IKA-LABING AMIN NA KABANATA Summer Matapos ng ilang linggong pahinga ay ibinalik na ulit ako sa kulungan, pero hindi na doon sa dating kulungang pinasadlakan sa akin. Ngayon ay maayos na, mabaho pa rin pero hindi na katulad ng dati. Kina Miggy at Caleigh ko na pinaayos ng kaso ko tungkol kay Samantha. Iyong officer at ‘yong mga presong kasabwat sa panggagahasa sa akin ay agad na inasikaso ni Attorney, kaya agad na naikulong ang officer tapos ‘yong mga kasabwat naman sa pangagahasa sa’kin ay dinala na sa Muntinlupa. Paminsan-minsan ay dumadalaw sa’kin si Caleigh para magbigay ng updates tungkol sa kaso ko kay Samantha. “Sabi ni Kevin – ‘yong private investigator na nirekomenda ni Attorney ay set-up daw talaga ang nangyari sa iyo base sa picture na pinakita sa atin ni Gwyneth noong isang

