LYKA “Kakain na,” bungad sa akin ni Blaze paglabas ko sa banyo. “Okay, salamat.” sagot ko sa kanya. “Are you okay?” kunot noo na tanong niya sa akin. “Oo naman, sige na mauna kana sa labas.” sagot ko sa kanya. “Sumunod ka na agad. Huwag mong paghintayin ang lahat ng tao dito.” sabi niya sa akin. Na para bang naiinis na naman siya sa akin. “Oo, pasensya kana.” sabi ko sa kanya at bumalik ako sa loob ng banyo para magpalit ng damit. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala na siya paglabas ko. Masyado siyang masungit tuwing nakikipag-usap sa akin. Kaagad naman akong bumaba dahil tama siya nakakahiya kung hihintayin pa nila ako. Nakikituloy na nga ako dito tapos feeling pa ako. Bakante ang upuan na nasa tabi ni Blaze kaya doon na ako umupo. Kinuha ko rin kay Madam si Lucio para makak

