Kabanata 1

1170 Words
Under the Moonlight Kabanata 1 Hapon nang maisipan ni Marciano ang tumambay sa silong ng isang puno sa kanilang bakuran. Mayroon ditong mga upuan na gawa sa semento, ipinasadya pa iyon ng kaniyang Ina dahil maganda itong tambayan tuwing hapon. Mayroong juice at biskwit sa mesang kaharap niya. “Kamag-anak niyo ba ‘yan?” tanong ni Bianca, kaharap niya itong nakaupo rin sa upuang gawa sa semento habang nakatingin sa dalawang naglalaro ng badminton. “Sino?” balik tanong ni Marciano. Binuklat niya ang hawak na libro at sinimulan niya itong basahin. “Iyang bisita niyo, kamag-anak niyo ba iyan galing sa Manila?” Isinara ni Marciano ang libro at tumingin sa gawi ng kaniyang Ama at ang lalaking nagngangalang Evanston, naglalaro ang mga ito ng badminton. Dalawang araw na itong nananatili sa kanila at hindi niya alam kung kailan ito aalis. Wala naman siyang problema roon dahil malaki naman ang kanilang bahay ngunit ang ayaw lang niya sa lalaki ay ang pagiging mayabang nito. “Hindi,” maikling sagot ni Marciano sa kaibigan at ibinalik ulit ang pagbabasa ng libro. Totoo namang hindi nila kamag-anak ang lalaki, ni hindi nga niya ito nakikita tuwing may family reunion sila. “Sabagay…” Tumingin sa kaniya si Bianca at ngumit. “Malabong maging kamag-anak niyo iyan dahil maputi ang balat at ikaw ay sunog naman.” Napantig ang tainga ni Marciano sa sinabi ng kaibigan kaya muli niyang isinara ang librong hawak at masama itong tinignan. Hindi naman natinag ang babaeng kaharap at mas lalo pa itong nginisan na mukhang natutuwa dahil naiinis niya ang kaibigan. “Mas guwapo naman ako sa kaniya!” sagot ni Marciano. Tumawa si Bianca dahil sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya aakalain na maiinis niya ang kaibigan dahil minsan ay siya ang naiinis dito sa dami ng kaniyang kalokohan. “Wala naman akong sinabing guwapo siya pero hindi ako sang-ayon sa sinabi mo,” sabi nito at ibinaling ang pansin sa direksiyon ni Evanston na nakasuot ng shorts na puti at isang manipis na kulay itim na t-shirt. “Sa tingin ko kasi ay mas guwapo siya sa ‘yo, nakakasawa na kasi iyang mukha mo.” Tumayo si Marciano dahil sa sinabi ng kaibigan. “Wala akong pakialam!” naiinis nitong sabi at iniwan si Bianca na tuwang-tuwa sa naging reaksiyon niya. “Pikon!” sigaw ng babae at muling tumawa. Hindi siya pinansin ni Marciano at naglakad na ito papunta sa pinto ng kanilang mansion. Bago siya makarating doon ay mapapadaan na muna siya sa puwesto nina Greygory at Evanston. “Marciano!” tawag sa kaniya ni Gregory kaya napatingin siya rito. Hawak nito ang rocket at shuttlecock ng badminton. “Bakit, Pa?” tanong niya, hindi na niya kailangang sumigaw dahil malapit lang naman ang puwesto ng ama. Tumingin siya saglit sa puwesto ni Evanston na nakatingin din pala sa kaniya kaya mabilis siyang umiwas ng tingin. “Why don’t you join us here?” Kumunot ang noo ni Marciano dahil sa tanong nito. Naguguluhan siya dahil papaano siya sasali kung dalawa lang ang rocket at hindi puwedeng tatlo ang maglaro ng badminton. Ayos lang sana kung apat ngunit isang pares lang ng rocket ang mayroon sila dahil bonding ng mag-asawang Hidalgo ang paglalaro nito. “How? Dalawa lang ang rocket na binili niyo, ano’ng gusto mo? Gamitin ko itong librong hawak ko bilang rocket?” Nakuha ni Evanston ang atensiyon ni Marciano dahil sa pagtawa nito sa kaniyang biro. At, hindi nailagan ni Marciano ang tumama sa kaniyang rocket kaya napadaing siya sa sakit. Sapol ang kaniyang ulo dahil sa ginawa ng Ama. “Stupid!” singhal ni Gregory. Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo kung saan tumama ang rocket at tumingin sa Ama. “I am just asking you. Bakit kailangan mo pang manakit, ‘Pa?” tanong niya, hindi nito pinansin ang pagtawa ni Evanston sa kaniyan sinapit. Hindi siya sinagot ng ama bagkus ay nilapitan siya nito at pinulot ang rocket na nahulog sa lupa nang ibato niya ito sa anak. “Palitan mo muna ako,” sabi nito at inabot sa kaniya ang rocket at shuttlecock na agad din naman niyang kinuha. Wala siyang nagawa nang iniwan siya ni Gregory, umalis ito sa harapan niya at naglakad papasok sa kanilang mansion. Ibinaba na muna ni Marciano ang hawak na libro at saka naglakad papunta sa puwesto ng kaniyang Ama kanina, kaharap nito ang kalaro. “Marunong ka ba nito?” Napahigpit ang hawak ni Marciano sa rocket dahil sa tanong ni Evan. Ngumisi pa ito na tila nang-aasar. Kaya imbes na sumagot si Marciano ay agad siyang tumira upang pakawalan ang shuttlecock na ikinagulat ni Evan ngunit nahabol din naman niya ito at naibalik sa kalaban. Nagpalitan silang dalawa ng pagpalo sa shuttlecock upang maibalik sa isa’t isa. Hanggang sa isang malakas na palo ang ginawa ni Marciano at mabilis na tumilapon ang shuttlecock papunta kay Evan kaya hindi niya ito natamaan at nahulog sa lupa. “Ano nga ulit ang sabi mo?” Hinihingal na tanong ni Marciano at nakuha pang ngumisi sa kalaban upang mang-asara pero ngiti lang ang isinagot ni Evan at kinuha ang shuttlecock na nahulog sa lupa. “Well… not bad,” anito. Si Evan naman ang naunang tumira at agad naabutan din ito kaagad ni Marciano. Dumating naman si Bianca dahil napansin nitong naglalaro ang dalawa kaya agad itong lumapit at nanood. Muling naglaban ang dalawang binata at hindi magkamaway sa pagsigaw si Bianca sa isang tabi. Lumabas din ang Ama at Ina ni Marciano at nanood din. Tumagal ang laro ng apat na rounds at tabla lang ang kanilang score. Dahil walang gustong magpatalo sa kanila. At, nang matapos ang laro ay sabay-sabay na silang pumasok sa loob upang magpahinga. “That’s a nice game. We can play again next time and I’ll beat you,” sabi ni Evan at inakbayan si Marciano habang naglalakad sila papasok sa loob. Tumawa si Marciano at hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya matanggal ang pagkakaakbay ng lalaki sa kaniya. Mas lalo rin siyang naguluhan dahil nagusutuhan nito ang amoy ng lalaki, ang pinaghalong amoy ng pawis at pabango nito. Napapailing na lang si Marciano sa kaniyang isipan at saka marahang tinanggal ang pagkakaakbay ni Evan sa kaniya. “Aakyat na muna ako, I have something to do,” sabi nito at hindi na hinintay ang sagot ng mga kasama dahil agad siyang naglakad ng mabilis papaakyat sa second floor ng kanilang bahay kung saan ang kuwarto nito. Pagpasok niya sa kaniyang kuwarto ay napasandig siya sa nakasaradong pinto nito. Napahawak siya sa kaniyang dibdib dahil sa bilis ng t***k nito at napatingin siya sa gitna ng kaniyang mga hita sa biglang paninikip nito at nasilayan niya ang nakaumbok doon. Naguguluhan siya, hindi niya alam kung bakit gano’n na lang ang naging epekto ng amoy ni Evan sa kaniya. Hindi niya maintindihan at hindi niya ito nagugustuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD