Kabanata 2

1154 Words
Under The Moonlight  Kabanata 2 Nang sumapit ang gabi ay hindi dalawin ng antok si Marciano. Paikot-ikot na siya sa kaniyang kama ngunit hindi pa rin ito makatulog. Nagpaulit-ulit sa kaniyang isipan at nagpabalik-balik sa kaniyang pang-amoy kung gaano kabango ang pinaghalong pawis at pabango ni Evanston. Pumasok din sa kaniyang isipan kung ano ang itsura nito kapag nakahubad ang lalaki.  Napabalikwas siya sa kaniyang kama at ginulo ang kaniyang buhok. Nababaliw na siya at hindi iyon maganda. "Fck! What's this feeling?! Nagiging manyakis na ako," bulyaw niya sa kaniyang sarili. Imbes na muli siyang mahiga sa kama ay bumaba siya at naglakad papalapit sa kaniyang bintana. Binuksan niya iyon at pumasok naman ang malamig na simoy ng hangin. Nakasuot lang si Marciano ng puting sando at maikling shorts naman sa baba. Kahit na air-conditioned pa rin ang kaniyang kuwarto ay hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit naiinitan pa rin siya. Tumingin siya sa labas at tumingala sa kalangitan. Isa sa pinakamaganda kapag nakatira ka sa probinsiya ay marami ang bituin tuwing madilim na ang kalangitan. Bilog na bilog pa ang buwan na mas lalong nagpapaganda sa paligid. "Marciano!" Nagulat siya nang may tumawag sa kaniyang pangalan kaya napatingin siya rito. "Ano'ng ginagawa mo riyan?" Nasa labas ng bahay si Evanston na siyang tumawag sa kaniya. Nakasuot ito ng simpleng t-shirt at shorts habang bumubuga ng usok dahil sa paninigarilyo niya. Mukhang hindi pa ito natutulog at tumatambay pa siya sa labas.  Kumabog nang mabilis ang t***k ng kaniyang puso nang masilayan niya ang ngiti ng lalaki. "Kuwarto ko 'to, what do you expect me to do?!" sagot niya sa lalaki.  Hindi naman kataasan ang puwesto ng kuwarto ni Marciano kaya kahit mahina ang boses nito ay maririnig pa rin ni Evanston na nasa baba. Narinig niya ang pagtawa ni Evan kaya napatitig siya rito. Ngunit mabilis siyang umiwas ng tingin nang bumaling muli ang lalaki sa kaniya at ngumisi. "Wanna join me for a while? Ang boring naman dito kung mag-isa lang ako at walang makausap," sabi ng lalaki na ikinatingin muli ni Marciano sa baba. Bumuntong-hininga siya. "Just wait me outside," sagot niya rito ng walang pag-aalinlangan. Isinarado na niya ang kaniyang bintana at saka nagpalit lang siya ng t-shirt. Kinuha rin niya ang kaniyang lighter at sigarilyo na itinatago sa kaniyang side table upang hindi makita ng ama bago siya lumabas ng kuwarto at puntahan si Evan sa labas na naghihintay.  Isa sa mga kalokohan ni Marciano ay ang paninigarilyo na siyang mariin na ipinagbabawal ng kaniyang ama sa kaniya. Dahil ayaw na ayaw ni Gregory na masira ang baga ng kaniyang anak. Ngunit likas na kay Marciano ang pagiging maloko kaya panakaw itong naninigarilyo minsan sa gitna ng kagubatan kasama si Bianca ngunit ang babae ay hindi naninigarilyo, sinasamahan lang siya nito para may makausap. "You're here," bungad sa kaniya ni Evan nang makarating s'ya sa puwesto nito. Naupo siya sa upuang nasa harapan ng lalaki. Napatingin si Marciano sa mesang kaharap nila dahil mayroon doong bote ng alak na mukhang wala nang laman. "Hindi ako makatulog," bigla nitong sabi at mabilis na kinuha ang kaniyang sigarilyo at sinindihan iyon. "Why? Nag-away kayo ng girlfriend mo?" Bumuga muna ito bago niya sinagot ang lalaki. "Sinong girlfriend?" Ngumisi siya. Dahil hindi naman niya alam kung sino ang tinutukoy ng lalaki at saka, hindi naman sila gaanong magkakilala ng lubos kaya papaanong malalaman iyon ng kausap. "That girl named Bianca," sagot ni Evan. Tumawa siya Marciano kaya nagtatakang tumingin sa kaniya ang kaharap na nakakunot pa ang noo. "What? Isn't she your girlfriend?" "Nope! She's just a friend. Wala akong girlfriend, kakahiwalay lang namin ng recent girlfriend ko." Itinapon ni Marciano ang sigarilyo na hindi pa nauubos. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at tumingin sa paligid. Tahimik at kung hindi lang sa tulong ng mga ilaw na ipinakabit ng ama sa bawat puno ay baka magmukhang haunted house ang kanilang mansion. "Let's go for a walk," sabi ni Marciano at hindi niya maintindihan kung bakit niyaya niya ang lalaki kahit hindi naman niya ito close. "That's a good idea, let's go." Wala siyang nagawa dahil pumayag na ito. Tumayo na si Evan at sumunod sa kaniya sa paglalakad. Hindi alam ni Marciano kung saan niya dadalhin ang lalaki ngunit naisipan niya na sa isang hot spring dito sa kanilang hacienda na lang sila pupunta. Malapit lang iyon sa kanilang mansion dahil nang mabili ng pamilya niya ang hekta-hektaryang lupain na ito ay ang hot spring ang nakaagaw pansin sa pamilya kaya dito sila malapit nagpatayo ng bahay. Sa paglipas ng panahon ay mas lalo nilang pinaganda ang lugar, nilagyan nila ng maliit na pool para doon mabuhos ang mainit na tubig at ang paligid nito'y pinapanitiling malinis. "Wow! Mayroon kayo nito rito?" gulat na tanong ni Evan nang makarating sila sa lugar. "Malamang! Ano pa ba iyang nakikita mo," sagot ni Marciano. "Napakaloko mo talagang tao, Marci." Kumunot ang noo ni Marciano sa tinawag sa kaniyang lalaki. "Ano'ng tinawag mo sa akin?" "Marci?" sagot ng lalaki dahil nagtataka siya sa naging reaksiyon nito. "D-Don't call me that name, hind iyan ng pangalan ko. It's better not to call me," sabi niya at mabilis na hinubad ang suot na damit at shorts. Tanging ang underwear lang nito ang natira bago siya naglakad papuntang pool at nilublub ang sarili doon. Hindi naman siya nahihiya sa katawan dahil kahit papaano ay inaalagaan niya ang sariling katawan. "You seriously have to swim at this hour?" gulantang na tanong ni Evan sa kaniya dahil sa ginawa nitong paglundag sa tubig. "Bakit? Masarap naman ang tubig, it's refreshing. Try it!" sabi ni Marciano habang nakalublob ang sarili sa hot spring. "Okay," sagot ni Evan at sinunod si Marciano. Hinubad muna nito ang suot na damit kaya nanlaki ang matang napatingin si Marciano sa katawan nito. Makinis ang katawan ni Evan na mayroong walong pandesal sa tiyan na nakakatakam pagmasdan at mayroon din siyang V-line pababa sa gitna ng katawan nito. Nanlaki halos ang mata ni Marciano nang hubarin ni Evan ang suot nitong short at lumitaw ang tulog pa nitong p*********i na shaved ang buhok sa paligid. "Hoy!" kinakabahang sigaw ni Marciano rito kaya napatingin si Evan sa kaniya ngunit mabilis siyang umiwas nang tingin. "What?" nagtatakhang tanong ni Evan. Wala na itong suot na kahit ano sa katawan kaya litaw na litaw ang kahubdan niya sa harapan ng binatang kasama. "B-Bakit wala kang suot na brief?" "Pareho naman tayong lalaki, there's no problem with that, dude!"  Hindi na nakaangal pa si Marciano dahil agad nang inilublob ni Evan ang sarili sa tubig at nakangising humarap sa kasama. Mas lalong dumagundong ang dibdib ni Marciano sa kaba. Nasilayan lang naman niya ang kahubdan ng lalaking dayo sa harapan niya na kanina lang ay iniisip niya kung ano ang itsura. At ngayon na nakita na niya iyon, sa tingin niya'y hindi na naman ito mawawala sa kaniyang isipan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD