IKA-DALAWAMPU’T APAT NA KABANATA Keiran “Can we talk?” Nandito kasi kami sa kwarto at mukhang pareho kaming walang balak lumabas. Magsasalita na sana siya nang biglang tumunog ang kaniyang telepono. Kinuha niya iyon at sinagot ang tawag. Who is it? “Hon, I’m sorry. I forgot to call you. I was just busy.” It’s Miguel. Bigla ay nanlumo ako. Akala ko pa naman ay masosolo ko na siya. “You seem tired.” Nag-aalalang wika nito. Nagseselos na ako. “Hindi ko pa nakakausap si Keiran tungkol do’n.” Niyakap ko siya kaya napapitlag siya at tiningnan ako ng masama. I just ignore her dangerous stare and hugged her tighter. “Yes. Sige, pahinga ka na.” Sa akin kaya? Kailan lalambing ang boses niya? “I miss you too, hon.” “So, can I talk to you now?” halata ang inis sa boses ko nang sinabi ko iyon

