Under The MoonlightKabanata 21 Marciano's Point Of View. Hanggang ngayo'y hindi pa rin ako makapaniwala. I was stunned on where I was standing. Kung hindi pa ako siniko ni Bianca ay hindi ko malalamang nasa reyalidad pa pala ako. "Pagpasensiyahan niyo na 'tong si Marciano. Minsan kasi, natutulala na lang 'to bigla at animo'y lumilipad na naman ang isip," Bianca said. That's why I glared her pero inismiran lang niya ako. "Saan na nga pala tayo? Ah... bale, kasali kayong dalawa sa Mr. and Ms. Tourist?" Naglakad papunta sa dereksiyon ni Evanston si Anya at ikinawit niya ang mga braso sa braso ng lalaki. Umiwas ako ng tingin nang magtama ang mga mata namin ni Evan. Something's hurt in my chest pero hindi ko iyon inintindi. Hanggang ngayon kasi'y hindi pa rin nag-si

