Naibagsak niya ang mug na gamit nang makitang may pumasok na babae sa opisina ng binata. Natawa siya ng maiksi dahil hindi siya makapaniwala sa ginagawa nito. Ito ba ang sinasabi nitong siya ang mag mamakaawa rito. Naigulo niya ang buhok tiyaka nilagok ang mainit na kape. "Ouch!" daing niya nang mapaso ang dila sa mainit na kape. "Okay ka lang? kanina pa nakakunot ang noo mo. Marami ka bang task ngayon?" tanong sa kaniya ni Sybil nang nilapitan siya. Umiling siya kaagad. Wala nga siyang task ngayon, medyo maluwag sila ngayong araw dahil marami nang na close na deals. Kahit nakaharap ang mukha sa laptop ay hindi niya mapigilang mapa-side look nang makitang lumabas ang binata kasama ang babaaeng malaki ang boobelya galing sa office. "You guys can out on time today." Sambit ni Cae

