IKA-DALAWAMPU’T ANIM NA KABANATA Keiran Isang buwan na mula no’ng huli kaming magkausap ni Summer. Hindi ako umuuwi ng bahay. Dito ako naglalagi sa kwarto ko. Pumapasok din naman ako sa opisina. Pero hindi kami nagpapangita dahil kadalasan ay nasa Tagaytay siya. Kahit naman hindi ko siya nakakasama ay updated pa rin ako sa mga ginagawa niya. Wala akong natatanggap na text mula sa kaniya. Masakit man dahil pakiramdam ko na wala talaga siyang pakialam sa akin pero kailangan kong tanggapin. “I’m sorry to what I said to you before. I was just pissed off. I saw how sincere you are pero hindi ko pwedeng turuan ang puso ko na patawarin kang muli. Hindi ko pwedeng pilitin ang sarili ko na bumalik sa’yo at kalimutan ang lahat ng ginawa mo. Hindi mo ‘ko masisisi kung ang natatakot ako sa maaaring

