Under The MoonlightKabanata 17 Marciano’s Point of View. Tahimik lang naming pinagmamasdan ang lugar mula rito sa tuktok ng bundok. Nakikita naming dalawa ang mga ibon na nagsisiliparan sa himpapawid. It feels like they were happy because they’re free from anyone. Malaya silang nakakapunta sa kung saan man nila gusto nila. Kung sa tutuusin nga’y ang suwerte ng mga ibon. At, kung papipiliin lang din ako ay gusto kong maging katulad nila. I can just fly and fly hanggang sa mapagod ako. Ang hirap kasing maging ako. Alam kong mahina ako pero pinapakita ko sa kanila na matapang ako. “Ano kaya ang pakiramdam ng maging isang ibon?” Evanston asked. He was sitting on the grass at katulad ko ay nakatingin din ito sa mga ibong lumilipad sa kalangitan.

