LYKA “Anak, don’t mind him. Ganyan lang ‘yan siya kapag kapatid niya ang pinag-uusapan.” sabi sa akin ni Madam. “Pero si Blaze po ba talaga ‘yun?” tanong ko ulit dahil parang si Brixon talaga siya. “Oo naman, anak. Makikita mo rin ang pagkakaiba nilang dalawa.” sagot niya sa akin habang nakangiti siya. “Madam, tutulong po ako sa mga gawaing bahay para po hindi kami maging pabigat dito. Ayaw ko po na wala akong ginagawa po.” sabi ko sa kanya. “Huwag mong isipin ‘yan pero ikaw ang bahala. Isipin mo na bahay mo na rin ito. Huwag kang mahihiya sa amin, masaya kami na narito kayo. Pero hindi rin kita pipigilan sa mga gusto mong gawin. Alam ko naman na hindi ka sanay na walang ginagawa.” sabi niya sa akin. “Thank you po, Mad–” “Mommy ang gusto kong itawag mo sa akin, Lyka.” putol niya sa

