CHAPTER 6: Wonderful moments with you

1578 Words
JACE'S POV Hindi ko napigilan ang sariling mapatingin sa kaliwa ko. Heto ako ngayon at inaalalayan si Jennica. Minsan, mahirap talagang intindihin ang mga babae dahil kung anong gustuhin nilang mangyari, gagawin talaga nila. Yup, they’re always like that. They’re too unpredictable most of them end up being messed up. "No! you can't stop me from going somewhere! Ano ba kita ha? stop acting as if you're my possessive boyfriend, okaaay?" medyo mataray na sabi niya sabay arko ng kanyang mga kilay at hindi pa rin maalis ang ngisi niya habang naglalakad kami. Napakaingay niya at kung anu-ano pa ang mga sinasabi. Napailing na lang ako sa inasal ni Jennica. This is what I hate about girls sometimes. Sadyang nag-iiba ang kanilang mga anyo at mga ekspresyon kapag nakainom na ng alak. Hindi ko mapigilang ikumpara si Jennica sa ilan sa mga babaeng ito. Totoo ngang makikilala mo ang isang tao kapag nalasing na. Sila na mismo ang nagpapakilala ng mga sarili nila at nagkukwento ng kung anu-ano. I looked at her closely at hindi ko namalayan na lumandas na pala ang tingin ko sa kanyang harapan. Napalaki ang aking mga mata at napalunok pa ako. Just damn it! halos lumuwa na ang mga malulusog niyang dibdib at hakab pa sa kanya ang dress na suot niya ngayon. Kung mangyaring ibang tao lang ako ay nagawan ko na siguro ng kahalayan ang babaeng ito. I closed my fist at bigla kong iwinaksi sa isip ko ang mga pumapasok na kung anong kademonyohan. I should not think about these things dahil kaibigan ko at nakababatang kapatid ni Ken. Naalala ko pa kung paano niya ako pinakiusapan na sunduin ang kapatid niya sa kung saan. "I wish...I wish I...s-sana hindi ba? di'ba?" bigla siyang napahinto at napaharap sa akin at naluluha. Ano na naman kayang iniisip ng babaeng ito? "Jennica...you're drunk...tara malapit na tayo sa bahay ninyo." Seryoso ang tono ng pananalita ko at iyon ang nagpahinto sa paglalakad naming dalawa. Hindi na ako nagdalawang-isip na hubarin ang leather jacket na suot ko. Tiningnan ko siya sa mata habang isinusuot ko sa kanya ang jacket, maingat kong naisara ang zipper sa harap. Sa wakas, nakahinga na rin ako ng maluwag. Mas maigi na ‘to. Hindi ko mapigilang mapatitig sa maamo niyang mukha. Napakalungkot at dismayado ang mga mata niyang iyon na nakatingin din sa mga mata ko. Tinugunan ko rin iyon ng halik sa noo niya at napayuko na lang siya. "Jace, Am I beautiful?" Malungkot niyang sabi. Medyo basag na at malumanay ang boses niya...marahil sa sobrang pagod at puyat. I can see her yawning from time to time while we're taking a quick path going home. "Oo naman..bakit mo natanong 'yan?" Mahina kong sagot habang nakatingin sa mukha niyang napakaaliwalas. "K-Kasi eh..bakit hindi ko iyon maramdaman mula sa'yo?" Palambing niyang sabi sabay yakap sa isang braso ko. She also leaned her head on my shoulders as we walk slowly. Nakita kong malapit na rin ang bahay nila kaya naman nakaramdam ako ng kaunting kasiyahan. "I'm not vocal when it comes to that. Pero kung talagang curious kang malaman, ang sagot ko'y oo. Maganda ka. Now get inside and don't ever go out once again." Maawtoridad kong bilin sa kanya nang pagbuksan ko na siya ng pinto ng bahay nila. The house is already dim at halatang tulog na ang lahat ng mga tao doon. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, hindi na namin namalayan na narating na pala namin ang bahay nila. Ang ilaw na lamang sa labas ng pinto mula sa entrance ng gate ang nagsisilbing liwanag sa mga dumaraan sa lugar nila Jennica. "W-What about y-your jacket?" Akma na sana niyang huhubarin iyon ngunit pinigilan ko siya. "Diyan na muna sa'yo. It's okay. J-Just don't do that..." Halos mautal kong sabi sabay lunok. Bwisit! Naiinis na ako sa sarili ko at nararamdaman ko ang pang-iinit ng mga pisngi ko. Inayos ko ang pagkakasuot ng jacket sa kanya habang nakatayo kami sa labas ng bahay nila. "Wow! Really? Sige lalabhan ko na lang 'to. Pwede rin namang akin na lang." Napakagat nman siya sa kanyang ibabang labi. Hindi ko mapigilang mapalunok. Naalala ko na naman ang mga labi niyang malaya kong inangkin kanina. Napaiwas naman ako ng tingin at bago pa ako makaisip ng kung ano, marahan ko na siyang itinulak sa loob ng bahay nila. She then pulled my hand at napapasok naman ako sa loob at hindi ko mawari kung bakit napakahigpit ng pagkakahawak niya sa mga kamay ko. I suddenly became very worried. "S-Salamat Jace...for bringing me home safe. I l-love you!" Sabi niya sabay talikod at patakbong tinungo ang kwarto niya. napatawa naman ako at napailing sa inakto niya noong mga sandaling iyon. Dali-dali na rin akong lumabas para makapagpahinga na rin sa bahay. At least, I’ve done my part but I can never forget how my night will about to end. --- JENNICA'S POV Patakbo kong tinungo ang kwarto ko. Sa totoo lang, marami akong nainom kanina. Sadyang talent ko lang siguro ang hindi tinatablan agad ng alak kaya naman ginawa ko ang lahat para magmukhang kapani-paniwala sa harap ni Jace. Sana hindi niya ako nabisto na hindi talaga ako lasing. Dali-dali kong binuksan ang pinto sa kwarto ko at napahiga sa kama. I grabbed my pillow at napatili ako habang tinatakpan ang aking bibig. Oh my God! This feeling of complete happiness! Hindi ko maipaliwanag ang saya ko nang mga sandaling iyon. I will consider it one of the glorious moments in my life.. Daig na daig ko pa ang nakatira ng enervon na isang box at gusto ko pang mapasayaw ng wala sa oras. Literal na napatalon ako sa kama ko sa sobrang tuwa! "Yes!!!" Para akong baliw na tumatawa at napahiga na naman ako sa kama ko na nakangiti. I put my hands on my lips and I smiled as if there's no tomorrow. As I gently touched my lips, I can still feel his lips brushing against mine..savoring and lingering every sensations that he's bringing to my entire body. His lips sent million bolts to almost everything in me. I can still smell his manly scent that's intoxicating my entire being. Lustful, passionate and wild. Napalunok ako. Kakaiba ang ipinaramdam niya sa akin nang mga sandaling iyon. Given that it's his first kiss and yet I guess ako pa mismo ang natameme sa mga sandaling iyon because he's a fast learner. Mabilis siyang natuto at siya na mismo ang nagdala ng halik na iyon. I was too shocked then, because of those sweet sensations that he's bringing me, I stepped back and I never knew I was also the one who ended that moment. "Aray!" Sa sobrang katangahan ko ay nauntog pa ang ulo ko sa mini chandelier na nakasabit sa kisame ng kwarto ko. Sa sobrang talon, bukol ang inabot ko. Kainis! I slowly massaged my head that's aching pero hindi pa rin mawala ang ngiti ko. It was surreal...that kiss. And I find myself even loving him even more. --- Mag-uumaga na nang tuluyang matapos ang kasiyahang iyon sa hotel. Unti-unti na ring pumupunta ang mga staffs sa kani-kanilang ipinareserve na kwarto. Dali dali namang pumasok si Brianna sa room 116. Pagkapasok niya sa kwarto ay agad na bumungad sa kanya ang isang babaeng nakasuot na simpleng dress at nakangiti habang kaharap siya. It’s too obvious that this woman have been waiting for Brianna for a couple of minutes she can see her getting impatient amidst the charming smile she’s flashing in front of her. "Girl, eto na!" She excitedly shrieked while holding her both of her hands. "Talaga? ano 'yung number niya friend?" tanong ng kanyang kaibigan habang inihanda ang dialer pad ng cellphone niya. Kaagad namang sinabi ni Brianna ang number na iyon ni Jace sa kaibigan. "I love you so much dearie!" Nagbeso pa ang kaibigan niyang iyon sa kanya. ngumingiti pa niyang isinisave 'yung number na iyon. Nakangiti lang ito habang tinitingnan ang numero ni Jace na sa wakas ay nasa kanya na. "Gwapo naman talaga si Jace. No wonder maraming nagkakandarapa mahingi number niya, pero friend eto ha...he's not an easy type of guy. I can't even tell what's in his mind." A flash of smile formed on her lips when she heard that. Well, she can’t help but be more excited about her future plans. "What's wrong with being friends with him first, right? we can never tell." She confidently answered Brianna who is looking puzzled this time. Napahalukipkip pa ito nang malaman niyang hanggang doon lang ang pabor na hiningi ng kaibigan niya sa kanya. Hindi nga niya sinabi kung ano ang susunod niyang gagawin. "Good luck friend! good luck talaga. Ignorante 'yang lalakeng 'yan eh. He's cold at hindi 'yan namamansin kaya ewan ko na lang sa'yo." Nakasimangot na si Brianna ng mga sandaling iyon. They are now lying on their beds dahil iisang kwarto lang naman sila. "I don't think so. The way he smiled at me? it's different my dear." Nakangiti lang siya ng tipid kay Brianna habang nakatingin sa malapad na kisame. Nakatingin naman si Brianna sa kanya sa gilid niya. "Time for him to change his way of taking thinking and doing things through his own perspective. I'll surely take care of him." She said that thoughts to herself. "Makikipagkaibigan lang ako, Brianna. 'Yun lang 'yun, okay?" She smiled...a meaningful one.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD