Kabanata 8

1168 Words
Under The Moonlight Kabanata 8 Marciano’s Point of View After that cringe scene in the kitchen with my family. We went on the river side dahil nagyaya si Mom mag-picnic. Magiging busy raw kasi si Dad for the preparation of the incoming festival. I thought, tatlo lang kaming pupunta pero hindi ko pala alam na kasama na sa pamilya namin itong si Evanston. “I really love your place, sir. I’ve been searching for this and now that I found it. Parang ayaw ko na lang na umuwi sa amin,” he said. Umiwas ako ng tingin dahil sa dereksiyon ko ‘to nakatingin. Tumingin ako sa river. Maganda rito. May malawak na damuhan where in your back kung sa river ka nakaharap ay ang mga puno ng mangga. Sa harapan naman namin ay ang malinaw na tubig. Naglatag lang kami ng blanket but we’re not sitting on it. Dahil malinis naman ang damo rito na puwede mong tambayan. “MARCIII!” Napapikit ako nang marinig ko ang nakakarindi na naman nitong boses. She was running towards us with her floral dress and wearing her signature headband. Napaka-isip bata talaga nitong si Bianca. “Hi po, Tito, Tita and Lorenzo.” Kumaway pa ito nang makalapit at kaagad siyang tumabi sa akin. “Magandang araw sa ‘yo, Bianca. How’s your family’s business?” my father asked. “Ayos lang naman po, Tito. Actually marami pong orders ang kailangang gawin para sa festival. Mabuti na lang nakapunta ako ngayon,” sagot ni Bianca. He grabbed the bread on her side at kasama na rin ang nutella na agad naman niyang binuksan. “We didn’t invite you,” sabi ko rito. Pinaseryoso ko pa ang boses ko na siyang ikinatigil niya sa paglalagay ng nutella sa pandesal. She glared at me. Ipinakita pa niya ang stainless na kutsilyong ginagamit nito. “Gusto mong saksakin kita nito? I told you the last time we’ve met, na pupunta ako rito. Nakakalimot ka na ba?” She rolled her eyes at saka ibinalik ang tuon sa pandesal na hawak. “Just don’t mind her na lang, ija. We’re happy that you’re here with us,” sabi naman ni mom. Bumusangot na lang ako at tumingin sa kaliwa ko pero ang nakangising mukha ni Evanston ang bumungad sa akin. I don’t know what his problem is. Kaya sinamaan ko ito ng tingin. But he didn’t look away. Mas lalo akong nainis nang tumaas ang upper lip nito. Tumayo ako at umalis na lang doon. “Where are you going, Marciano?” I looked at my father’s direction. Hindi ito nakatingin sa akin pero alam kong napansin nito ang pagtayo ko. kaya lahat sila’y nakatingin na rin sa akin. I sighed. “Sa bundok lang, ‘Pa,” I answered. “Bundok? I’m coming with you!” agad na sabi ni Evan at mabilis itong tumayo. Naglakad siya papalapit sa akin at umakbay nang walang paalam. “Sandali! Hindi niyo ako isasama?” Bianca asked. May dumi pa ang pisngi nito gawa ng nutellang kinakain niya. “Dito ka lang, ija. Baka kung mapano ka naman doon,” sabi ni Mama. Lumungkot naman ang mukha ni Bianca sa narinig but she couldn’t disagree with my mom. The last time we went to that cliff, muntikan na itong magpagulong-gulong at mahulog. May kataasan kasi ang bundok na pupuntahan ko. kaya walang nagawa si Bianca kundi ang manatili na lang siya sa kaniyang kinauupuan. “Let’s go?” I nodded as an answer. Agad naman kaming umalis doon. Nakaakbay pa rin ito sa akin na siyang nagiging dahilan kung bakit hindi na naman mapakali ang puso ko. it feels like there’s a butterflies flying inside my tummy. Ang bilis nang t***k ng puso ko na parang gusto na atang lumabas sa dibdib ko. Hindi pa nakakatakas sa pang-amoy ko ang pinaghalong panglalaki nitong amoy at ang mamahaling pabango. Malinis siyang tao kaya hindi malabong marami siyang mabibingwit na babae, and he even invaded my life now. “Malayo ba ‘yun?” he asked out of nowhere. Naglalakad na kami ngayon sa papunta sa bundok. Nasa dulo lang naman iyon ng manggahan. Inalis ko ang pagkakaakbay niya. “Just keep on walking. Kung gusto mo, bumalik ka na lang sa kanila.” Hindi koi to nilingon at nagpatuloy na lang sa paglalakad. “Ang sungit mo. May regla ka ba ngayon?” I stopped from walking and glared at him. Natigilan din ito sa paglalakad dahil siguro sa gulat niya. Well, I don’t care. I just don’t like the way he speak. “M-Mukha ba akong babae para magkaregla?!” singhal ko sa kaniya. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito. I know it was just a joke but I don’t like. Nagmumukha nga tuloy akong babaeng nireregla sa oras na ‘to. He smirked. Tumingin ito sa akin nang deretso sa aking mga mata. Kaya mas lalo akong kinabahan sa paraan nang pagtingin niya. Naglakad ito papalapit sa akin kaya humakbang naman ako papaatras. Napapikit ako dahil sa may naatrasan ako naging dahilan kung bakit na-out of balance. Pero hindi ko alam kung bakit wala akong naramdamang sakit. Kaya iminulat ko ang mga mata ko only to see his face. Ang lapit ng mukha nito sa akin. Doon ko lang din naramdaman na yakap-yakap niya ang katawan ko. Ramdam na ramdam ko ang matitigas niyang braso sa likod ko. He’s hugging me tightly but with a gentle on it. I feel safe in his arms. Pakiramdam ko rin ay tumigil ang oras sa pagkakatong ito. “You’re okay?” he asked using his soft voice. Kinilabutan ako sa boses nito kaya hindi ako kaagad nakagalaw. I slowly nod my head. Napalunok din ako nang ngumisi ito kaya napagmasdan ko ang adam’s apple niyang biglang nagpatakam sa akin. “Then… Baka puwede ka nang umayos.” Umayos ako nang tayo at agad siyang itinulak sa dibdib papalayo. Nag-init pa ang magkabila kong pisngi kaya mabilis akong tumalikod sa kaniya. “Thanks!” I said and without hearing his answer agad na akong naglakad at iniwan siya. Napansin ko lang itong umiiling na sumunod sa akin. - Narating namin ang paanan ng bundok. "Whoo! Ang ganda!" I couldn't disagree with him. Totoo ngang maganda itong bundok. Patag ang taas nito at alam kong mas lalo itong magugulat dahil sa ganda nang tanawin sa taas nito. Kaya hindi ko napigilan ang sarili. Hinawakan ko ang kamay nito. Natigilan kami pareho pero hindi pa rin ako bumitaw. I smiled at him. "Hold my hand tightly. Baka mahulog ka," sabi ko sa kaniya. Umiling ito at humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "No. Hold me tightly. Baka ikaw ang mahulog." Ngumiti lang ako. Kung alam lang nito kung ano ba'ng nararamdaman ko. Malamang ay lalayo ito sa akin, he will judge me. Kaya as much as possible, I'll never tell them what is these feelings inside. Nandito pa rin ang takot at alam kong kahit kailan ay hindi ito mawawala. This isn't the feeling I want but I couldn't help it, bigla ko na lang itong naramdaman. "A-Ayos ka lang?" he asked suddenly nang hindi ako magsimulang umakyat. Tumango lang ako. "I'm okay. Let's go," I said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD