Gaya nga ng sabi ni Caeden, bumawi ito sa lahat ng paraan. Pero may mga bagay siyang napapansin dito. Katulad na lang ng sobra sobra ang pagre-react nito pag may nangyari sa kaniya. Hindi naman malala pero kahit sa simpleng pagtama ng tuhod niya sa kanto ng table ay grabe ito mag-alala. "Is it hurt? Sit down. Just tell me what you need." Hinawakan nito ang kaniyang balikat para paupuin na lang sa sofa. Natawa siya ng bahagya, "tumama lang ang tuhod ko." "You hit your knee, baby. Narinig ko kung gano kalakas 'yon." Sa boses pa lang nito ay alam niyang hindi na naman ito makikipagtalo. "Oo nga masakit pero ang layo naman sa bituka nito. Calm down, Caeden." Napasuklay ito sa buhok at parang may gusto pa sabihin pero hindi ginawa. "Fine. Just sit there and tell me whatever you nee

