Kabanata 9

1391 Words
Under The Moonlight Kabanata 9 Marciano's Point Of View. We've reached the top of the mountain. At, talagang nakakamangha pa rin ang ganda nito. Bumungad agad sa amin ang malawak na lupain, puno ng mga iba't ibang punong kahoy. Hindi naman kalakasan ang hanging dito at ang sarap sa pakiramdam. Iba talaga ang ganda ng probinsiya. No pollution of air. Walang ingay na nagmumula sa mga sasakyan. It feels like you're away from reality. Ang maririnig mo lang ay ang ingay ng mga dahong natatamaan ng hanging at ang mga nagsisiawitang mga ibon. And I've never regret that I was born and raised here. I look at Evanston. Nang makarating kami rito sa taas ay naging tahimik na ito. Pinagmamasdan niya ang kapaligiran. Sa baba nitong bundok ay makikita mo ang iilan pang bundok at sa likod naman namin kung saan ang dereksiyon ng aming hacienda. "Do you like it?" I asked suddenly. I just really wanted to know what's in his mind. Lumingon ito sa akin. He was smiling like stupid. Para itong bata na ngayon lang nakakita ng isang magandang bagay. "You've gotta be kidding me? M-May ganito talaga sa Hacienda na 'to?" he said hysterically. Akala mo talaga'y ngayon lang nakapunta sa ganitong klase ng lugar sa kaniyang reaksiyon ngayon. "You look stupid." I rolled my eyes. Tumingin ako sa harapan ko. Kaya sumalubong sa akin ang ihip ng hangin kaya napapikit ako't bumuntonghininga. "Paborito kong lugar 'to," sabi ko. Idinilat ko na ang mga mata ko't tumingin sa kaniya. Bahagyang natatamaan ng hanging ang kaniyang buhok. Kaya ang medyo may kahabaan nitong maitim at makapal na buhok ay tinatangay ng hangin. "What do you mean?" he asked. Naglakad ako sa isang puno ng kahoy na natumba ngunit buhay pa rin. Bahagya lang nakahiga ang katawan nito na puwede mong upuan kung gusto mong tumambay rito. Naupo ako roon at siya ring pag-upo ni Evanston sa tabi ko. Inilagay ko ang magkabila kong mga kamay sa magkabila kong gilid. Sa malayo ako tumingin. Pinapakiramdaman ang buong paligid. Hindi talaga nakakasawang pagmasdan ang buong paligid, napapawi nito ang lungkot at sakit na iyong nadarama. "Kapag malungkot ako, pumupunta ako rito," sagot ko sa tanong nito. "So you're sad right now? Bakit hindi mo sinasabi sa akin. I will listen to you always," aniya. Umiling ako bilang sagot at saka lumingon sa dereksiyon niya. Naka-crossed ang mga paa nito at nakahalukipkip naman ang mga kamay sa kaniyang dibdib. Sa harapan siya nakatingin kanina pero nang mapansin nitong tumingin ako sa kaniya ay nagtama ang aming mga mata. Heto na naman iyong pakiramdam na parang gustong lumabas ng puso ko sa kaba. Iyong pakiramdam na tila ba may mga paru-parong lumilipad sa loob ng aking tiyan. But at the same time, these feelings are the one I don't want to feel. Ayokong makaramdam ng ganito sa kaniya dahil sa mga takot sa posibleng mangyari sa hinaharap. "Hindi ako malungkot. Gusto lang kitang dalhin dito," sabi ko. Ngumiti pa ako para ipakitang totoo ang sinasabi ko. But deep inside, I know that I'm not happy at all. Hindi ako masaya sa mga nararamdamang ito. Kung puwede nga lang na burahin ito'y matagal ko nang ginawa. Pero nandito na, all I have to do is to hide this. Gagawin ko ang lahat para hindi niya malaman na unti-unti na akong nahuhulog. "Thank you," he said suddenly. Ngumiti pa ito na abot hanggang sa kaniyang mga mata. Ramdam ko rin ang sinseradad sa kaniyang boses. "For what?" naguguluhan kong tanong. Wala naman kasi akong maalalang ginawa ko sa kaniya kundi ang minsanang pagsusungit na hindi ko maintindihan kung bakit ko rin iyon ginagawa. "For taking me to your favorite place. For letting me escape the reality." Tumango ako. Sana maging sa pagtanda ay puwede kitang isama. Nais ko sanang sabihin iyan sa kaniya but I remain silent. Ayokong malaman niya. Napagdesisyunan naming pagmasdan ulit ang paligid. Hanggang sa naisipan naming bumaba na dahil malapit nang magtanghalian. We were not heading to where my family is. Nang tignan ko pa si Evanston ay may dala-dala na itong bunga ng mangga sa kaniyang kamay. Tumigil ako sa paglalakad na siya rin niyang ginawa. "Where did you get that?" I asked. Tumawa ito at kumuha ng isang mangga. Kinagatan niya iyon at napaismid ito dahil siguro sa asim ng mangga. "Naglilihi ka ba?" tanong ko pa. "What?! No!" histerikal nitong sabi. "I just wanted to eat mangoes while we're walking. Alam muna, pampawala ng gutom." I rolled my eyes and turned my back at him. "Magmadali na tayo, baka kanina pa sila naghihintay." Mabilis ang ginawa kong paglalakad. At hindi ko napansin na habang naglalakad ako'y napapangiti ako. Hindi ko maitatanggi na guwapo nga siya. He can steal any girl he wants, he even had my heart. Narating namin ang puwesto nina Mama. Nakaupo na ito sa isang silong ng malaking payong dahil mataas na ang sikat ng araw. Hindi naman iyon masakit sa balat dahil nakakatulong ang ihip ng hangin. Naupo ako sa tabi ni Bianca na may kinakain ng prutas. She didn't mind me at napagtuloy sa pagkagat ng singkamas na kinakain niya. "You can use knife instead of your teeth, Bia," I said to her na siyang nakakuha ng atensiyon niya. She looked at me with her eyebrows raising. "Pakialam mo? Mas gusto kong kumain ng ganito," she answered. Bumuntonghininga na lang ako. Gusto ko lang naman na huwag na niyang paghirapan pa iyan at makain na niya pero matigas talaga ang ulo nito. "Tss. Bahala ka nga!" Inirapan ko na lang ito at itinuon ang pansin sa mga pagkaing nasa harapan namin. That day was a memorable day for me. Hindi ko alam pero palagi naman namin itong ginagawa ng pamilya ko pero it was a different one. Dahil kasama namin si Evanston, and it feels like my mom and dad accepted us kahit na wala namang kami. Nananaginip lang ako ng gising. That one day, I wish everything will be come true. Na sana balang araw ay matanggap din ng lahat ang mga taong nagmamahal sa parehong kasarian. "Ang ganda ulit ng buwan," Evanston said. Magsama kaming dalawa ngayon sa hot spring. Gabi na at pareho naming naisipan ang magbabad muna nang matapos kaming maghapunan. I looked at the moon above us. It was indeed a beautiful kahit na hindi ito kasing bilog nang nakaraan. There are stars scattered on the sky. Na tumutulong upang magpaliwanag din sa paligid. "Have you ever wondered why the moon chasing us everywhere we go?" I said and was still looking at the night sky. "It's because of the science?" Tumawa ako nang mahina dahil sa naging sagot niya. Tumingin ako rito. Nakakunot ang kaniyang noo. Nakasandal ito sa gilid ng pool at ang magkabila niyang mga braso ay nakapatong sa semento upang mapanatili ang sariling nakalutang. Habang ako'y nakaupo lang sa taas at tanging ang mga paa ko lang ang siyang nakababad sa tubig. "It was because the moon wants to remind you that you're not alone. Huwag mong isiping nag-iisa ka sa mundo sa tuwing may nangyaring hindi maganda sa 'yo o pakiramdam mo ay kalaban mo ang lahat. Moon was with you." Tumahimik ang paligid. Kaya narinig ko ang paghuni ng mga kuliglig at pag-ihip ng malamig na simoy ng hangin. Lumangoy ito papunta sa dereksiyon ko dahil nasa kabila siyang dulo. Hanggang sa nasa may gitna na siya ng mga hita ko at hindi ko alam bakit hindi ko man lang nagawang umalis. "You've made me realize something again, Marci." Napalunok ako nang tiningala niya ako. Humawak ito sa aking magkabilang baywang at puwersahan akong pinababa sa tubig. "W-What are you doing?" kinabahan na ako dahil sa biglaan nitong pagkilos. He smirked. Nanatili pa rin ang mga kamay nito sa baywang ko. Hindi ko alam kung ang init ng tubig ang nararamdaman ko o ang biglang pag-iinit ng buo kong katawan dahil sa marahan nitong paghaplos. "You've made me realize that I wasn't alone at all. Dahil kasama kita and I'm really thankful for you," he said before turning his back at me. Nakahinga lang ako nang maluwag ng lumangoy na ito papalayo sa akin. Akala ko'y may gagawin na ito ngunit ako lang pala ang nag-iisip ng bagay na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD