IKA-DALAWAMPU’T TATLONG KABANATA Summer Pagka-park niya ng kotse sa garahe ay bumaba na kaagad ako at pumasok na sa loob ng bahay. Maya maya pa ay nakasunod na siya sa akin. Laking gulat ko nang bigla akong salubungin ng mga kasambahay. “Hindi ko alam na nagkakasambahay at nagga-guard ka na pala.” May pinag-abutan kasi siya ng susi niya para siguro iayos ang pagkakapark ng kaniyang sasakyan. “Masyadong malaki ang bahay na ‘to para sa akin. So, I just decided to hired some maids and guard.” wika niya. Hindi na lamang ako nagsalita. “Come, sumama ka sakin sa kwarto natin para makapagbihis ka na ng pantulog mo.” Gulat akong napatingin sa kaniya. Is this part of this game? Mukhang planado ang lahat, ah? “Who said I’m going to sleep beside you?” “Occupied na kasi ‘yong dati mong kwarto

