IKA-LABING LIMANG KABANATA Summer Sabay-sabay kaming napalingon sa pintuan nang bumukas ito. Isang lalaking naka-t-shirt na puti at faded na ripped jeans. Mukha siyang artistahin. “I’m sorry, I’m late. Traffic kasi, eh. Miggy! Nice to see you again, man!” aabi nito at nakipag-fist bump kay Miggy. “Atty. Claridad! You look like an model, man!” nagtawanan ang dalawa. “Yeah. I know, Miguel. Dapat ay mag-mo-model sana ako kaso dito ako napunta.” muling nagtawanan ang dalawa saka tumingin sa akin. “Atty. Claridad, this lady in front us is Ms. Summer Isla Fontanilla. And the lady beside her is my cousin, Caleigh Natividad. Ladies, this is Attorney Lawrence Claridad.” pagpapakilala niya. Nakipag-beso naman si Caleigh at ako naman ay tumango lang. “So?” Tanong nito at tumingin sa amin.

