Chapter 34

1389 Words

Nang makita niya si Caeden na bumaba galing sa kwarto ay agad siyang tumayo para pumunta sa labas ng bahay. Iniiwasan niya ito. Ayaw niya ang ginagawa nitong panggugulo sa damdamin niya. Hindi niya ito maintindihan kung bakit na lang biglang nagsalita ito ng gano'n. "Miracle," he called. Hindi niya ito nilingon at patuloy lang sa paglalakad patungo sa may likod ng bahay. Didiligan niya na lang ang mga halaman. "Miracle!" Napapikit siya ng mariin nang sundan talaga siya ng binata. "Bakit?" Diretsong tanong niya rito. Pinilit niyang maging kaswal lang dito. Hinawakan ng binata ang kaniyang siko para mapaharap siya rito. "Do we have a problem? Buong araw mo na akong iniiwasan." He looks frustrated. Lumunok siya at tumikhim. "Wala namang problema, ikaw lang ang naig-iisip niyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD