Under The MoonlightKabanata 13 Marciano’s Point Of View. Masakit ang ulo ko kinabukasan nang magising ako. Hindi ko masyadong naaalala ang mga nangyari maging kung papaano ako napunta sa kuwarto ko ngayon. Napahawak ako sa aking ulo nang bumangon ako sa kama at sinubukang balikan ang nangyari kagabi. Nakahinga ako nang maluwag na wala rin naman akong maalalang ginawa kong katarantaduhan habang magkasama kami ni Evanston. Agad na akong pumasok sa banyo at naglinis ng katawan. Nang matapos ako’y agad din akong lumabas ng aking kuwarto. Saktong pagbukas ko pa lang ng pinto ay siya ring pagbukas ng pintong nasa harapan ko, kung saan ang kuwarto pansamantala ni Evan. “Hi, good morning! How’s your head? Alam ko malakas iyong tama ng alak kaya puwede kang makaramdam ng ha

