Napasapo siya sa noo niya nang makitang nasa labas na naman ng bahay ang boss niya. Masiyado itong agaw atensyon dahil naka coat pa. "Sir pwede bang huwag ka pumunta sa bahay? Baka pag chismisan ako ng mga kapitbahay ko," pagsasabi niya ng totoo. Pinapasok niya na ito sa loob ng bahay niya dahil ayaw nitong umalis. Nililibot nito ang paningin sa munti niyang tahanan. Nakalatag na ang sofa bed niya at nakapangtulog na rin siya. Hindi na siya nag abalang mag bra pa dahil wala na siyang itatago rito. "You and that chef are close? Kaya ka ba laging nakatambay sa restaurant niya?" Umawang ang labi niya nang parang sinusumbatan siya nito. "Paano mo nalamang lagi ako doon?" Kunot noong tanong niya. Hindi siya nito sinagot at pinagpatuloy maglakad sa buong bahay niya. "Do you like

