Under The MoonlightKabanata 14 Marciano’s Point of View. I was a bit nervous when the night came. Hindi ko maipaliwanag ang kaba ko pero mabuti na lang at wala naman siyang sinabi nang magtabi kaming dalawa sa hapag. Tahimik lang ‘tong kumakain at nang matapos siya’y agad din na umalis. Bumuntonghininga ako. Malamang ay galit ito sa ginawa ko o baka nagtataka siya kung bakit ko siya binigyan ng regalo. I don’t understand him. Mas lalo lang akong naguguluhan sa mga inaakto niya. “Nag-away ba kayo, Marciano?” my father’s said after Evanston left the dining area. Tumingin ako rito at kumunot ang noo ko. Bakit naman niya ako pinagbibintangan? Mukha ba akong makikipagbasag ulo sa lalaking iyon? “Hon…” my mom said. “Mukhang may problema lang si Lorenzo. Hayaan na mun

