CHAPTER 7: Miss Bright Smile

1593 Words
"Hi Jace!" Napaupo ang isang babae sa tabi ni Jace sa isa sa mga study sheds ng University. It was just 8:30 in the morning. Kasalukuyang nagbabasa siya ng notes dahil may long quiz sila sa isa sa mga major subjects nila sa hapon. "H-Hi Gwen.." Nahihiya niyang tugon at bahagyang napayuko pa. Ito na naman ang pakiramdam na tila inatake ka sa puso sa sobrang kaba. Hindi naman kasi niya inasahan na may tatabi sa kanya at sa lahat ba naman ng tao? Bakit ang crush pa niya? Parang gusto na niyang lumubog sa kinauupuan o kaya mawala na lang na parang bula sa sobrang hiya kahit man lang ang tumingin sa mukha ni Gwen. "Would you mind if I sit here with you? Mamaya pa namang 10:00am ang pasok ko." Kasabay noon ang pagpapakita niya ng ngiti ng kasiyahan kay Jace. Hindi naman nito mapigilang matameme ng kaunti. Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat na halos hindi na alam ang isasagot sa kanya Before he answer anything, she decided to instantly sit in front of him as she chuckles. "Nakakatuwa ka talaga, alam mo ba 'yun?" She locked both of her hands at dahil magkaharap sila ay hindi mapigilan ni Gwen ang mapaobserba sa maaaring maging facial expressions ni Jace. "Tama nga ang sinabi nila, mahiyain ka lang at tahimik, pero you know, there's something in you that I like the most." She continued, straightforwardly while directly looking at his eyes. "Akala mo lang 'yun. Madaldal naman ako kapag trip ko pero most of the time, hindi ko lang gustong magsalita kung alam kong walang saysay lang din naman ang mga sasabihin ko." He said as he smiled meekly trying to meet her gaze at the same time. "Hala...sorry, Am I becoming much of a talkative for you?." Sabi niya at lumukot ng kaunti ang mukha niya as she gave a very apologetic look. Bigla namang nakaramdam ng guilt si Jace sa binitawan niyang mga salita. Dinadaldal pala siya ngayon ng crush niya. "Well, there would always be an exemption. Kung kasing ganda mo naman ang kakausap sa akin? I won't mind at all and the pleasure would always be mine." He muttered as one of his eyelids flickered. "What?!" She chuckled. Masyadong mahina ang sinabing iyon ni Jace kung kaya't napalapit siya ng mukha niya sa kanya. "Ang sabi ko, maganda ka po!" Napatawa ng mahina si Jace at napatingin bigla sa namumulang mukha ni Gwen. "You...really got me there!" Sagot niya at napahampas pa ng mahina si Gwen sa braso ni Jace as she jokingly frowned. "Hmmm, ano nga pala ang nakakatuwa sa akin? Naalala ko sinabi mo ‘yan kanina sa akin bago ka napaupo dito..." Pag-iiba ni Jace bigla ng usapan. Lumukot ng bahagya ang noo nito as he gave her a little questioning look. Hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi niya. Sa tingin naman ni Jace, parang inaalala niya ang sinabi niya. Her face suddenly lightened as she smiles. "Ah! yun, kasi...you're a mysterious type of guy. You're different from the others. For me, you're like a mystery that's longing to be solved." Sa wakas ay nasabi niya sa harap mismo ni Jace. "Siguro sabihin na lang nating hindi ko lang trip gawin ang mga nakagawiang gawin ng iba. I don't usually get along with others kapag wala ako sa mood. I'm an introvert type of a guy. Madalas ngang napagkakamalang walang pake sa mundo." napangiti naman si Jace pagkasabi noon. Napatango naman si Gwen bilang tugon. “Pero hindi naman totoo ‘yun, hindi ba?” “Oo, kasi kapag gusto ko nang kausap, nagtatagal din naman ang kwentuhan. Hindi naman ako nauubusan ng topic kapag interesting talaga ang pinag-uusapan.” Nakita niyang napatango si Gwen habang nakangiti. Hindi niya mapigilang matuwa sa pag-uusap nila ng babaeng nakabihag yata sa puso niya. Ito na ba ang tinatwag nilang kilig? "’Yun nga lang, may mga pagkakataon talaga na wala ako sa mood makipag-usap kahit na nagsasama na kaming lahat ng mga barkada ko. And I guess iyon ang sinasabi mong kaiba sa akin.” “Bakit naman?” “Ako na lang daw ang wala pang girl friend…” Medyo mahinang naisambit niya kay Gwen. Medyo nanlaki naman ang mata niya sa sinabing iyon ni Jace. “You got to be kidding me…” Sagot naman ni Gwen sa kanya habang nakalagay ang kamay sa bibig ninya. “Totoo nga...miinsan nga pinagtutulungan ako ng mga barkada ko, bakla daw ako...ppfftt..." Dugtong pa ni Jace na hindi napigilang mapatawa. "I guess you’ll find one really soon. Just don’t lose hope." She looked at him with full of amazement habang nakangiting nakaharap sa kanya. JACE’S POV Kainis! Bakit ganito ang nararamdaman ko sa tuwing makakasalamuha ko ang babaeng ito? Kusa ang pagbilis ng t***k ng puso ko na animo'y kinakabahan na masayang masaya. Hindi ko alam minsan kung normal pa ba ang takbo ng isipan ko sa tuwing siya'y lumalapit. I am somehow relieved when she instantly started the conversation. Ako mismo ay namangha dahil likas sa kanya ang pakikipagkaibigan na ganoon na lamang kadaling makapalagayan siya ng loob. Magaan siyang kausap at nakakatuwang pakinggan ang mumunti niyang halakhak sa pagitan ng mga corny kong jokes. The way I would look at her, she's very sweet and simple. Hindi lang iyon, ang ngiti niya ring kabigha-bighani ang nakakuha talaga sa aking atensyon. Siya 'yung tipong tatawa at ngingiti na hindi man lang conscious sa kanyang magiging ekspresyon ng mukha niya sa iba. Her happiness comes from simple things lalong lalo na kapag ang mga magiging topic ay interesting sa kanya. I learned that she's into sports at favorite hobby niya ang basketball at badminton. She also prefers to wear T-shirt at simpleng maong pants pagdating naman daw sa mga pormahan at mga lakad niya. The way I would look at her, she's more of a tomboyish type of a girl na walang masyadong arte sa katawan, sa ugali at sa pananalita pero lumilitaw pa rin talaga ang angking kagandahan niya sa kabila noon. Ngunit ang nagustuhan ko talaga sa kanya ay ang pagkahilig niya sa gitara. marunong siyang gumawa ng mga kanta at kung minsan ay siya na rin ang kumakanta at nirerecord naman niya ito sa voice recorder ng cell phone niya. "Ang ganda..." Halos hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko pagkatapos niyang iparinig ang nai-compose niyang story. Badtrip! Napaurong na ata ang dila ko dahil masyado itong maganda na hindi ko halos alam kung paano ito isalarawan. "Talaga? naku salamat Jace ha! A compliment from you is like everything for me!" She happily put both of her hands in the air at napatawa sa sobrang galak. "Sus...maganda naman talaga." Pinaseryoso ko na ang pagkakasabi noon at hindi na nakuha ang mga ngiti sa labi niya. Agad niyang inilagay ang cell phone niya sa bulsa at napatingin sa wristwatch niya. "Hala...sorry ha, but I need to go. Ten minutes na lang pala at 10:00 A.M. na. Masaya ako na nakapag-usap tayo. So long, Jace! kita na lang tayo sa pub. Marami pa akong ikukwento sa'yo." Nakangiting napatayo siya sa kinauupuan niya sa harap ng table na katapat kung saan din ako nakaupo. I lift my hand as if waving goodbye 'nung medyo malayo na siya at napalingon pa sa kinaroroonan ko. She's undeniably beautiful..tipong mahuhulog ata ako at ang aking atensyon kasama na pati puso ko. Natapos na ang last subject ko at napagpasyahan kong maglog-in sa logbook ng publication office namin. Nakagawian ko na sigurong mapatambay muna doon ng ilang minuto bago umuwi at minsan naman ay marami akong inaayos na mga gamit doon kaya siguro nasasanay na rin ako. "'Uy!" Nagulat naman ako ng bahagya ng may kumalabit sa likuran ko, boses babae. Bigla naman akong napakamot sa ulo habang nakangiti. "Bakit ka naman andito?" Sagot ko sa kanya. Napayuko siya bigla na tila ba nahihiya. Hindi rin siya makatingin ng diretso sa mata kong nakatitig sa kanya. "I was looking for someone..." Pangiti niyang sabi habang nakatingin sa baba. Naging awkward ang sitwasyon dahil kami na lang siguro ang nanduon sa office at mangilan ngilan na lang ang mga estudyante ang naroroon sa paligid dahil nagiging makulimlim na ang panahon. Kapansin pansin ang pagbabadya ng malakas na ulan kaya siguro ang ilan ay ginusto na lamang na umuwi keysa tumambay pa sa iba't ibang sulok ng University. Marami na rin akong nakikitang palabas na mga estudyante sa maingate at 'yung iba naman ay patakbong naglalakad palabas, mapaestudyante man o guro na naroon pa. "Sino naman ‘yon? Kung hinahanap mo si Brianna, sorry pero hindi ko siya nakitang napadaan dito." Napalingon pa ako ng kaunti sa paligid, baka sakaling mahagip pa ng tingin ko ang matalik niyang kaibigan kung mapadaan man sa parteng iyon ng University. Nang hindi ko makita si Brianna, idinako ko na naman ang tingin ko kay Gwen na nasa harap ko lang, at medyo malapit na sa kinatatayuan ko. We’re almost less than half a meter apart. "Nagmamadaling umuwi 'yun palagi eh..." Mahina kong sabi kasabay ng pagtingin ko sa maamo niyang mukha. "A-Ah...kasi...ano eh..." Halos putol putol niyang sabi at napakagat pa sa kanyang ibabang labi. I find it very cute lalong lalo na kapag nahihiya siya, parang hindi ko gugustuhin na mahiya ang isang Gwen Buenaventura dahil confident kasi siyang babae base sa pag-uusap namin ilang oras lang ang nakalipas. "I was actually looking for you." She said while meeting my gaze.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD