3

2159 Words
IKATLONG KABANATA Keiran Maaga kong di-ni-smiss ang sarili ko sa kompanya. Sa bahay ko na lang siguro itutuloy ‘yong iba. Natambakan ako ng gawain kaya ilang din akong hindi nakauwi sa bahay. Sa ngayon ay hindi na gaanong marami ang gawain kaya maaari na akong umuwi. Pumunta muna ako sa isang resto para kumain. Binuksan ko ang wallet para sa pagbabayad ng bill. Napatigil ako sa kaisa-isang litrato na nakasipit sa lagayan ng picture. It has always been here. I hate her so, I don’t know why it is still here. Summer. Mabilis kong ini-abot ang pera at hindi na nag-atubili pang hintayin ang sukli. Nagmamadali akong lumabas ng resto. Pagkalabas ko ay agad kong hinanap ang kotse ko at sumakay. “Sa’n po tayo, Sir? Mukhang nagmamadali po kayo, ah?” tanong ni Manong habang nakatingin sa akin. Sinulyapan ko lang siya at hinubad ang coat ko. “Sa bahay, Manong.” utos ko sa kaniya. “Pakibilisan.” Tumango siya sa ‘kin at mabilis na pinaandar ang kotse. Walang traffic kaya madali kaming nakarating sa bahay. Hindi ko na siya hinintay na ipagbukas pa ako. Binuksan ko kaagad ang pinto at pumasok nang bahay. Sinunson ko ang pasilyo papunta sa pinakadulong kwarto sa unang palapag ng bahay. Agad kong kinuha ang susi sa maliit na cabinet at binuksan ang pinto. Bigla akong namutla at nangamba sa nakita ko. Nakalumpasay siya sa sahig. Putla na ang labi niya. Ilang araw na ba siyang nandito? Dalawa? Tatlo? Wala akong pakialam. Ang inaalala ko ngayon ay ang bill na babayaran ko dahil dito sa babaeng ito.  “Bakit kasi nagkaroon ako ng pasanin na tulad niya?! She’s not even good in bed.” I said to myself pero alam ko sa sarili ko na may iba pang dahilan. I just can’t accept that feeling. Ayoko. Umakyat muna ako sa taas para kuhanan siya ng damit. Pagkakuha ko ay pumunta agad ako sa budega at binihisan siya. Binuhat ko na siya at dinala sa labas. “Sir? Ano hong nangyari kay Ma’am?” naguguluhang tanong ni Mang Roy nang makasalubong ko siya. “Get the car. Faster!” utos ko sa kaniya. Agad naman siyang tumalima at kinuha ang kotse sa garahe. Maya-maya pa ay huminto ang kotse sa harap ko. Bumaba siya at binuksan ang backseat. Pumasok ako at ini-upo si Summer ng ayos. » » » “What happened to the patient?” tanong ng Doktor. Habang ang mga babaeng nurse ay kumikinang ang mga matang nakatitig sa’kin. Tinignan ko ang nakahigang si Summer at mahimbing na natutulog. Saka tiningnan ang Doktor sa harapan ko. “I saw her on her room. She’s naked and has bruises in her body. She’s so pale when I saw her lying on the floor. I don’t know what really happened. She never told me what is happening to her even if I’m her friend.” kunwaring nag-aalalang wika ko.  Parang gusto kong ngumiwi at masuka dahil sa sinabi ko. I don’t even want her to be my friend. That sucks. Really, Keiran? Tumango ang doktor at chineck si Summer. “We need to take her on the private room! Her heartbeat is getting lower!” sa sinabing ‘yon ng doktor ay naalarma ang lahat. Shit! Gano’n kalala? Agad kumuha ang mga nurse ng stretcher at nilapag doon si Summer. Tulak-tulak nila ang stretcher habang si Summer ay wala pa ring malay, may oxygen sa bunganga niya at may swero sa likod ng palad niya. Ang isa namang nurse ay hawak-hawak ang stand kung saan may bag doon na naka-konekta sa oxygen at sa swero. Mabagal at nakapamulsang sumusunod ako sa kanila. Questioning myself why did I do that stuff to her, three days ago. Huwag lang siyang mamamatay at paniguradong tatanggalin ng pamilya niya ang share sa kompanya kapag nalaman nila ang totoo. Kailangan ko ng malaking kompanya na makakapag-invest sa kompanya ko ng mas malaki pa sa ini-invest ng pamilya ni Summer. At least, that’s what I thought. Kinuha ko ang cellphone ni Summer sa bulsa ko at dinial ang number ni Caleigh. I was taken aback when I saw her wallpaper. It was our wedding picture. “‘Buti naman at naisipan mong tumawag na babae ka!” F*ck that attitude. “She’s here in the hospital.” malamig kong sabi. “T-teka? Sino ba `to?” “Keiran.” sabi ko at pinatay na ang tawag. Pumasok na ako sa private room na pinagpasukan ng Doktor at ng mga nurse. Pagpasok ko ay nandoon pa rin ang doktor. May nakapalsak na tube na nagsisilbing oxygen sa bunganga ni Summer. “Mabuti naman at nandito ka na Mr. Villanueva. I’m sorry but she’s unstable right now. Sa mga natamo niyang pasa at bugbog ay mukhang mahihirapan siyang maka-recover ng ayos. Mukhang hindi siya nakakain at nakapagpahinga ng ilang araw dahilan para bumagsak ag kaniyang katawan. Inalam ko ang past medical niya at napag-alaman kong mahina ang katawan niya sa stress at depress. When she got stable, make sure na hindi na siya magpapagod ng husto.” payo ng Doktor. Tumango lang ako at nagpasalamat bago sila ihatid sa may pinto. Nang makaalis na sila ay humalukipkip ako sa gilid ng kama niya. Really? Ako ang magbabantay sa kaniya? What the –   Nasagot ang tanong ko nang bumukas ang pinto. Lumingon ako at nakita ang kaibigan niyang si Caleigh na humahangos palapit sa kaniya. “What happened to her?! Ganiyan ka ba talaga kasama?! Wala kang modo! Hay*p ka!” galit na sigaw niya at pinagsusuntok ako sa dibdib. “I’m not a Doctor. Don’t ask me.” “Argh! Syempre sinabi na niya ‘yon sa’yo!” nanggigigil niyang sigaw. “Hindi ako nakinig.” “Napakawalang kwenta mo talaga!” sigaw niya at umupo sa ulunan ni Summer. Mas walang kwenta ‘yang kaibigan mo. Hindi na nga magaling sa kama, konsumisyon pa! I need to stop thinking about nonsense. “Tss. Ikaw na bahala magbantay diyan.” pagkasabi ko no’n ay lumabas na ako ng kwarto. I have lot of things to do at wala akong panahon para sa kaniya. She’s not even worth for my time. Ayokong mag-focus sa kaniya. Nakakatakot. Umuwi na ako ng bahay para makapagpahinga. Nag-shower muna ako dahil pakiramdam ko ay sobrang lagkit ng katawan ko dahil sa babaeng ‘yon. Pagkalabas ko ng bathroom ay bigla namang may tumawag. “Anong kailangan mo?” iritado kong tanong. “Sir, ipapaalala ko lang po sa inyo na may business trip po kayo bukas sa China. Magkakaroon din po kayo ng meeting with Mr. Chen sa The Peninsula, Shanghai. Tapos po ay pagkarating mo po dito ay may aatend-an po kayong party sa Grand Hyatt Manila. Exclusively for entrepreneurs po ang party na iyon. Please bring your partner with you. There’s no specific theme just wear formal attire. ” mahabang litaniya ng sekretarya ko. “Ilang araw ako sa China?” tanong ko dito. “2 weeks po, Sir. Kaya makakapag-liwaliw po kayo kapag naisara mo po ang deal nang maaga. 5 am sharp po ang flight mo bukas. Good luck, Sir!” “Okay, then.” Lumabas ang mala-demonyong ngiti mula sa labi ko. She’s unstable. That means, I’m free. Caleigh Pagkaalis ni Keiran ay hinaplos ko nang marahan ang ulo ni Summer. Sobrang naaawa ako sa kaniya. Hindi niya deserve ang matrato ng ganito. Deserve niya ang maalagaan at mahalin ng lahat. Pero hanga rin ako dito sa babaeng ‘to! Sa lahat ng pinagdaanan niya sa buhay at sa lahat ng sakripisyo na ginagawa niya araw-araw ay nandito pa rin siya. Minamahal niya pa rin si Keiran. Hindi ko alam kung ano bang humaharang sa konsensiya ni Keiran at hindi niya magawang pagsisihan ang lahat ng pananakit na ginagawa niya. What happened before is not her fault. Napatigil ako sa paghagod sa buhok niya nang may nakita ako luha na umagos sa pisngi niya. Kahit tulog siya at walang alam sa mundo ay hindi pa rin nawawala kahit pansamantala lang ang sugat sa puso niya. Nasasaktan pa rin siya. Nasasaktan siya ng sobra-sobra. “I’m sorry, best friend. Pero kailangan ng malaman ‘to ng pamilya mo.” Hindi ko hahayaang ikaw lang ang papasan niyang problema mo. Hindi ko hahayaang masaktan ka pa ng husto hanggang sa hindi mo na kayang tumayo. Tumayo ako sa kama at dinial ang number ni Tita. “Oh? Caleigh, hija. Bakit ka napatawag? Kumusta na kayo riyan?” masigla at maaliwalas ang boses ni Tita. Huminga ako ng malalim upang makakuha ng lakas. “Ako po, okay. Pero ‘yong anak ninyo po, hindi.” Iyon lang ang sinabi ko. Pagpunta na lang nila dito ko sasabihin ang lahat. “Ha? Anong ibig mong sabihin?” takang tanong niya. “Please, Tita. Your daughter needs you.” maluha-luha kong pakiusap. Sinabi ko na rin sa kanila ang pangalan ng ospital. “Tell us what happened when we get there.” Ang kaninang masigla niyang boses ay napalitan ng seryoso at awtoridad. “Yes, Tita. I’ll tell you the whole story.” humihikbing wika ko. “We’ll be home. Tonight.” wika niya at saka binaba ang tawag. Nilapag ko muna sa sidetable ng kama niya ang phone ko bago ako maghila ng upuan. Pagka-upo ko ay kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ng mahigpit. Hoping that this hold can help her ease the pain she’s carrying right now. Napalingon ako sa likod nang bumukas ang pinto. “Dok, I’m Caleigh. Kaibigan po ako ng pasyente.” pagpapakilala ko. “Nice to meet you, Miss Caleigh. So, is she progressing?” tanong ng Doktor. “She’s still asleep. What really happened to her?” nag-aalala na talaga ako. Hindi naman siguro malala, ‘di ba? “Oh! Hindi ba sinabi sa’yo ng isa ninyong kaibigan? Si Mr. Villanueva?” tanong ni Dok. F*ck you, Keiran! “Hindi po, eh. Nagmamadali kasi siya.” pagsisinungaling ko. Tumango-tango ang doktor. “I see,” sabi niya at ipinaliwanag sa akin ang lahat. Nanghina ako sa sinabi niya at matutumba na sana. Mabuti na lang at inalalayan ako ng dalawang nurse sa likod ko. Nag-excuse ang doktor at ch-in-eck si Summer. “Tell me, Doc. Kailan siya magigising?” histerikal na tanong ko. Humarap sa akin ang doktor at nagsalita. “To be honest with you Ms. Caleigh, there were no exact time and date kung kailan siya magigising…” hindi ko na maintindihan pa ang ibang sinasabi ng Doktor. Ang naintindihan ko lamang ay malala ang sitwasyon niya at matatagalan pa bago siya marecover. Wala sa sarili akong tumango nang magpaalam ang Doktor na babalik na lamang mamaya para muling i-check ang kalagayan ni Summer. Hindi ko alam kung ilang oras akong tulala hanggang sa makarinig ako ng pagbukas ng pinto. Walang buhay kong tiningnan ang dumating ngunit agad din naman akong naalarma ng makitang mga magulang iyon ni Summer. Tumayo ako at marahang lumapit sa kanila. Tumigil ako sa tabi nila at pinauod silang lumapit kay Summer. Nang makita niya ang kabuuang lagay ng anak niya ay lalo lang siyang napahagulhol.  “Bakit ito nangyayari sa kaniya?! Bakit…Bakit ang dami niyang pasa?! Nasa’n si Keiran? Bakit...Bakit…” Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil lumakas na ang hagulhol niya at napayakap na lamang siya sa asawa. Pinunasan ko ang luha ko at huminga ng malalim. Kaya ko ‘to! Kailangang lakasan ko ang loob ko para sa kaibigan ko. “She’s hurt because of Keiran.” pagsisimula ko. Lumingon sa akin si Tita at Tito. Parehas na nakakunot ang kanilang noo. “W-What do you mean? Dahil pa rin ba ito sa nangyari noon?”  naguguluhang tanong ni Tita. Tumango ako. “Noon pa lang pong pagkatapos na ng kasal ay nagsimula na ang impyernong buhay ni Summer sa piling ni Keiran. Sinasaktan siya ni Keiran. Binubugbog s’ya nito at ginagahasa–” Napatakip ng bibig si Tita sa narinig. “Yes, Tita. Ginagahasa siya ni Keiran. Paulit-ulit. Noong unang kinuha ni Keiran ang p********e niya ay marahas at sapilitan. Nagkasugat ang loob nito. Umiinom na lamang s’ya ng gamot para maibsan ang sakit. No’ng isang araw pumunta siya sa bahay, may pasa rin siya pero hindi ganito kalala. Humihilom na yo’n noon. Ikinwento niya sa akin ang lahat. Pagkatapos noong araw ding ‘yon ay tumawag siya sa akin at ang sabi niya ay paparusahan daw siya ni Keiran. Sa pag-aalala ko sa kaniya ay pumunta ako sa bahay nila. Naguusap pa kami noon nang biglang dumating si Keiran.” Napaiyak na lang ako nang maalala ko ang pangyayaring ‘yon. “B-Binantaan n’ya ako na papatayin niya raw si Summer kapag hindi ako umalis sa bahay nila. Siyempre, hindi ako nagpatalo sa kaniya. Pero no’ng sinabi niya na papalugihin niya raw ang kompanya namin at kakasuhan pa niya ako ng tresspassing. Umalis na ako sa bahay dahil ayokong madamay ang pamilya ko. Hindi ko alam kung anong nangyari kung bakit siya nandito sa Ospital.” halos pumiyok na ako sa pagpapaliwanag ng mga nangyayari kay Summer. “Diyos ko! Ang anak ko!” palahaw na iyak ni Tita at niyakap ang anak niya. “I’m sorry. Sorry, Tito, Tita! Hindi ko siya naprotektahan! I’m so sorry. Sorry po! Sorry po talaga! I’m her bestfriend pero wala akong nagawa para protektahan siya. I’m so useless. Sorry po. I shouldn’t have leave her like that. I should protect her no matter what it takes. I’m sorry, Tita.” hagulhol ko. Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking dalawang palad. Tumayo si Tita at lumapit sa akin. Itinaas niya ang kamay niya. Akala ko sasampalin niya ako pero niyakap niya ako. Hindi siya galit sa’kin. Lalo akong napahagulhol. Niyakap ko siya ng mahigpit. “I’m sorry Tita. I’m sorry!” paulit-ulit na paumanhin ko. “Sshh…wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan. Kami ang may kasalanan…” Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ako sa balikat. “…Kami ang dapat sisihin. Hindi dapat namin siya pinayagan na gawin ito. Magagawan naman ng paraan ang nangyari noon. Dahil kung tutuusin naman ay wala naman talaga siyang kasalanan. Aksidente ang nangyari.” tinanggal nito ang pagkakahawak sa akin at pumunta sa anak niya. Hinaplos niya ang ulo ng anak niya at hinagkan iyon. “Pero sinsisi niya ang sarili niya sa lahat.” ~~  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD