1

3249 Words
UNANG KABANATA Summer Sinusuklay ko ang itim kong buhok na lagpas na sa balikat, habang nakatingin sa salamin at sinusuri ang aking sarili. Ang ibaba ng mata ko’y umiitim na dala ng stress at pagod. May pasa rin ako sa gilid ng aking labi. Sa katotohana’y halos lahat ng parte ng aking katawan ay mayroong pasa at unti-unti nang nagiging kulay-lila. Natigil ako sa pagsusuklay at ngumiti ng mapait. Paulit-ulit lang ang nangyayari sa akin. I always ended up getting beat up and hurt. Sa tuwing nangyayari iyon ay tahimik na lamang akong umiiyak at hinahayaang gumaling ang mga sugat na natamo ko mula sa pananakit niya. Pinapatawad ko siya kaagad kahit na hindi niya hinihingi iyon. Alam kong dala lang ang lahat ng iyon ng galit. Ako ang dahilan kung bakit siya napunta sa ganitong sitwasyon. Kaya ang makakaya ko lang na gawin para sa kaniya ay intindihin siya nang intindihin. Mas lalo lamang gugulo kung makikisabay ako sa galit niya. He was my first in everything. My first love, my first kiss and unfortunately, my first heartbreak as a woman. Siya ang unang nagparanas sa’kin bilang babae pero sa kasamaang palad ay hindi naging maganda ang resulta noon. What he did to me isn’t just painful s*x. Naalala ko ang nangyari noong isang gabi, nagalit siya sa akin dahil nakalimutan kong labahan ang paboritong niyang polo na bigay pa sa kaniya ng kaniyang Ina. Iyon kasi sana ang susuotin niya kahapon. Nilabhan ko kaagad ang polo niya at pinatuyo. Ngunit kahit laba na at tuyo na ang kaniyang polo ay hindi pa rin noon naaalis ang galit sa mata niya. He’s still mad. Kapag ganoong galit siya ay sarado ang isip niya upang intidihin ako at ang mga paliwanag ko. Sinampal-sampal niya ako at sinuntok sa tiyan habang patuloy na sinasabihan ako ng masasakit na mga salita. Tinadyak-tadyakan niya ako nang may halong panggigigil. Hindi siya tumigil hangga’t hindi siya naku-kontento. But I know, last night was different. He pushed me to the bed and r***d me. At first, I refused but I eventually stopped myself because I’m too tired to fight with him. He was just…strong and the only thing that I can do is to cry while he’s thrusting hard and deep inside me. It was really far from the love making many couples do. Pero kahit na gano’n ang pagtrato niya sa akin ay masaya pa rin ako dahil napagsisilbihan ko siya bilang asawa niya. I’m still happy that I have him kahit na hindi niya ako mahal. Pinasadahan kong muli ang aking sarili bago bumaba sa kusina para magluto ng hapunan. Pagkababa ko ay tiningnan ko kaagad ang orasan na nakasabit sa dingding. “Ala sais y media.” Tinapunan ako ng kaba sa dibdib matapos banggitin ang oras. Any minute from now ay darating na siya at natatakot akong salubunging muli ang galit niya dahil hindi ako nakapagluto ng hapunan. Kagigising ko lang kanina dahil sobra akong napagod sa paglilinis ng buong bahay. He’s a perfectionist and strict. Gusto niyang lilinisin ang bahay 3 times a week. The house was huge – a mansion indeed. He didn’t get any maids dahil ang katwiran nito’y sayang ang pera niya gayong kaya namang gawin. Pero alam kong gusto lamang niya akong pahirapan. He loves to see me hurt and suffer in pain. Nagsimula na akong magluto ng ulam at magsaing. Ngunit hindi pa man kumukulo ang sinigang na baboy na niluluto ko ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto hudyat na nakauwi na siya. Natigil ako sa pagliligpit ng mga ginamit ko sa paghahanda at napakagat sa aking labi. Nanginginig ang aking mga kamay at nangangatog ang aking tuhod. Natatakot sa kung ano pa ang kaya niyang gawin. Ramdam ko ang t***k ng puso ko habang pinagmamasdan siyang ihagis ang kaniyang bag sa sofa. Pagkatapos ay nagsimula na siyang maglakad papunta sa kinaroroonan ko. Tinanggal niya ang kaniyang coat at inilapag sa katabing silya at saka umupo. Nang maramdaman niyang nakatingin ako sa kaniya ay lumingon siya sa akin at tiningnan ako ng masama habang nakataas ang isa niyang kilay. “What are you looking at? Ipaghanda mo na ako ng makakain,” inis na utos nito. “A-Ano kasi...” I can't find the right words to say! “What?!” mariing sigaw niya sa akin. Iritado at kunot-noo siyang nakatingin sa akin. Napayuko na lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. My heart was beating so fast. Ilang segundo pa ay tumingin na rin ako sa kaniya. Ngunit pinagsisihan ko rin sa huli dahil masama ang tinging ipinupukol nito sa akin. Tiningnan niya ang nasa likod ko kung nasaan ang kusina. At nang mapagtanto niya ang ibig kong sabihin ay mabilis niyang itinuon sa akin ang atensiyon niya. Nag-a-alab na ang kaniyang mga mata dahil sa galit. Napaatras ako at napakurap nang biglang kumalabog ang kaniyang kamay sa mesa kasabay ng kaniyang marahas na pagtayo. “Kinginang ‘yan, Summer! Wala ka na bang ibang alam na gawin kung hindi ang sirain ang araw ko?! Wala ka ng ginawang tama! Napaka-inutil mo!” Napayuko na lang ako. “Maaga pa naman,” mahina at kagat-labing wika ko. Dahil sa malapit lang naman ang agwat namin sa isa’t isa ay mabilis niyang natawid ang counter na pumapagitna sa aming dalawa. Hinagip niya ang aking braso at pinisil iyon ng mariin. Nakagat ko ng mariin ang akin labi dahil ang nahawakan niya ay ang parte ng braso ko na may malaking pasa. “Nangangatuwiran ka pa?! Alam mong maaga akong umuuwi pero hindi mo pa rin inagahan ang pagluluto ng hapunan!” singhal nito sa’kin. Buong puwersa niya akong itinulak at nanlaki ang mata ko nang may mahawakan ang malamig na bagay sa likuran ko. Nanlamig ang buong sistema ko. Kinakabahan ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Nang makita niyang nasasaktan ako ay umismid ito at tinulak ang ulo ko gamit ang kaniyang daliri. “Napaka-arte mo naman! Hindi naman masakit ang pagkakatulak ko sa iyo ngunit kung umasta ka riyan ay para kang pinutulan ng tinggil!” inis na sigaw nito sa akin. Yumuko ako at kinagat ang ibabang labi ko. I even tasted my own blood. Habol ang aking hininga habang taimtim na nananalangin na sana ay hindi malala ang sugat na natamo ko. Kung maaari lang ay ayokong makakita ng dugo. I have a phobia on it. Ang Lolo ko na tumatayong Ama ko ay pinatay. Naliligo ito sa sarili niyang dugo. I was traumatized since then kahit nakakulong na ang may kagagawan noon. It was a nightmare to me. I placed my hand on my back because I’m sure that the blood is already streaming down from my palm. I don’t know what to do. I don’t know how to escape from his madness will. I want all of this to stop. I just want to lock myself in my room. Pumikit ako at huminga ng malalim para kumuha ng lakas. Pagdilat ko’y mata agad niya na nanlilisik ang nakita ko. Hindi ko na lang pinansin iyon. Sa halip, ngumiti ako at tinulak siya ng mahinahon hanggang sa makarating kami sa upuan niya at pinaupo siya roon. Nagpasalamat pa ako dahil hindi na siya tumutol pa. “Just wait here. I’ll get your food,” ngiting wika ko. Mabilis ang pagtalikod ko dahil inilagay ko sa harapan ang aking kamay at hindi na nag-abala pa na tingnan ito. Baka kasi hindi ko kayanin kapag nakita ko ang lagay ng kamay ko. Ayokong maging dagdag pa sa problema niya. He’s already stressed out because of the company. Pinatay ko ang kalan dahil luto na iyong sinigang. Kukuha na sana ako ng plato para lagyan ito ng kanin nang magsalita siya na ikinatigil ko. “Where the blood did came from?” puno ng pagtataka ang kaniyang boses. “Baka kanina noong kumakain ako ng chicken. Tumulo ‘yong ketchup.” pagsi-sinungaling ko. Tumayo siya ng marahas. “Huwag mo akong gag*hin, Summer! Alam ko ang hitsura ng dugo at ng ketchup!” Napapikit ako dahil sa kabang nadarama ko. Bago pa man ako makapagsalita ulit ay nahablot na niya ang kaliwa kong kamay na siyang itinatago ko kanina pa. “What is this?! Saan mo nakuha ‘to?!” tanong niya nang makita ang sugat ko. Hindi ko alam ang hitsura pero sigurado akong malala iyon. “Aksidente ko lang nahawakan ‘yong kutsilyo. Hindi ko kasi alam na hindi ko ‘yon naitabi,” paliwanag ko at umiwas ng tingin. Hindi ko kayang tingnan ang kaniyang mga mata, masiyadong nakakatakot. “Tingnan mo ‘tong katangahang ginawa mo! Nag-a-aksaya ka ba talaga ng dugo mo ha?! Pinagdumi mo pa ‘yong sahig! Ang tanga mo!” singhal niya sa ‘kin habang mahigpit na hawak ang kamay ko. “Kung hindi mo ako tinulak ay hindi sana ako mahihiwa ng kutsilyo.” If only I could say those words pero hindi ko kaya. Wala akong lakas na kalabanin siya. Kahit napipilitan ay tiningnan ko ang sugat ko. Nang makita ko iyon ay mas lalo akong nanlamig. Pakiramdam ko’y tinakasan na ako ng dugo sa katawan. Ramdam ko ang pamumutla ng aking mukha at pagkatuyo ng aking labi. Sobrang laki ng hiwa sa palad ko at patuloy na nagsisilabasan ang dugo mula rito. Inalis ko agad ang tingin ko dito dahil nahihilo na ako. Tumingin ako sa kaniya habang nanginginig ang mga kamay ko. I can barely see him because my sight is getting blurry. Nevertheless, I smiled at him…weakly. “Okay lang ako. Wala ‘to. ‘Wag mong intindihin ‘to.”  But before I could totally close my eyes, I could see him ran towards me with my blurry eyes and I could even hear his voice calling my name. After that, I don’t know what happened since I was swallowed by darkness. » » » Maaga akong nagising para makapaghanda na ng umagahan. Usually kasi ay ala sais siya gumigising. Habang nag-pe-prepare ako ng pagkain niya ay sakto namang pagbaba niya. Magkaiba kami ng kwartong tinutulugan dahil na rin sa kagustuhan niya. Ayaw niya rin na gigisingin siya unless, sinabihan ka niya na gawin iyon. Tulad ng dati ay nakakunot ang noo niya. Magulo ang buhok nito ngunit hindi tulad ng ibang lalaki na pumapangit ang hitsura, ang pagkagulo ng buhok niya ang mas lalong nakapagpalakas ng dating niya. Wala siyang damit pang-itaas at boxer lamang ang kaniyang suot kaya naman kitang-kita ang pagkadepina ng kaniyang katawan at ang pagka-maskulado niya. I really love this man! Patago ang kilig na nararamdaman ko at tanging sa isipan ko na lamang ako tumitili. I’m still indeed lucky that I am married with this gorgeous man. Napabalik lang ako sa katinuan nang magsalita siya. “Don’t stare. Nakakairita.” malamig na wika nito nang makalapit siya sa lamesa. Napa-iwas na lamang ako ng tingin. Pagkaupo niya’y inilapag ko na kaagad ‘yong brown coffee na gustong-gusto niya at isang pirasong pancake na nakalagay sa platito. Nagsimula na siyang mag-almusal samantalang ako’y nakatayo lamang sa gilid habang pinagmamasdan siya. Ayaw niyang kasabay ako sa pagkain kaya t’wing pagkatapos na lamang niya ako kumakain. “Gusto mo bang kumain ng kanin? Fried rice naman iyon kaya hindi nakakaumay. Nagluto na rin ako ng tocino.” alok ko sa kaniya. Baka kasi gutom pa siya. “No,” tipid niyang sagot. Hindi na lang ako nagpumilit pa dahil baka mag-init na naman ang ulo niya. Sobrang nakakabinging katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Napakagwapo niya talaga. Perpekto kung maituturing. Nasa kaniya na kasi ang lahat. Pero hindi ang kayamanan niya ang minahal ko. Minahal ko siya dahil siya ay siya. Wala ng ibang dahilan. Tungkol sa sugat ko sa palad, maayos na siya. Humahapdi pa rin pero kaya ko namang tiisin. Hindi ko alam kung sinong nagbenda sa kamay ko pero nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi ako nito hinayaang mawalan ng dugo. Maybe it’s him since kami lang naman ang nandito sa bahay. I don’t know. The fact that I’m from a wealthy family. Everyone adores me because of my looks and kindness but after settling with Keiran, I am now always asking myself kung bakit hindi niya ako magawang mahalin? Kaso, sino nga ba naman ako ‘di ba? I’m pretty but I’m not enough to reach his standard. I’m just…me. Nothing special to brag about. Our marriage was secret, only a few know about this. It’s just me, my family, his family and our best friends. He’s afraid I might ruin his reputation kung sakaling nagpakasal siya sa taong katulad ko. Okay, I may come from a wealthy family but that doesn’t enough for him to announce our wedding. I’m not like his girls. They’re models and good in everything…even in bed. And I’m not. Definitely not his type. Madalas siyang mag-uwi ng babae rito sa bahay. At lahat sila kilala ako bilang katulong niya. Kahit saan ay nahuhuli ko silang may ginagawang kababalaghan. Ang masakit pa ay, I’m always hearing sweet words from him towards his bitches. He smiled at them - things that he doesn’t do to me. “Sino siya, Keiran?” kinakabahang tanong ko sa kaniya. Malamig ang tinging ipinukol niya sa akin at saka bumaling sa babaeng kasama. Nakalingkis ang babae sa kaniyang braso at mataman ring nakatingin sa akin. “She’s my girlfriend.” malamig ang tono ng kaniyang pagsasalita at tila proud pa sa kaniyang sinabi. Na-estatwa ako sa aking kinatatayuan. Nanginginig ang aking tuhod at palihim kong naikuyom ang aking kamao. “I’m your wife! You are not allowed to have any girls in your life except me!” Kung kaya ko lang talagang sabihin. Kung may lakas lang talaga akong ipaglaban ang karapatan ko bilang asawa niya. “Who is she, honey?” malambing na tanong ng babae. “She’s a family friend’s daughter.” Iba naman ang katauhan ko ngayon. Kung gaano kalambing ang boses ng babae ay ganoon din ang boses niya. I smiled at her a bit. Umayos siya sa pagkakatayo at tiningnan muli ako. “Why is she here?” tanong ulit nito. When are you going to stop asking? “Her parents went on a business trip, they asked me to look after her.” That’s a lame reason pero mukhang naniwala naman ang babae. Umalis na silang dalawa. Hindi na kami nagkakilanlan pa no’ng babae at wala rin naman akong balak na kilalanin siya. Nakailang beses na ring nangyari ang ganoong tagpo at nasasanay na rin naman ako pero hindi pa rin maaalis sa akin ang masaktan. He’s my husband but he doesn’t see me as his wife. Inuutos-utosan ako ng mga babae niya ng kung ano-ano at sa t’wing tapos na sila sa ginagawa nila ay dapat na linisin ko kaagad ang mga kalat nila bago pa siya makabalik dahil kung hindi ay bugbog sarado na naman ang abot ko. Masakit man na nakikita ko siyang may kasamang iba ay wala na akong magagawa pa. Ako ang naglagay sa sarili ko sa sitwasyong ito kaya dapat alam ko kung saan ako lulugar. Our marriage may be legal but the vows he said in front of the altar were all lie. Niligpit ko na at hinugasan ang kaniyang pinagkainan. Doon na lamang ako kakain sa pupuntahan ko. Magbibihis na lamang ako at aalis na. Umakyat na ako papunta sa kwarto ko, pero hindi ko pa man napi-pihit ang seradora ng pinto ay ramdam ko agad ang humahangos niyang yabag papunta sa direksyon ko. Nilingon ko siya at nakita ko ang nanlilisik niyang mga mata. Napabuntong hininga ako habang kinakabahang nakatingin siya. Ano na naman kaya ang nagawa kong mali? “Kingina naman Summer! Nag-grocery ka ba?! Bakit wala ng shampoo sa banyo ko?!” galit na tanong niya. Iyon lamang pala ang rason kung bakit siya narito sa harapan ko ngayon ngunit bakit ganiyan siya magalit? Ang babaw. “N-Nakalimutan ko...I mean...H-Hindi pa.” Dahil sa galit ay itinulak niya ako ng malakas at buong puwersa. Nagkamali ako sa pagbagsak dahil sumakit ang kanang braso ko. “Lintek na ‘yan, Summer! Napaka-wala mong kwenta! Ang sarap mong patayin, alam mo ‘yon?! Gustong-gusto na kitang mawala sa buhay ko!” minura pa niya ako ng ilang beses. Napapikit ako at pinigil ang aking luha na gusto ng kumawala. Hindi ko akalain na maririnig ko ang mga salitang ‘yon mula sa kaniya. I can’t believe it. Nang dahil lamang sa shampoo ay nagkaka-ganyan na siya. What more pa kaya kapag nalaman niya ang bagay na iyon? He wants me dead. He wants me out of his life.  Pinilit kong tumayo kahit na kumikirot ang braso ko. Umakto akong hindi ako nasasaktan. Binuksan ko ang pinto at dumiretso sa banyo. Kinuha ko ang shampoo sa banyo ko. Nakaligo na naman ako kaya hindi ko na ito kailangan sa ngayon. “Here. Ito muna gamitin mo. Maggo-grocery na lang ako mamaya.” mahinahong wika ko at iniabot sa kaniya iyong shampoo. Marahas niya itong kinuha sa kamay ko. “Napakatamad mo talaga!” sigaw niya at padabog na umalis sa kwarto ko. Napabuntong hininga na lang ako. Wala naman akong ginawang tama sa mga mata niya. » » » Bumaba  na ako sa kotse at pinag-masdan ang nasa harap ko. I miss this place. Matapos mag-doorbell ay umatras ako ng bahagya habang hinihintay na bumukas ito. Pagkabukas ng gate ay gulat niyang mukha ang sumalubong sa akin. Napatawa na lang ako sa reaksiyon niya. “Gosh! I really miss you!” tili niya at niyakap ako ng mahigpit. “Aww!” hindi ko mapigilang usal. Tiningnan niya ako ng makahulugan. Napayuko na lamang ako. “I guess we’re going to have storytelling and you’re the storyteller!” seryosong pahayag nito at pumasok na sa loob ng bahay. Sumunod na lang ako. “Manang! Pahinging dalawang juice. Orange!” sigaw niya sa katulong na nasa kusina. Umupo siya sa sofa at gano’n din ako. “So, what happened after you got married? Wala na kaming balita sa’yo pagkatapos noon, hindi ka rin namin makontak. Hindi naman kita mapuntahan dahil hindi ko alam ang address ng bahay ninyo.” Tiningnan ko ang basong inilapag sa center table na may laman na orange juice. Binalingan ko ang katulong na naglapag noon at ngumiti ng tipid. “Thanks/Salamat manang.” Ngumiti lamang ang katulong at nag-excuse bago bumalik sa kusina. Caleigh Natividad. This girl beside me is my best friend. Nakilala ko siya noong high school. May pagka-jolly siya pero mataray din naman minsan. Lagi kaming nagsasabihan ng mga problema sa isa’t isa. Partner ang mga parents namin sa negosyo kaya mas lalo kaming naging close. Kinuha niya ang juice at uminom. “So, tell me everything,” seryosong pahayag nito habang inilalapag sa center table ang baso. Uminom muna ako at tulad ng sinabi niya, ikinuwento ko sa kaniya ang lahat. Mula noong ikinasal kami hanggang sa nangyari kanina. Wala akong pinalampas na kahit kaunting detalye. Habang nagku-kwento ako ay hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Kahit tanggap ko na ay masakit pa rin. Sobrang sakit pa rin. Kahit dalawang taon na ang nakalilipas ay hindi pa rin naghihilom ang sugat sa puso’t isip ko. Alam kong kahit anong mangyari ay hindi pa rin niya ako magagawang mahalin. We knew each other for the very long time but we never had the same feelings towards each other. Niyakap niya ako ng mahigpit. Maya-maya pa ay kinalas na niya ang pagkakayakap sa’kin. Tiningnan niya ako ng may pag-aalala sa mukha. I smiled. Best friend ko nga talaga siya. “Bakit kasi hindi mo pa s’ya hiwalayan? File an annulment paper! Para naman makalaya ka na sa pagkakatali niya. Alam mong hindi ka niya mahal! He’s been hurting you physically, emotionally. Kulang na lang ay pati mentally!” Napatawa ako sa huli niyang sinabi. Pero napawi rin iyon nang tingnan niya ako ng masama. “I’m not joking here,” malamig na wika niya. “Did you tell your parents about this?” nag-aalalang tanong niya. “No, at ayaw ko ring malaman nila ang kalagayan ko sa piling ni Keiran. Matanda na sila at mayroon din silang inaasikaso sa negosyo namin.” My Mom and my Dad was on Australia right now. May business trip sila roon. My Mom was a British while my Dad is an American. Tumatanda na sila tapos ay nagta-trabaho pa sila sa iba’t ibang bansa to manage our business. Problema ko ito at kayang-kaya ko itong lagpasan. “Kung gano’n, hiwalayan mo na siya. Madami pang lalaki riyan. Maganda ka, matalino, sexy. You can go on a life without him. Please give yourself and your heart a big break. Tutulungan kita. Just stop your craziness!” seryosong suhestiyon niya. Umiling-iling ako habang patuloy na nagraragasa ang luha sa aking mukha. “You know I can’t.” Masyado ko siyang mahal para sukuan at hiwalayan. ~~  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD