyari!” “Bella…” “Oh, my God, Gabby. Bakit ka dinampot ng mga pulis at ikinulong? Ano’ng nangyari sa ‘yo? Bakit marami kang sugat at pasa sa mukha?” “Kagagawan ito ni Francis…” pagtatapat ni Gabby. “Si Francis? Ngunit bakit? Ano’ng kasalanan mo sa kaniya?” usisa ni Bella. “Hindi ko alam, Bells. Hindi malinaw sa akin ang lahat ng nangyari,” nakayukong sabi ni Gabby. “Bakit hindi malinaw? Sabihin mo sa akin ang totoo? Nangyari ba ang g**o sa tubuhan? Bakit hinayaan nilang bugbugin ka ni Francis? A-Ano’ng kasalanan mo?” sunod-sunod na tanon

