LYKA “Umalis kana, hindi mo ako matatakot.” Hindi mo ako mapapa-sunod sa ‘yo. sabi ko sa kanya. “Hindi ako aalis na hindi ko kasama ang anak ko.” sabi niya sa akin. “Ganyan ba kayo? Idadaan niyo sa pananakot ang lahat? Dahil sa alam mo na mahina ako kaya ganito ang ginagawa mo sa akin? Anong klaseng tao ka?” “Ikaw ang nagma-matigas dito.” sabi niya pa sa akin. “Magma-matigas talaga ako lalo na hindi kita mahal. At hindi ako magpapakasal sa ‘yo. Kahit pa patayin mo ako ay hinding-hindi ako magpapakasal sa ‘yo o maging parte ako ng pamilya niyo.” sabi ko sa kanya. “Pagbibigyan kita ngayon. Pero hindi na kita pagbibigyan sa susunod. Madali lang naman ito pero matigas ka lang.” sabi niya sa akin. “Madali sa ‘yo sa akin hindi.” Galit na ako ngayon dahil sa ginagawa nila sa akin. Walang

