LYKA Buong araw kong hindi nakita si Blaze. Mas okay na hindi ko siya nakikita dahil sinusungitan lang niya ako. Naging payapa ang buhay ko na wala siya. Sana nga hindi na siya magpakita sa akin. Ang alam ko kasi hindi na sila nakatira dito sa bahay nila madam dahil may mga kanya-kanya na silang mga condo. Kahit si Brixon ay ganun rin naman may sarili rin siyang condo. “Kumusta na kaya ang condo ni Brixon?” wala sa sarili na tanong ko sa kawalan. May mga alaala kami doon sa condo niya na hanggang ngayon sariwa pa rin sa alaala ko. Kaya ang hirap kalimutan ang lahat kay Brixon lalo na siya lang ang lalaking minahal ko. At alam ko na hindi mawawala ang pagmamahal na mayroon ako sa kanya. Ngayon na narito kami sa bahay nila ay nagsisimula na akong magbilang ng mga araw. Ayaw ko na lumagpa

