Under The Moonlight
Kabanata 6
“Ilang araw ko nang napapansin iyang pagiging tahimim. May problema ka ba?” Nilingon ni Marciano ang kaibigan nang tanungin siya nito. Magkasama sila ngayon dito sa kanilang bayan dahil tinawagan niya ito.
"Ngayon lang tayo nagkasama ulit, Bia." Tumawa si Bianca at napakamot sa kaniyang ulo. Mannerisms na niya ito sa tuwing nahihiya siya.
"Sorry naman pero bakit ka nga kasi tahimik at himala. Tinawagan mo ʼko para lang manahimik na nang ganiyan?"
Bumuntonghininga si Marciano. Hindi niya alam kung papaano niya sasabihin sa kaibigan ang gumugulo sa kaniya. Nahihirapan siya. Dalawang araw na rin nang huli silang magkasama ni Evanston at dalawang araw na rin niya itong iniisip.
"Nothing. I just wanted to relax. Ang boring sa bahay, walang mapagtripan." Ngumisi siya at saka kinuha ang inumin nitong nasa mesang kaharap nila.
Inikutan siya ng mata ni Bianca. "So pagtitripan mo naman ako?"
"Sawa na ako sa 'yo. I want something new," sagot nito.
May konteng kirot na naramdaman si Bianca sa sinabi nito. Tila ba dalawa ang ibig sabihin nang sinabi ng kaibigan. Ngunit nagsawalang kibo na lamang siya dahil ayaw niyang malaman ni Marciano ang totoo. Ayaw niyang iwasan siya ng lalaki.
Kaya kahit minsan ay pinagtitripan siya nitoʼy tinitiis na lang niya. Nakikita kasi nitong masaya si Marciano at iyon naman ang gusto natin hindi ba?
Na kahit nasasaktan na tayo, basta makita lang nating masaya ang taong mahal natin.
"So, kumusta naman iyong bisita niyo? Pinagtitripan mo rin ba?" Biglang lumakas ang t***k ng puso ni Marciano dahil sa naging tanong ni Bianca.
Naubusan siya nang salitang sasabihin. Hindi rin siya makatingin sa babae. Ano baʼng isasagot niya? Na ginugulo ng lalaki ang isipan niya?
“W-What do you mean?” tanong nito pabalik. Sa labas siya nakatingin dahil sa kakaibang tingin na ibinibigay ni Bianca. “And don't look at me like that.”
Si Bianca naman ang napabuntonghininga na inakto ni Marciano. Umiiling-iling siyang kinuha ang inumin nitong binili ng kaibigan. Red velvet, paborito niya ito. Kahit hindi na niya sabihin kay Marciano kung ano'ng gusto niyang inumin ay alam na nito kaagad ang kaniyang gusto.
"Wala! Gusto ko lang na itanong. May masama ba?" Pinakunot nito ang noo habang nakatingin sa kaibigan. Natutuwa siyang pagmasdan si Marciano na hindi mapakali sa kinauupuan nito.
Pakiramdam kasi niya'y may hindi kinukwento ang kaibigan niya sa kaniya. Kaya gusto niya itong malaman. Dahil kilalang-kilala na niya ang binata, kapag may tinatago ito ay hindi makatingin sa iyo nang deretso.
"Stop looking at me, Bia!" singhal ni Marciano. Parang may bulate ang puwet nito dahil sa hindi siya mapakali sa kinauupuan. Palipat-lipat ang tingin niya sa gawing kanan at kaliwa. Ayaw man niyang mahuli ang tingin ng kaharap ngunit napapansin pa rin niya ito.
"Kilala kita. May itinatago ka ba sa akin?" deretsahang tanong ni Bia. Ayaw na kasi niyang magpaligoy-ligoy pa. Isa pa, kung hindi mo tatanungin ang lalaking ito'y hinding-hindi ito magkukuwento sa 'yo.
Bumuntonghininga si Marciano. Marahan niyang ibinaba sa mesa ang paborito niyang inumin na palagi nitong binibili. Tumingin siya nang deretso kay Bianca na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya.
Nag-aalinlangan siya. Gusto niyang itikum ang bibig ngunit gusto niya ring sabihin sa kaibigan ang gumugulo sa kaniya. Alam nito ang mga posibleng mangyari.
Sa panahon nila, ang gano'n klase ng seksuwalidad ay hindi pa gaanong tanggap ng iilan. May mga sarado pa ang isip. Hindi ka nila maiintindihan. Imbes na suportahan ka, mas lalo ka nilang huhusgahan.
Kaya natatakot si Marciano, ayaw niyang kumpirmahin ang totoo at ayaw rin niyang malaman ito ng iba. Hindi pa rin naman siya lubos na sigurado sa nararamdaman at hangga't maaari, nais niya itong iwasan.
"Don't mind me. I'm not yet ready to tell everything," ani na lang nito. Ayaw niyang magsinungaling kaya niya iyon nasabi. Hindi man niya direktang sinabi ang rason, alam nitong maiintindihan na siya ng kaibigan.
"Fine. You know I'm always here to support you." Ngumiti si Bianca. Mula sa puso ang kaniyang sinabi. Mahal niya si Marciano, kaya kahit saan man ito sasaya ay susuportahan niya.
—
Nang hapong iyon ay nag-aya nang umuwi si Bianca. Pupuntahan pa raw kasi nito ang ama sa kanilang shop. Kaya sakay ng kotse ni Marciano ay agad niyang inihatid ang kaibigan sa shop nila.
"Pupunta ako bukas sa inyo," sabi ni Bianca nang makarating sila sa tapat ng shop. Binuksan na nito ang pinto ng kotse at saka lumabas doon.
"Jusr do whatever you want. Dalhan mo lang ako ng bulaklak," sagot ni Marciano.
Hindi pa tuluyang lumabas si Bianca dahil muli siyang lumingon sa kaibigan. Nagtataka niya itong tinignan. Flower shop ang negosyo nina Bianca. Dalawa ang klase ng binebenta nilang bulaklak. Iyong iba'y pang-regalo at iyong iba'y mga halaman.
"Ano'ng gagawin mo ro'n? Ngayon ko lang nalaman ba mahilig ka pala sa bulaklak."
"Just bring it, Bia. Ilalagay ko sa kuwarto ko." Inikutan niya ng mga mata si Bianca.
"What kind of flower?"
"I don't know. Just bring whatever you like," sagot nito. Tumango lang si Bianca at lumabas na ito nang tuluyan. Isinara niya ang pinto ngunit hindi pa ito umalis hangga't hindi pa umaandar ang kotse ni Marciano.
"Pakikumusta lang ako kay Evanston." Tumango lang si Marciano at agad na itong umalis doon.
Umuwi siya sa kanilang Hacienda. Nang makarating siya roon ay naabutan niyang palabas ng kanilang bahay si Evanston. Nakasuot ito ng polong kakulay ng langit. Nakabukas ang lahat ng butones nito kaya kita ang hubad nitong katawan na kumikintab din sa pawis. Shorts at tsinelas naman ang suot nito sa baba. May suot din itong shades na animo'y mataas pa ang sikat ng araw kahit na palubog na ito.
“You're here? Wanna join?” bungad na tanong sa kaniya ng lalaki.
“M-May gagawin pa ako,” mabilis nitong sagot. Aalis na sana siya ngunit mabilis na nahawakan ni Evanston ang kaniyang braso na siyang nagpatigil kay Marciano.
Kaba ang unang dumaloy sa katawan nito. Hindi siya makagalaw at hindi man lang magawang itulak ang lalaki. May naramdaman din siyang kuryenteng dumaloy sa katawan nito.
"Bakit mo ako iniiwasan?" tanong sa kaniya ng lalaki. May riin at may halong inis sa kaniyang boses.
Bakit? Bakit siya naiinis? Hindi maintindihan ni Marciano iyon. Sa isip niya'y mas lalong naguguluhan.
Dalawang araw na niya kasi itong iniiwasan. Akala niya'y hindi siya nahahalatan ng lalaki ngunit heto't tinatanong siya.
"Marami lang akong ginagawa and besides, we're not that closed para iwasan kita. Just let me go," mahina nitong sabi. Mabuti na lang ay hindi siya nautal dahil mas lalo siyang mahahalata ng kaharap.
"I-I just wanted to know. I'm sorry," sabi ni Evanston at mabilis siya nitong binitiwan. Hindi na rin nagpaalam dahil agad itong umalis sa kaniyang harapan.
Humugot nang malalim na buntonghingina si Marciano. Mas lalo tuloy gumulo ang isipan niya.
Bakit gano'n ang inakto nito?