Under The Moonlight Kabanata 22 Marciano's Point Of View Hindi na sumama pa sa akin si Bianca rito sa Hacienda. Nagpaiwan na ito kanina sa kanilang shop dahil wala raw doon ang kaniyang Ama. Kaya heto nag-iisa lang ako at hindi ko alam kung ano pa ang gagawin ko. Pumunta na lang ako sa taas, sa rooftop ng mansion dahil gusto ko munang mapag-isa. Kung sa kuwarto ko ako mananatili ay baka mabaliw na ako nang tuluyan. My mind didn't stop thinking that night. Para itong sirang plaka na paulit-ulit kung mag-play sa aking isipan. I couldn't forget it. Sa tuwing iniisip ko iyon ay kakaiba pakiramdam ang bumabalot sa akin. Pagdating ko sa taas ay dumiretso ako sa isang bench. Hindi naman mainit sa puwesto ko dahil na rin sa may nakatayong malaking payong na n

