Nagising siya ng maaga para mag asikaso. Masakit ang buong katawan niya dahil na sobrahan ata siya sa buhat kahapon. Busy kasi siya kahapon dahil binigyan lang naman siya ng sandamakmak na trabaho ng boss niya. Bukod sa inayos at nilinis niya ang buong pantry, maraming documents siyang binuhat at pinunit ng mano mano. He said that the shredder was not working. Wala naman siyang magawa kun'di sundin ang gusto nito.
It's almost a month since she start working in Albrect Technologies. She can say that Caeden's company is insane. Yes, literal din na nakakabaliw dahil araw araw atang may improvements o achievements ang boss niya.
Kahit ramdam niyang sinasadiya nito na pahirapan siya ay hindi siya makareklamo dahil kailangan niya ang trabaho na ito at mga benefits na makukuha niya.
Nang matapos maligo ay bumili lang siya ng pandesal sa katabi ng apartment niya. Nagluto na rin siya ng itlog para maging palaman. Mabilis ang kilos niya at tinapos niya na rin ang morning routine niya.
Paglabas niya ng apartment ay sinalubong siya ni aling Koring.
"Ngayon ka magbabayad 'di ba?" bungad sa kaniya.
Ngumiti naman siya kaagad at mabilis na tumango. "Opo Aling Kuring, pasensya na po sa one month delay. Hinihintay ko na lang po pumasok ang sahod ko at babayaran ko na ang 1 month delay ko pati na rin ang buwan ngayon at susunod."
Dahil sa sinabi niya ay nagningning ang mata ni Aling Kuring.
"Talaga? Mag a-advance ka rin?"
"Opo! Mabait po kayo sa akin dahil pinagbigyan niyo ako, tingnan niyo po nakahanap ako ng trabaho."
Sa totoo lang ay masungit din naman ito dahil sinungitan siya nito nang sinabi niya noon na made-delay talaga siya ng bayad dahil wala pa siyang trabaho na mahanap. Nahirapan din talaga kasi siya at kinapos noong pumunta siya ng manila. Ayaw niya naman sabihin sa magulang niya dahil ayaw niyang nag aalala ang mga ito.
Naiintindihan niya naman ang pagsusungit nito pag hindi nakakabayad ang mga tenant nito dahil nalaman niyang naloko pala ito dati na umabot sa 30 thousand pesos ang hindi nabayaran ng tenant tapos may mga sira pa ang apartment ng maiwan kaya nalugi rin ito.
"Eh siyempre! Sa ganda mong 'yan mukhang hindi mo naman ako tatakbuhan!" bola nito at tumawa pa.
Napangiti na lang siya, atleast napasaya niya ang mood ni Aling Kuring.
"Sige ho, panigurado mamayang hapon papasok na po ang sahod. Send ko na lang sa bank account mo Aling Kuring."
"Sige, hintayin ko na lang mamaya! Oh siya, mag ingat sa byahe!"
Tuluyan na siyang lumabas ng compound nila. Naglakad lang ng kaunti hanggang sa makalabas sa eskinita tiyaka siya nag para ng jeep nang may makita.
Inayos niya ang pencil skirt na suot para makaupo ng maayos sa jeep.
"Bayad po!" inabot niya ang saktong pamasahe sa katabi niya. Agad namang kinuha iyon ng lalaki na katabi niya. Umusog siya sa dulo dahil sinisiksik pa siya nito. Hindi naman sobrang sikip ng helera na inupuan niya pero siniksik pa rin siya nito. Nasa bungad na dulo kasi siya nakaupo.
Tumikhim siya at siniko ng pasimple ang siko nito na dumadapo na sa dibdib niya.
She's wearing a longsleeve and pencil skirt. She's still in her slippers. Doon na siya nagpapalit ng heels sa office para komportable mag lakad at sumakay.
Biglang prumeno ang jeep dahilan para magsubsuban ang iba, siya naman ay mahigpit ang hawak kaya halos nanatili lang siya sa kinauupuan niya pero itong lalaking nasa tabi niya ay parang nag kunwari pang napasandal sa kaniya at humawak pa sa hita niya.
"Sorry miss, nawalan lang ng balanse-"
"Eh kung tuluyan kaya kitang puruhan para mawalan ka na ng balanse habang buhay?" Nanlaki ang mata niya ng binalingan ang lalaki sa harapan niya. Nakakunot ang noo nito at mukhang pikon na pikon na sa lalaking katabi niya.
"Sinasadiya mong hipuan siya. Do you want to go to jail? I can put you to jail. I have evidence."
Namutla ang lalaki na katabi niya at mabilis na bumaba ng jeep. Binalingan siya ng lalaki habang sinusuklay ang buhok nitong nagulo dahil sa lakas ng hangin. May kaputian ito at lalaking lalaki ang dating. Guwapo ito at mukhang modelo at sigurado siyan papasa ang face card nito sa kahit anong agency.
"Are you okay? Sa susunod na maramdaman mo na binabastos ka na, sapakin mo kaagad sa mukha. Huwag kang mahiya na mag react o sumigaw sa gano'ng sitwasyon." Napatitig siya sa mata nito. He looks kind but at the same time intimdating.
Hindi siya kaagad nakasagot dahil pumara na ito.
"S-salamat!" pahabol na sambit niya nang makababa ito. Nilingon siya nito at nginitian tiyaka tumalikod na papasok sa restaurant na may kalapitan lang sa office.
Pumara na rin siya nang makarating sa destinasyon niya. Mabuti na lang talaga ay isang sakay lang ng jeep ang work place niya.
Wala namang traffic kaya mabilis lang din ang byahe.
Inayos niya ang damit habang naglalakad papasok ng building. She greeted the guard and other employees. Kahit hindi niya naman kilala ang lahat dahil sa laki ng building at marami ring department ang hindi niya pa napupuntahan.
Pumasok siya sa elevator at pinindot ang 20th floor.
Pag akyat niya sa taas ay maaga pa siya ng sampung minuto bago dumating ang boss niya. Dahil maaga pa naman siya ay nag timpla siya ng kape para sa kaniya. She likes coffee but she enjoy it with milk and syrup.
Salted Caramel Latte... That's her favorite.
Lumabas siya ng pantry at umupo sa pwesto niya. Naghintay pa siya ng ilang minuto pero makalipas ng halos kalahating oras ay nagtataka na siya dahil wala pa si Sybil at ang boss niya.
Wala naman sa kaniyang na endorse na may ganap ang boss nila. She has a copy of Caeden's schedule so she checked it and confirmed that their boss doesn't have important meeting this morning.
"Good morning, Miracle!" Napatayo siya nang makita si Sybil na may mga hawak na papers. Wala rin itong bitbit na bag pero may dala itong key card ng office ng boss nila.
"Wala pa si Sir?" she asked.
"Sorry! Hindi ko pala na send yung text message ko sa'yo. Baka hapon pa dumating si sir, may biglaang lakad. Meron lang din akong inaasikaso na papers na need ibigay sa mga departments. Kukunin ko lang sa office ni sir Caeden."
She nodded. "May kailangan ka bang tulong? Wala akong task ngayon, baka matulungan kita."
Nakakahiya naman kasi kung wala siyang gagawin habang si Sybil ay busy. Sinundan niya ito sa loob ng office ng binata. Natanaw niya pa ang kaguluhan ng loob ng office nito. Naiintindihan niya naman dahil marami talagang meetings si Caeden this past few days. Saksi din siya kung gaano ka workaholic ang boss nila.
"Hmm... Wala naman na pero, pwede mo bang i-organize at linisin ang buong office ni sir Caeden? As you know, there are only two janitress are assigned to clean his office but the one is on leave the other one is rest day."
Kinuha nito ang mga kailangan na papers.
"Walang problema, tayo lang din naman nakakaalam ng gusto niyang ayos. Pero bukod don, wala na ba?"
"Wala naman na, friday naman ngayon at sahod pa. Relax relax muna tayo lalo na't wala pa si sir," he laughed.
Maski siya ay natawa rin dahil tama lang naman. Masakit kaya ang buong katawan niya dahil sa daming trabaho kahapon.
"Tama! Nabugbog nga din ako kahapon," ani niya.
"Then this is your chance to chill while on duty," he wiggle his eyebrow.
"Salamat Sybil. Mag text ka na lang kung may kailangan kang tulong." Tumango ito sa kaniya at nag paalam na. She's happy because Sybil is approachable and reliable. Mas seryoso ito pag kasama si Caeden dahil work is work, pero pag siya ang kausap ay palangiti ito at nakakabiruan niya.
Mas namangha pa siya dahil napakasipag nito mag trabaho para sa anak na kambal. May masaya itong pamilya at lagi nitong binibida sa kaniya. Hindi naman nagkakalayo ang edad nila, isang taon lang ang tanda nito sa kaniya pero marami na ang narating sa buhay. Nakakainggit dahil pinagpala din sa relasyon si Sybil.
Dahil siya lang mag-isa sa floor at kailangan niyang mag linis, pumunta muna siya sa 12th floor para kumuha ng cart at ng kumpletong pang linis. Meron naman vacuum sa floor nila pero mas kailangan niya ng kumpletong gamit.
"Good morning ho, kukuha lang po ng cart," ani niya pag pasok niya sa room ng mga tagalinis ng buong building.
"Si Madam ganda pala 'to! Yung buong cart ba kailangan mo madam?" tanong ni kuya Nestor, isa sa taga paglinis.
"Opo, lilinisan ko lang ang office ni sir Caeden."
"Ah, kasi wala si Nida at Ayeng. Ito oh, 'yan ang ginagamit nila pag naglilinis sa taas."
Tinulak nito ang cart kaya inabot niya. Magaan lang naman tulakin iyon dahil maganda ang supplies na mga ginagamit ng mga janitor at janitress dito.
"Mang Nestor, hindi mo naman sinabi nandito si Madam ganda. Eh 'di sana ako ang nag assist." Hilaw siyang ngumiti nang makita si Anjo. Ka-edad niya ito at isa rin sa mga taga linis. Hindi siya komportable dito dahil iba ito kung tumingin sa kaniya.
"Ikaw tumigil ka Anjo. Malilintikan ka sa akin, sinasabi ko sa'yo."
Ngumiti lang siya at hinatak ang cart para makaalis doon. "Salamat kuya Nestor, mauna na ako."
Narinig niya pa ang nakakabastos na sipol ni Anjo hanggang sa tuluyan na siyang nakaalis doon. Ayaw niyang i-judge si Anjo pero hangga't sa kaya niyang iwasan ito ay iiwasan niya.
Nang makabalik siya sa floor nila ay agad siyang nag linis. Nag palit pa siya ng tsinelas niya ulit para makagalaw ng maayos. Sinuot niya na rin ang earphones niya para ganahan siya sa paglilinis.
"Ako lang naman mag-isa," she giggled.
Habang naglilinis ay hindi niya mapigilan na hindi sumayaw at sumabay sa tugtog na naririnig niya.
Inayos niya lahat ng mga papel sa table ng binata at pinusan ang mga kailangan punasan. Nang matapos ay nag vacuum na siya simula sa kanan hanggang sa kaliwa. May cabinet sa dulong bahagi at yumuko siya nang malaglag ang maliit na display sa taas. Mabuti na lang ay hindi babasagin kun'di patay siya.
She turned off the vacuum first before she kneel and bend her body to look for the small display.
Maliit talaga iyon na parang pin, kaya naman nahirapan siya abutin.
Tumuwad pa siya ng husto para maabot ng kamay niya ang ilalim pero wala siyang makapa hanggang sa natigilan siya nang may naramdaman sa likod niya.
Binawi niya ang kamay niya at napahawak sa pwetan.
Agad siyang napaluhod at pilit nililingon ang napunit na pencil skirt na suot niya.
"What the hell are you doing?"
Sa boses pa lang na 'yon ay alam niya na kung sino ang nag salita. Hindi niya inalis ang tingin sa sahig hanggang sa makita niya ang pares ng mamahaling sapatos na mas malapit na sa kaniya.
She gulped. Unti-unting umangat ang tingin niya at sinalubong ng mata niya ang madilim na tingin ng binata. Nakaigting ang panga nito habang nakatitig ng mariin sa kaniya.
"N-naglilinis po ako-"
"I know. I can see your stuffs here. Ang tinatanong ko kung bakit ka nakatuwad diyaan."
Nag-init ang pisngi niya dahil mukhang nakita nito ang nangyari sa kaniya.
"N-nalaglag po 'yung display... Inaabot ko lang po, pasensya na po."
Mabilis siya tumayo at kinuha ang mga panglinis niya pati na rin ang vacuum. Nilagpasan niya ang binata at kinuha ang cart para tulakin papalabas ng office nito.
"Where the fvck are you going?"
Napahinto siya pero hindi niya ito nilingon. "Lalabas na po, tapos na rin po ako mag linis ng office niyo."
Hindi niya naman kasi akalain na maaga ito dadating.
"Really? Are you testing me right now?"
"H-huh?"
"Red."
"Po?"
"For pete sake! Did you just forgot that your skirt is a mess right now and I can clearly see your red panty? Po? Po? Do you want me fvck you right here right now? Just tell me, Miracle."
Napapikit siya ng mariin at hindi alam ang gagawin sa oras na 'yon.