Chapter 4

2173 Words
Nang ma-i-send niya ang bayad kay Aling Kuring ay naisubsob niya ang mukha sa lamesa. Kotang kota siya sa kamalasan ngayong araw. Nabastos siya tapos ngayon naman ay nakitaan siya ng mismong boss niya. Tiningnan niya ang oras at alas-siyete na ng gabi. Hindi na rin bumalik si Sybil dahil may ibang inutos ang boss nila. "Excuse me? I'm here for Caeden." Napaayos ang upo niya nang makita ang isang sopistikadang babae. She's wearing a blue fitted tube dress and silver high heels. Ang buhok naman nito ay nakalugay at umaalon dahil sa kulot. "Do you have appointment ma'am?" "Just call him, siya ang nagpapunta sa akin dito 'no." Inirapan siya nito. Bago niya pa tawagan ang binata ay lumabas na ito mula sa office. "Caeden, I'm here na." The woman wiggle her eyebrows. Tumikhim siya ng sinukbit nito ang kamay sa braso ng binata at kitang kita niya rin kung paano isiksik nito ang malaking dibdib doon. "You can go home now," ani sa kaniya Sinundan niya ng tingin ang dalawa papasok sa office ng binata. Siya ay naiwang tulala at iniisip kung talagang susundin niya ba ito na umuwi na. Binaba niya ang tingin sa coat na nakabalot sa bewang niya. It's Caeden's coat. Inabot nito sa kaniya dahil wala siyang pampalit. Hindi kasi siya talaga makakalabas ng building na 'to kung gano'n ang ayos niya. Kitang kita ang pula niyang panty at talagang si Caeden pa ang nakakita no'n. Niligpit niya ang gamit at sinukbit ang bag niya nang matapos mag-ayos. Tumungo siya sa elevator at pinindot ang ground floor. Mag-isa lang siya sa elevator kaya napag desisyunan niyang tawagan ang ina niya para lang maipakita ang lugar kung saan siya nagtatrabaho. Kinapa niya ang phone sa bag at natigilan siya nang hindi niya iyon makita. Tumunog ang elevator hudyat na nasa babang palapag na siya. Hindi siya kaagad umalis doon at dali-daling pinindot ang 20th floor. Mukhang naiwan niya sa drawer ng table niya. Doon niya kasi madalas nilalapag ang cellphone pag may ginagawa siya. Nang makabalit sa floor ay natigilan siya nang makarinig ng isang malakas na ungol. Ungol? "Ohhhh~ Caeden... F-faster..." Napalunok siya habang palapit ng palapit sa table niya. Nakaawang ng kaunti ang pinto ng office kaya naririnig niya ang milagrong ginagawa sa loob. Hindi siya pinanganak kahapon para hindi malaman kung ano ang ginagawa ng dalawa. "Your finger so good... OHhhhh! Ahhhh!" Halos pigilan niya ang pag hinga habang kumikilos. Dahan dahan niyang binuksan ang drawer at kinuha ang cellphone. Nanginginig ang kamay niya dahil hindi siya makapaniwalang naririni niya ang ginagawang milagro ng dalawa sa loob. Humakbang siya paalis doon pero hindi niya naalis ang tingin sa pintuan. Nang umisang hakbang pa siya ay halos manigas siya nang nasalubong niya ang paningin ng binata. Nakatuwad ang babae at nakayuko ito sa lamesa. Nasa likuran naman nito ang binata na nakaharap sa gawing bukas ng pintuan. Ang kanang kamay nito ay nakahawak sa balakang ng babae at ang isa naman ay gumagalaw sa pagitan ng hita nito. Siya na ang nag bitiw ng tingin sa binata at dali-daling tumakbo. Narinig niya pa ang pag bagsak ng vacuum. Kung paano iyon bumagsak ay hindi niya rin alam, basta't gusto niya na umalis doon. Napasakay siya ng taxi dahil na rin sa kalagayan ng suot niya. Hanggang sa makauwi ay lutang siya. Masaya pa nga siyang binati ni Aling Kuring pero hindi niya na ito napansin. Wala siyang gana buong gabi. Nagawa niya na ang night routine niya hanggang sa makahiga siya ay tumatakbo pa rin ang isip niya. "Ugh!!" sigaw niya at kinuha ang unan sa tabi at tinakip sa mukha niya. Hindi niya makalimutan ang mukha ni Caeden. Hindi niya makalimutan ang itsura nito sa gano'ng sitwasyon. He's wearing a fitted polo and his sleeves are folded. Kitang kita ng dalawang mata niya ang pag galaw ng kamay nito habang nag f-flex ang muscles. Napatigil siya sa pagsigaw niya ng tumunog ang cellphone niya. It's already 10 in the evening, kaya nagtaka siya kung sino ang tatawag sa kaniya ng gano'ng oras. Wala naman siyang ibang kakilala na makakatawagan niya. She reached her phone and checked who is calling. Boss is Calling... She gasped. Napatitig siya sa screen ng telepono kung sasagutin niya ba iyon o hindi. Nakailang ring pa iyon bago mamatay. Akala niya ay hindi na ulit ito tatawag nang bigla ulit mag ring ang cellphone niya. Binaba niya ang cellphone habang naiiling iling. "Hindi, tulog na ako. Kunwari tulog na ako," ani niya sa sarili. She silent her phone before she decided to sleep. Kaso nga lang kahit anong pilit niyang matulog ay hindi siya nakatulog. Nakapikit lang ang mata niya buong mag damag pero hindi man lang siya nakatulog. Kinabukasan ay bangag siya. Nilinis niya ang buong bahay at nilibang ang sarili. Dahil maliit lang naman at studio type ang tinitirhan niya ay mabilis lang din siyang natapos. Tinawagan niya ang magulang niya para kumustahin ang mga ito. "Ma," ani niya.. "Kumain na kayo?" "Oo, anak. Kumusta? Wala kang ginagawa ngayon? Ang bilis mo nagpadala ng pera kagabi." "Para makapag-grocery at palengke kayo diyaan. Where's papa?" she asked. Umupo siya sa may kama at sumandal sa pader. "Nasa palengke na kanina pa. Alam mo naman ay laging nauuna doon. Tiyaka sasama siya sa pangingisda mamaya." "Ma... Wala ba talaga akong kaibigan na pinakilala sa inyo noon?" biglang tanong niya. Naisip niya lang, gusto niya rin kasi alamin ang past niya. "Hmm... I think there's a girl before. Nakalimutan ko lang ang pangalan niya kasi nasa kotse kami ng papa mo nang dumaan kami sa school mo dati. You have a lot of schoolmates that you are close with. Pero wala namang pagkakataon na maipakilala mo dahil busy ka." Napabuga siya ng hangin dahil kung ano ang sinasabi sa kaniya ngayon ng mama niya ay gano'n din ang sinabi nito noon. Lumitaw ang ngiti sa labi nang makita niya si Chaleb sa screen. "Hi Chaleb! How are you?" malambing na ani niya rito. "Good!" she giggled when Chaleb show the approve sign. "Mag relax ka lang muna diyaan anak. Huwag ka na mag isip ng kung ano ano at 'wag mo kami alalahanin dito. Sasusunod ay 'wag ka na magpadala ng 20 thousand ha. Sapat naman ang kinikita kahit papaano namin para sa pang araw-araw. Mag ipon ka lang at gumastos ka kung kailangan mo." Napanguso siya sa sinabi nito. Kahit nag hihirap na sila ay pilit pa rin siyang sinusuportahan ng magulang. Siya na nga ang dahilan kung bakit sila nag hirap ngayon tapos hindi niya pa susuklian ang mga 'yon. "Ma naman-" "Idagdag mo na lang sa ipon mo para kay Chaleb. Sige na at mag pahinga ka lang, sulitin mo ang bakasyon mo. Kumain ka sa labas dahil puro delata ka na lang diyan. Kilala kita Miracle, masiyado mo tinitipid ang sarili mo pero pag sa ibang tao ay magastos ka." She pressesd her lips. Nahuli siya ng ina niya. Hangga't kaya niya kasing mag tipid ay gagawin niya. "Okay... Please take care. Bye ma, bye Chaleb. Tawag lang kayo kung may kailangan, tatawag na lang ulit ako." "Bye bye!" Chaleb pouted his lips and smack at the camera. "Bye bye, baby ko!" pahabol niya pa habang hinalik-halikan ang camera. She ended the call and rest her back on the bed. Nami-miss niya na ang palawan, nami-miss niya na ang magulang niya at si Chaleb. Dahil nga wala na siyang gagawin ay napag desisyonan niyang lumabas at mag ikot ikot. Nag lakad lang siya papunta doon sa gawi ng office nila. Bago kasi mag office nila ay may park na malapit at may mga helerang store at restaurant. Doon na lang siya titingin ng kakainan. Hindi naman masama kung gagastos siya ngayong day off niya lalo na't sumahod siya kahapon. Maganda ang panahon, hindi masiyadong mainit at sapat ang simoy ng hangin para hindi siya pagpawisan. Alas tres ng ng hapon at saktong gutom na rin siya. Nag-brunch lang naman kasi siya kanina. She stop in front of the restaurant. Base sa nakita niyang logo sa labas ay michellin star restaurant iyon. Bigla siyang napaatras dahil masyong mahal iyon para sa kaniya pero sa pag atras niya ay may humawak sa siko at bewang niya. "Sorry, maatrasan mo 'yong pusa." Binitawan siya kaagad ng lalaki sa likod niya kaya agad niyang nilingon ito nang makitang may pusa na sa likuran niya. Umawang ang labi niya nang makita ang pamilyar na lalaki. "I-ikaw 'yung tumulong sa akin sa jeep?" she said while pointing him. "Oh... yes. Nice to see you again," tipid itong ngumiti sa kaniya at tumango. Mukha namang mabait ito kahit iba ang datingan. Medyo nakaka-intimidate kasi ito. Pero mas nakakatakot at iba pa rin ang aura ni Caeden. Iwinaksi niya sa isipan niya ang boss nang maalala niya na naman ito. "Are you going to dine in?" tanong nito. "Huh? ah diyaan? Hindi! Masiyadong mahal para sa budget ko," pagsabi niya ng totoo at tumawa. "I can give you discount. Do you work at Albrect Technologies, right?" Nagtaka siya dahil alam nito na nagta-trabaho siya doon.. "Don't get me wrong! Suki ko ang company niyo. Nakita ko rin kasi sa ID lace mo kahapon 'yung logo, so I assume you are working there. I give discounts to employees there." Habol pa nito dahil mukhang nabasa ang nasa isip niya. Napakurap naman siya at napatitig sa suot nito. Doon niya lang napansin na hindi basta longsleeve ang suot nito. It's a chef uniform. "A-are you a chef?" "Yes. I work here." "Pero... bibigyan mo talaga ako ng discount?" paninigurado niya. Naaamoy niya na rin kasi ang pagkain at parang nagugutom na siya lalo. "Of course. If you don't like it, it's okay to not pay for your food. Tutal, mukhang bago ka lang sa restaurant ko. I don't mind to give you a free meal." Kibit balikat na sambit nito. Parang nag loading pa saglit sa utak niya ang mga sinabi nito. "Ikaw din ang may-ari nito?!" "Yes?" "But you are the chef?" "Yes." "Ikaw din ang kumikilos?" "Yes." Bubuka na sana ang bibig niya nang tumawa ito kaya napatitig siya sa guwapo nitong mukha. Hindi na siya magsisinungaling dahil guwapo talaga ito. "Bago ka pa mag tanong pumasok muna tayo. Tutal napatawa mo naman ako ay bibigyan kita ng free meal ngayon. I swear, babalikan mo ang mga luto ko." Hindi na siya nakatanggi dahil inubos niya na rin naman ang oras nito kakatanong. Paano ba naman hindi lang nag process sa utak niya na ito na ang may-ari ito pa ang chef. Usually kasi sa mga michelin star restaurant ay iba ang owner at iba rin ang chef. Iyon lan gang pagkakaalam niya pero dipende pa rin talaga. Pumasok siya sa restaurant at binati siya ng mga staff. Pagpasok niya pa lang ay sasalubungin na siya ng palangiting mga staff at magandang ambiance ng resto. "Wow..." "Please have a sit...?" "I'm Miracle," she smiled. "Khai... Khai Samua. You can call me Khai." Siya ang nag taas ng kamay para makipag kamay dito. "Nice to meet you chef Khai, thank you ulit sa help kahapon," she sincerely said. "No problem. Kahit sino naman gagawin 'yon. Anyways, just sit and relax Miracle. Do you have any allergies? or anong gusto mong kainin? It's on me." Mabilis ang pag iling niya rito dahil nahihiya siya. "Nako, babayaran ko na lang. Wala naman akong allergies, kahit anong simple lang pero masarap. Hindi kasi ako malakas kumain," paliwanag niya rito. Kaya naman niya bayaran kung sakali, wala nga lang sa budget niya ang pagkain sa mga gano'ng restaurant Ngumiti ito sa kaniya, "Don't worry, it's on me today. Sabi ko nga, alam kong babalik balikan mo ang pagkain dito. And if you think our food is expensive? no, I decided not to do that. I want it affordable even the quality and serving is exeptional. Masaya na akong makita ang reaction ng mga kumakain ng luto ko." Humanga siya kay Khai dahil sa mga sinabi nito. Kahit hindi niya pa natitikman alam niya namang masarap dahil hindi naman magiging michelin star ito kung ang pagkain ay normal lang. "Okay, I'll wait here. Ikaw na ang bahala." Siguro ay mapupunit na ang labi niya sa pag ngiti. Nasisiyahan kasi siya kausap ito, ewan niya ba at magaan ang pakiramdam niya kay Khai. "Okay, give me 20 minutes ma'am. Thank you." She nodded. Inasikaso siya ng staff kaagad. Habang naghihintay ay nakaupo lang siya sa table niya. Tumunog ang cellphone niya hudyat na may nag text, Nang mabasa niya ang mensahe ay halos malaglag siya sa upuan at nilibot kaagad ang paningin niya. Her eyes met Caeden's dark eyes like he is going to kill and eat someone right now. Yes... Caeden is here. You didn't answer my call, you didn't even send me a message to explain yourself, and now I see you laughing and smiling with the chef? Are you fvcking kidding me? Iyon lang naman ang text message sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD