IKA-APAT NA KABANATA
Keiran
“Kumusta? Nagising na ba siya?” nag-aalalang tanong ni Mommy.
I’m already here at China. Madali kong nai-close ‘yong deal kaya pasenti-senti na lang ako dito. Kung tutuusin ay mas pipiliin kong tumira dito sa China kaysa sa Manila. The girls are better, wild and hard unlike sa Manila, cheap. Minsan pa nga sa isang babae ay nakaka-three rounds ako. I must admit, magagaling talaga sila.
Mom would be so mad at me if she find out that her son is becoming a heartless man. She can’t blame me. I need to divert my attention to something else. Ayokong mag-isip ng bagay na alam kong ikaka-pahamak ko.
“I don’t know, Ma. I’m here at China for business trip.” boring kong sagot saka luminga-linga. The place is beautiful, too. Good for vacation.
“Hindi mo man lang ba tinatawagan ang kaibigan niya? Sino ba ‘yon? Oh, right! Si Caleigh. Hindi mo man ba siya tinatawagan para kumustahin ang kalagayan ng asawa mo?” tanong ni Mommy na may himig na pagka-irita.
“No, Mom. Wala akong pakialam sa kahit anong mangyari sa kaniya. Kaya nga, I’m working hard para makakuha ng maraming malalaking kliyente para kung mamatay man siya at tanggalin ng pamilya niya ang share sa kompanya ay hindi gaano kalaki ang problema.”
“Diyos ko, Anak! Hanggang kailan ka ba magkakaganiyan?! Bakit hindi mo siya bigyan ng pagkakataon para mapatunayan ang sarili niya?!” histerikal na tanong ni Mommy. What is her problem? Mas mahal pa yata niya ang babaeng iyon kaysa sa sarili niyang anak.
“Hanggang sa mawala siya sa buhay ko.” blanko kong sagot.
Saglit na natahimik si Mama sa kabilang linya. Maya-maya pa ay nag-salita siyang muli.
“Hindi na talaga kita maintindihan, Keiran.” dismayado niyang wika at pinatay ang tawag.
Tinanggal ko ang wireless earphone sa tenga ko at pinokus ko na lang ang sarili ko sa pagmamaneho habang may madilim na awra sa mukha ko.
Hindi nyo talaga ako maiintindihan.
» » »
Caleigh
Naalimpungatan ako nang may naramdaman akong pumisil sa kamay ko. Namumungay ang mga mata kong tumunghay para tingnan kung gising na ba siya? Pagka-tunghay ko ay nakita ko siyang nakatitig sa’kin at nakangiti. Pero alam ko, sa ngiti niyang ‘yon, nakatago ‘yong pait at hinagpis sa puso niya. Ang mga mata niya, puno ng lungkot at sakit.
Alam ko, napapagod na siya. Nahihirapan na siya. Pero nagpapakatatag pa rin siya. Kumakapit pa rin siya. Inuunawa niya pa rin ang lahat…para kay Keiran.
Tumayo ako at medyo yumuko para magkatapat kaming dalawa.
“Are you okay? May masakit ba sa’yo?” nag-aalalang tanong ko habang hinahaplos ang tuktok ng ulo niya. Ngumiti lang siya kaya napangiti na rin ako.
“Wait! Tatawagin ko lang ‘yong doktor.” Tumango siya kaya pumunta na ako sa intercom at sinabing gising na si Summer.
Pagka-tanggal ko ng daliri ko sa buton ay tumingin ako sa kaniya at naglakad papalapit sa kan’ya.
“May gusto ka ba? Nauuhaw ka ba? May masakit ba sa’yo?” Tanong ko sa kaniya habang nakangiti.
“Na..nau..uhaw a..akooo..” walang anu-ano’y niyakap ko siya ng mahigpit.
“I’m glad you can actually talk after a very long time of sleeping.” naluluha kong pahayag.
“A-Aray..” daing niya. Tinanggal ko ang pagkakayakap ko sa kaniya at nagkamot ng batok.
“Sorry! Na-carried away lang!” natatawang wika ko. Tumawa lang din siya ng mahina. Kumuha ako ng tubig at pinainom siya.
“‘Buti naman nagising ka na!”
“I-Ilang araw ba akong t-tulog?” tanong niya kahit nahihirapan siyang magsalita.
Umupo ako sa gilid ng kama niya.
“Actually, kung hindi ka pa nagigising ngayon, pang-limang araw ka nang tulog”
Napangiwi siya sa sinabi ko. Napatawa na lang ako sa reaksiyon niya. Hindi nakapagtataka. Ganiyan talaga siya kapag may narinig siyang hindi kapani-paniwala sa pandinig niya.
“U-Umm–”
Napatingin kami sa likod nang bumukas ang pinto at niluwa ang Doktor at ilang Nurse.
“Dok,” bati ko at tumayo.
“Mabuti naman at gising ka na, Ms. Fontanilla. Kumusta ang pakiramdam mo?”
“M-Maayos naman p-po.”
“Good to know.” Lumapit siya kay Summer at chineck siya.
“Konting pahinga na lang. Mga tatlo o apat na araw, tapos puwede na siyang umuwi. Magpalakas ka, hija.” Nakangiting pahayag ng Doktor.
“Sige po! Salamat po, Dok.” masiglang wika ko. Si Summer naman ay ngumiti lang.
Nagpaalam na ang doktor kaya bumaling na ulit ako kay Summer.
“Pagaling ka ha? Tapos magbabakasyon tayo kapag magaling ka na! Okay ba ‘yon?” masigla kong tanong sa kaniya.
“S-sige.”
“Ay! Teka lang! Tatawagan ko sina Tita para sabihin sa kanilang gising ka na. Paniguradong matutuwa sila at mapapauwi rito!” Sabi ko at kinuha ang cellphone ko. Dinial ko ang number ni Tita Cynthia at ilang ring lang ay sinagot din nito.
“Hello?”
“Hi, Tita!”
“Oh? Caleigh? Napatawag ka? Ang saya mo ‘ata? Kumusta ang anak ko?”
“Gising na siya, Tita!” masigla kong sabi.
“Really?! Salamat naman! Uuwi na kami!” wika ni Tita.
“Sige po, Tita.” I smiled. Ibinaba niya ang tawag. Tinago ko ang cellphone ko sa bulsa at tumingin kay Summer.
“Guess what?”
Kumunot ang noo niya pero nakangiti pa rin siya.
“Uuwi raw sina Tita! Baka mamaya nandito na sila!” tumango lamang siya.
“Pahinga ka na! Gisingin na lang kita ‘pag dumating na sila.” sabi ko sa kaniya.
Tumango siya at ngumiti bago umayos sa pagkaka-higa. Pero nakatingin pa rin siya sa akin kaya napakunot ang noo ko.
“May kailangan ka pa ba? Nagugutom ka ba?” tanong ko.
Uupo sana siya pero hindi niya makaya dahil mahina pa ang katawan niya kaya tinulungan ko na siya.
“H-Hindi n-naman. A-Ano k-kasi…” nagaalangan niyang sagot.
“Hmm?”
“U-Uhh, gusto k-ko lang malaman k-kung dumalaw ba si K-Keiran?” alanganin niyang tanong.
“Ahh, actually, siya ‘yong nagdala sa’yo dito sa Ospital.” panimula ko.
Kumislap ang kaniyang mga mata at lumapad ang kaniyang mga ngiti. Nakakalungkot na mawawalan rin iyan. She really love that assh*le.
“Tinawagan niya ako at pinapunta dito. Pagkarating ko ay umalis agad siya dahil ayaw ka raw niyang makita.” diretso kong sabi. Ayaw kong magsinungaling sa kaniya. I’d rather hurt her by telling the truth than feeding her with lies.
Kita ko kung paano naglaho ang kislap sa mga mata niya at napalitan ng sakit at lungkot. Nawala na rin ang mala-porselana niyang ngiti. It’s better this way. Baka mas madali niyang matanggap – na ang lalaking mahal niya ay hindi siya mamahalin kahit kailan.
“G-ganoon ba? Alam mo ba k-kung nasaan s-siya?” may bahid ng pait ang boses niya habang tinatanong iyon. Her eyes were full of hope.
“Nasa China siya ngayon for business trip. Dalawang linggo siya roon.” sagot ko.
“K-kailan siya umalis?”
Oh please, stop asking already. Lalo ka lang masasaktan.
“Noong isang araw lang.” naiinis na ako pero hindi ko pinahalata. She needs me.
Magsasalita pa sana siya ngunit inunahan ko na siya. Ngumiti ako bago nagsalita.
“Pahinga ka na muna ha? Mamaya na ulit tayo mag-kwentuhan” sabi ko sa kaniya.
Pilit siyang ngumiti saka umayos ng higa. Tumalikod siya sa akin. Umupo ako sa single sofa malapit sa pinto. Nawala ang ngiti sa labi ko.
I can’t believe it. Matapos nang lahat ng ginawa ni Keiran sa kaniya ay umaasa pa rin ito na pagtutuonan siya ng atensyon ng lalaking iyon. Keiran is a jerk for hurting my best friend like this. He doesn’t deserve that kind of love.
Please. Be brave, Summer. Things might be hard pero alam kong malalagpasan mo rin ang lahat ng ito. Nandito lang ako para sa’yo. I won’t leave you.