Kabatana 5

1432 Words
Under The Moonlight KABANATA 5 Hapon na nang matapos ang dalawa sa pamamasyal. Buong maghapon ding iyon, matapos ang insidenteng nangyari sa kanilang dalawa sa putikan, ay naging tahimik si Marciano. Hanggang ngayon kasi'y hindi pa rin mawaglit sa kaniyang isipan ang sinabi ng lalaki. Lubos siyang naguguluhan kung ano ba ang ibig nitong pakahulugan. Ang isip niya'y magulo kaya hindi niya napansin ang pag-akbay ng lalaki sa kaniya. "Hey, napapansin kong kanina ka pa tahimik. Is there anything wrong?" tanong ni Evanston gamit ang nag-aalalang boses. "W-Wala. Pagod lang siguro ako," mahinang sagot ni Marciano. Naglalakad lang kasi silang dalawa pabalik sa mansion dahil iyon ang gusto ng kaniyang kasama. Ang mga bisikletang ginamit nila'y ipinauna na nila sa tulong ng mga trabahante sa Hacienda. Kaya tahimik din si Marciano. Dahil sa pagod nang paglalakad. Sino ba naman kasing maglalakad sa pagkalayo-layong destinasyon? Si Evanston pa lang ang kilala nitong mas gugustuhin pang mangalay ang paa kakalakad kaysa ang magpedal na lang para mas mabilis silang makarating at makapagpahinga. Tumigil si Evanston na siyang ikinatigil din ni Marciano. Nakaakbay ito sa kaniya kaya rin siya napatigil. Lumingon siya sa lalaking may katangkaran sa kaniya ng kaunti at maputi rin ito sa kaniya. "To paid you off. Puwede kitang buhatin para hindi ka mapagod." Nanlaki ang mga mata ni Marciano dahil sa sinabi nito. Mas lalong bumili ang t***k ng kaniyang puso dahil sa pagngisi ng lalaki at pag-sink in ng mga bagay-bagay sa kaniya. Normal pa ba ako? Tanong nito sa sarili ngunit wala naman siyang nakuhang sagot. "H-Hindi na. K-Kaya ko ang sarili ko," mabilis niyang sagot at inalis ang pagkakaakbay ni Evanston sa kaniya. Dali-dali siyang naunang maglakad. Gusto niyang suntukin ang lalaki dahil sa mga pinaggagawa nito. Ngunit naisip ni Marciano na hindi alam ni Evanston ang kaniyang nararamdaman sa tuwing ginagawa niya ang mga ito. Mas lalo lang naguguluhan si Marciano dahil dito. "Sandali! I'm just kidding. Wait!" Hindi na ito pinakinggan pa ni Marciano at mas binilisan na lang niya ang paglalakad. Malapit na sila sa kanilang mansion nang maabutan siya ng lalaking. Humihingal ito na para bang sumali sa marathon dahil sa pagod. Kahit hindi naman malayo ang tinakbo niya. "Bro, what mammal are you? Ang bilis mong maglakad." Tumigil si Marciano at nilingon ang lalaki. Nakahawak ito sa kaniyang mga tuhod habang hinahabol ang paghinga. Nakatingal rin ito kay Marciano na naging dahilan kung bakit umiwas na naman ng tingin ang huli. "Ayoko lang na maabutan nang dilim sa daan. May mga aswang dito at baka kainin pa nila tayo," sabi ni Marciano. Mabuti na lang ay hindi ito nautal. Tumawa naman si Evanston. Kaya muling lumingon si Marciano rito. Nakatayo na ito ng tuwid habang nakahawak sa kaniyang baywang. "Wait what? Aswang kamo? Naniniwala ka ba roon?" Tumatawa ito dahil sa panahong ito'y nakakilala pa siya ng lalaking naniniwala sa aswang. Sumama ang tingin ni Marciano. Naiinis na ito sa tinuran ng lalaki. Kung ayaw niyang maniwala ay wala siyang pakialam. Kaya muli na itong tumalikod at iniwan ito roon. Hindi niya kailangang makipag-argumento rito dahil alam niyang wala siyang mapapala. Narating niya ang kanilang mansion na nakasunod lang sa kaniya si Evan. Hindi niyo ito pinansin hanggang sa makapasok siya sa loob na siyang sinalubong naman siya ng kaniyang ina. Humalik ito sa pisngi ng Ginang at agad siyang nagpaalam na aakyat na sa kaniyang kuwarto. "Marciano, hey!" Hindi niya pinansin ang lalaki at nagtuloy-tuloy lang siya. Kinagabihan nang maghapunan ay tahimik lang si Marciano. Katabi nito si Evanston na kausap ang kaniyang ama. Kaya kalmado siyang kumakain, dahil wala kay Evanston ang atensiyon niya. "So how's your day, Marciano?" Mula sa pagkayuko ay umangat ang kaniyang tingin. Ibinaling niya ito kay Gregory, ang kaniyang ama na nakatingin din sa kaniya. "It's fun," maikli niyang sagot. Napansin niya sa kaniyang peripheral vision si Evanston na nakatingin din sa kaniya. "Well, that's a good idea. Hindi iyong kinakanti mo ang mga anak ng trabahente rito," ani ng ama. Pinaikot lang ni Marciano ang kaniyang mga mata at agad na ibinaling ang pansin sa pagkain. Sa tuwing kumakain sila ay ganito na lang palagi ang naririnig niya. Palagi siyang sinusuway ng ama kahit na wala naman siyang ginagawang mali. 'Magsisimula na naman siya.' Sa isip nito. "Totoo pala iyong kinukwento ni Tata Lando? You're a mischievous man, hah." Ngumisi si Evanston. Dahil sa inis ni Marciano ay uminom lang siya ng tubig at agad ding tumayo mula sa pagkakaupo. "I'll go first," anito at hindi na hinintay ang sasabihin ng mga kasama sa dining area dahil agad siyang lumabas. Imbes na sa kaniyang kuwarto ito tumuloy ay lumabas siya ng kanilang bahay. Sinundan ni Evanston ng tingin si Marciano nang lumabas ito. Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kaniyang mukha habang iniisip kung bakit sa iba ay maloko ito ngunit hindi naman niya makita ang ugali nito 'pag siya ang kasama. "Kumusta naman ang pag-stay mo rito?" Naibaling niya ang tingin kay Gregory. "Well, I had a great day. Your place is actually beautiful. I could stay for a year or forever," nakangiti na nitong sagot. "I love nature. I love traveling alone and I found this place, it made me feel like I was destined to be here." Iyon ang una nitong maramdaman nang makapasok siya sa Hacienda. Na tila ba, pinagtapo sila ng lugar para magkita. Buong buhay niya, hinahanap lang niya ang sarili at marami nang lugar siyang napuntahan ngunit kumpara dito sa Hacienda de Hidalgo, ito ang pinakagusto niya sa lahat. "We're happy to know that," sabi naman ni Leticia. Nakangiti rin ito kay Evanston dahil sa labis na kasiyahan sa narinig mula sa binata. – Natapos ang hapunan nila habang nagkukuwentuhan. Nagpaalam na ito sa isa't isa at umakyat na rin si Evanston sa kaniyang kuwarto. Ngunit nang malapit na siya sa mismong pinto ng kuwarto ay napatingin siya sa pinto ni Marciano. Lumapit siya rito at kumatok. "Marci? Are you there?" Ngunit ilang segundo ang lumipas ay walang sumagot. Kumunot ang noo nito. Kaya sinubukan niyang pihitin ang door know ng pinto at nalaman niyang bukas ito. Tuluyan niyang nabuksan ang pinto. Tumingin muna siya sa paligid at saka pumasok sa loob. May maliit muna itong hallway bago ka tuluyang makapasok sa mismong kuwarto. Nang marating niya ang loob ay namangha siya, ito ang unang beses siyang makapasok dito. Maganda ang kuwarto ng lalaki, malinis at malawak. Kompleto sa gamit. Karamihan sa gamit ay mga luma na ngunit hindi pa rin ito kumukupas. "Marci?" tawag niya kay Marciano ngunit wala namang sumasagot. Wala rin siyang naririnig na lagapas ng tubig mula sa banyo. Kaya lumapit siya sa nakabukas na bintana at pinagmasdan ang labas. Kumunot ang noo nito nang makita si Marciano sa labas. Nasa lilim ito ng puno habang naninigarilyo. Umiling-iling siya at saka muling pumasok sa loob. Lumabas siya ng kuwarto nito't pinuntahan ang lalaki. "What's up?" agad nitong bungad nang makalapit siya. Hindi s'ya nagpaalam pa kay Marciano dahil agad siyang naupo sa kaniyang tabi. Maliwanag naman puwesto nila. Magandang tambayan lalo pa't kita mo ang langit na punong-puno ng mga nagkikislapang bituin. Ang simoy ng hangin ay hindi naman malamig ngunit masarap sa pakiramdam. Ang mga kuliglig ay nag-iingay rin sa paligid. "Ba't ka nandito? You should be sleeping now," ani ni Marciano. Pinatay na nito ang sigarilyo niya'y itinapon iyon sa tabi. "I can't sleep. Kaya sasamahan na muna kita rito." Bumuntonghininga si Marciano at saka lumingon sa tabi. Hindi pa rin niya makuha kung bakit ang lalaking ito'y ginugulo ang kaniyang isipan na minsan ay hanggang sa kaniyang puso. Gusto niya itong itanong ngunit natatakot siyang baka pagtawanan siya ng lalaki. "I know my face is handsome but you can't stare at me like that. Matutunaw naman ako niyan." Mahinang tumawa si Evanston. Kaya sinamaan siya ng tingin ni Marciano. "I-I am not staring at you, fcker!" singhal nito at tumayo na siya. Mas lalo lang nadagdagan ang inis niya sa lalaki. Nang makatayo ito'y agad siyang naglakad ngunit napatigil siya nang hawakan ni Evanston ang kaniyang braso. Bigla niyang naramdaman ang pagdaloy ng kuryente roon. Kaya agad niyang hinila ang kamay at lumingon nang masama kay Evan. "Wow! Easy, dude. Nang-iiwan ka kasi. Don't you know that I hate someone who left?" "Wala akong pakialam. 'Wag mo akong hahawakan," mabilis niyang sagot at mabilis na tinalikuran ang lalaki. As much as possible, ayaw niyang lumalapit dito dahil mas lalo lang siyang naguguluhan sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD