CHAPTER 5: Jace's first

1508 Words
"Jace wait up!" Humahangos na tinungo siya ng isa sa mga staffs ng pub. Napakunot naman ang noo nito at pabiglang nilingon ang tumatawag sa pangalan niya. Isa iyon sa mga naging kaibigan niya na nakilala niya sa school publication dahil member din ito. "Uy, Brianna...bakit?" "Don't go yet. May sasabihin pa ako." Nakangiti pa siya habang papalapit sa kinaroroonan ni Jace habang may dinudukot sa bulsa ng jeans ng pantalon niya. "What's that?" "Pahingi pala ng number mo." Natawa ng bahagya si Jace sa sinabing iyon ni Brianna. Kumunot naman agad ang noo niya dahil sa biglaang tanong ng bagong dating niyang kaibigan sa bahaging iyon ng hotel. "Meron na tayong records doon sa office ng mga numbers ah...di'ba may number mo na rin ako?" Pagtatakang tanong niya. She pouted her lips as her way of response while looking at him. "Tsk...ano ka ba? I left my phone at home, the one that I saved your number to...back up phone lang 'yung dala-dala ko, and mukha ba akong tagadala ng log books? duh, Jace!" Hindi nito napigilang magpamewang dahil sa sagot ni Jace sa kanya. "Bakit big deal 'yung number ko? anong meron?" "Andami mo pang satsat eh...akin na nga 'yung phone mo!" Pahablot na kinuha ni Brianna ang phone ni Jace. He sighed at umiling iling. "'Asan na?" She kept on searching on his phone at bigla namang sinabi ni Jace ang digits bigla at napangiti. Napakunot naman ang noo ni Jace sa kinikilos ni Brianna. Paano ba naman, biglaan itong sumulpot kung saan-saan tapos manghihingi agad ng number niya. That's too weird. "Oh, ayan na ang phone mo. Thank you! Got it!" Palibhasa ay magaling sa memory games si Brianna ay naisaulo niya agad ang number niya. Takang taka pa rin ang mukha ni Jace noong mga sandaling iyon at sinundan naman niya ng tingin ang papalayong kaibigan. -- JENNICA’S POV Sinadya ko talaga na gumala sa club malapit lang sa pinagdausan ng party nila crush. I admit I have this attitude wherein dapat maging updated ako sa kanya...it's not really stalking pero kaligayahan ko na kasi ang malaman kung nasaan siya, kung ano na ang ginagawa niya...this is literally crazy! I knew it! Hindi rin nagpapahinga ang mga mata ko sa pagtutok sa mga papalabas na mga tao sa hotel. Baka kasi malagpasan niya ako nang hindi ko namamalayan. Hindi ko kasi mapigil ang nararamdaman ko. I want him being close to me always. Naglalakad ako sa daan. I'm a little bit tipsy pero alam na alam ko naman sa sarili ko na hindi naman ako lasing. I went out of that club pagkatapos magpaalam sa mga kaibigan ko. Minabuti ko pang tunguhin ang kalapit na hotel na kinaroroonan ni Jace. Sana nga maabutan ko siya para sabay na lang kaming umuwi. Pahangos kong tinakbo ang hotel na iyon at nang sa wakas ay nagawi na ako sa may bandang lobby ng exit ay tyempo namang naglalakad si Jace at nagkabungguan pa kami ng bahagya. I automatically smiled. It's always this kind of feeling whenever I have this close encounter with him. Amoy na amoy ko ang kanyang pabango. It's one of the most popular cologne brand na panlalake. Maraming lalaki ang gumagamit ng ganitong pabango pero sa kanya lang bumagay. "You're drunk. Tss" Casual niyang puna sa akin habang seryoso niya akong tinitingnan. I could feel my cheeks getting warmer. "No, I'm not!" Depensa ko namang sagot. "Let's go. Tama ang pakiramdam ko, maaabutan mo pa ako dito. Sabay ka na lang sa akin dahil pauwi na rin ako." "Sige." Tipid kong sagot at hindi ko naman napigilang ngumiti. Kasama ko na ulit siya. Nagsimula na kaming humakbang. Siyempre, bilang usiserang babae, I can't help but to be curious. "How was the party?" Biglang tanong ko sa kanya. "Ok lang." Seryoso niyang sagot. Ni hindi nga niya ako nilingon. "Oh..." "Kamusta ang gala?" "Masaya!" I Nakangiti kong sagot at nagpatiunang lumakad sa harap niya. I pabaliktad ang paglalakad ko at siya naman ay naglalakad paharap sa akin. We're facing each other literally while walking. "Baka matapilok ka 'niyan...andami mong alam..." Tipid din siyang ngumiti...at tuluyan ko ngang nakita ang dimples niyang charming sa paningin ko. Dahil siguro sa trip ko at sa paraan ng paglakad, hindi niya napigilang matawa. Well, I love to see him happy, most especially if I am the one who'll gonna do it for him. Haay... I looked into his eyes. Gustong gusto ko talaga kapag nakainom ako dahil nagkakaroon ako ng lakas somehow to look at him directly into his eyes and meet his gaze. Palagay ko kapag nakainom ako, I am having all the courage in the world to meet that eyes...ang nakakapaso niyang tingin na nagpapatuyo sa lalamunan ko. "Siyempre, papansin..." I put both of my hands on my waist and slowly walked backwards, siyempre nakaharap sa kanya. He chuckled at patuloy lang sa paglalakad. Palibhasa'y wala nang masyadong sasakyan at mga tao sa daan kung kaya't parang itinuring na rin namin na amin ang malapad na kalsada na naiilawan ng mga poste ng kuryente. Idagdag mo pa ang liwanag ng full moon na animo'y nakangiti sa amin nang tagpong iyon. Ang sarap sa pakiramdam, hindi ko naman mapigil ang aking sarili na ngumiti ng labis dahil magkasama kami ni crush… Patuloy pa rin ako sa paglalakad nang biglang maipit ang heels ko sa gutter ng daan. When I thought that I will have a bad fall, Jace, in one swift motion, suddenly took hold of my waist at napayakap ako sa kanya. I shriek came out from my mouth at lumaki rin ang mata ko. That was too close to be out of poise! Sa harap ba naman ng crush mo! Gosh nakakahiya talaga kapag nagkataon... We stayed in that position..siya na napayakap sa beywang ko habang ako naman ay napahawak sa dibdib niya at para bang naikulong niya ako sa kanyang mga bisig. I can't describe the heartbeat of my heart from that point of time...pabilis ito ng pabilis habang unti-unting nagtatama ang aming mga mata. He hugged me closer to him and I can almost smell his musky, sexy scent at napakagat labi naman ako habang nakatingin sa mga labi niya. God! Jace! I closed my eyes and smiled a bit...'yung pigil na smile na parang teenager na excited halikan ng mahal niya. That feeling resembled to a princess waiting for her prince charming's magical kiss. Hindi kalauna'y naramdaman ko ang mga labi niya sa noo ko. I felt a warm feeling that tingles from the top of my head to the tips of my toes. Sweet and sincere. Iminulat ko ang aking mga mata at tinaasan ko siya ng kilay. "Jace...bakit?" I said, gathering all the courage that I have to asked him that. Garalgal na ang boses ko ng mga sandaling iyon. Chaotic emotions rumble throughout my entire being. "Jennica, you're drunk for pete's sake! I don't want to take advantage of you..." "Then if you don't, let me..." It was crazy, I know I will be dead, pero tutal, alam niya namang lasing ako, it was more of a go signal para sakyan ang sitwasyon. I suddenly grabbed his head and brushed my lips unto his. I kissed him as if wanting him to know how I badly wanted him and only him from that very moment. I closed my eyes as I moved my lips and I was plainly shocked when I feel that he responded to the kiss that I initiated. It lasted for a minute at 'nung napaatras ako ay natulala naman siya ng husto at hindi ko naman napigilang mapangiti, while licking my lips, as he watch me. Hindi naman niya napigilang mapalunok ng laway. Narinig ko pa ang mahinang mura mula sa kanya sa ginawa ko. Palipat lipat siya ng tingin sa mukha ko at napapayuko pa..I can see his fists was closed and he's frowning. "s**t Jennica...that was my first kiss...how could you?" Mahina pero nadinig ko ang lahat ng mga sinasabi niya. I pretended to be tipsy as I touched one of his cheek. Patay talaga ako kapag mahahalata niya na hindi talaga ako one hundred percent na lasing. Naglakad ako ng pasuray suray papalayo sa kanya, ikinabigla ko naman ang kanyang pag-alalay sa akin. He grabbed my arm and put in on his shoulder. "Jace..." I tried calling his name but he seemed to not care. He frowned so bad as he avoids my gaze. Nakatingin lang siya sa daan habang inaaalalayan ako sa paglakad. Well, best actress naman ako at kinareer ko talaga ang pagiging lasing "kuno". Ganito pala ang pakiramdam na maalagaan ng taong gustong gusto mo. Parang ayaw ko nang matapos ang oras na 'to para sa aming dalawa. Haay. "Kailangan na kitang iuwi sa inyo. I won't let this happen again Jennica." "The kiss?" I pouted as I say. Hoy Jennica, galingan mo pa sa pag-arteng lasing! "No, not that.." He looked away, na parang nahihiya. "I won't let you go out again." He continued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD