THIRD PERSON POV Patuloy na umiiyak si Lucio. Habang si Lyka ay naiiyak na rin dahil hindi niya alam ang gagawin niya. Pinapadede niya ito pero hindi pa rin mapakali si Lucio. Ayaw nitong dumede at patuloy pa rin ito sa pag-iyak. “Miss, hindi mo ba kayang patahanin ‘yan. Nakakainis ang ingay,” naiirita na saad ng isang pasahero. “Sorry po, I’m sorry po.” parang naiiyak na paghingi ng paumanhin ni Lyka sa babae. “Alam mo Miss bumaba ka na lang kung ganyan lang. Maawa ka naman sa amin. Ang ingay ingay ng anak mo.” mataray pa na sabi nito. “May anak po ba kayo?” mahinahon na tanong ni Lyka sa babae. “Wala.” mabilis na sagot nang babae. “Kaya po pala hindi niyo maintindihan. Kasi hindi ko naman po gusto na umiyak siya. Kahit sinong nanay hindi gugustuhin na umiyak ang mga anak nila. Gin

