CHAPTER 4: A random encounter

1385 Words
Dumating ang acquaintance party ng publication kung saan naging miyembro si Jace. Naging masaya ang party na iyon. Normal na rin sa kanya ang magbigay ng intermission number dahil sa talento niyang hinahangaan ng iba. The party lasted for many hours. Hindi mabilang ang katuwaan at kasiyahan na masisilayan mo sa mga mukha ng mga taong naroon sa hotel. Nakaupo naman si Jace sa may bandang swimming pool at kung titingnang maigi ay parang may iniisip itong iba sa mga nagiging topiko ng mga kasamahan niya. He's looking from afar when somebody sit beside him. "Jace..." Siniko siya ng kasamahan niya rin. Bahagya niya itong nilingon at nakita niyang tumaas-baba ang kilay ng kaibigan niya habang nakatingin kay Gwen sa tapat lang nila. Nakikipag-usap ito sa ibang mga staffs at halata ang pagiging masayahin nito. Hindi napigilan ni Jace na mapangiti rin ng tipid pero makahulugan. Napabaling na rin ang tingin niya sa tinutukoy ng kaibigan niya. "Sus, bistado ka na...crush mo si Gwen noh?" Pang-aasar ni Ken. "I don't know...maganda siya..." Tumango-tango naman si Jace bilang pagsang-ayon. Biglang uminit naman ang pisngi nito sa sinabi ng kaibigan. "Pabebe ka Jace...be a man! lalake ka ba o bakla?" "Upakan kita, gusto mo?" Ngumingiting turan ni Jace sa natatawang kaibigan niya. Nabigla naman silang pareho nang papalapit na si Gwen sa kanila. Bahagyang napatalikod naman si Jace at parang hindi makaharap sa bagong dating. "Ay, Jace, may nakalimutan pala ako doon kila Eric, dito ka muna ha!" Dali-dali namang umalis si Ken at panay ngisi na punong puno ng kahulugan. 'Ayos...iniwan na ako ng lokong 'yun...' sa loob-loob niya. "Nag-iisa ka ata..." Napabaling ang pansin niya kay Gwen. Bigla naman itong hindi mapakali. 'Ni halos hindi siya makagalaw at makapagsalita dahil nakaramdam ito ng hiya at nerbyos. "A-Ah..yeah.." Napakamot sa batok si Jace at ngumiti naman bilang tugon si Gwen. "Ang galing mo pala kanina...no wonder ikaw ang palaging suki ng mga intermission number." From the sound of it, she's making a conversation that would make them comfortable with each other. Jace chuckled and smiled back, as if feeling relieved, too. Hindi naging mahaba ang pag-uusap na iyon dahil palipat lipat din sila ng kausap sa mga kasama sa pagdaan ng ilang mga oras. That was more of a casual talk that happened between the two of them but for Jace, it’s a different kind of feeling. 'Maganda siya...lalo siyang gumanda dahil sa mga ngiti at kislap ng kanyang mga mata habang kausap ako. Mula sa malamyos niyang tinig at marahan niyang tawa whenever I crack a joke that's not even a joke...nakornihan siguro masyado. 'Ba't ganoon? she's charming...kakaiba siya sa lahat. Parang tumigil ang mundo ko kapag nagsisimula na siyang magsalita at parang may sarili kaming mundong ginagalawan...' Sa isip-isip ni Jace habang tumitingin sa kinaroroonan ni Gwen. Mahiyain ito, ngunit madali mo naman ito makakapalagayan ng loob dahil mabait at magiliw sa halos lahat. What he also liked about her is that, she can easily get along with his friends as well. She’s charming and talkative many people within their vicinity is crazy about talking to her. 'Sana magkaroon pa ako ng ilang pagkakataon na makilala ka pa ng husto...Ms. Bright Smile...' -- Jennica's POV Gustuhin ko mang makita ang intermission number ni crush ay hindi ko magawa. Paano, I was stuck into a girl's night out na parang hindi ko pa trip ngayon. I am not really in the mood to stand and be wild, instead, heto ako't nakaupo sa isang couch sa gilid at parang tanga lang na nakikipag-text at chat kung kani-kanino. Kanina pa ako walang magawa sa mga oras na 'to and my frustrations are killing me. Napapagtrippan ko na ang iba. "Jennica, babe...why?" "Sawa na ako. Hindi na kita mahal...break na tayo." "What the hell?" "Bwisit ka, sinisira mo ang araw ko, nakita ko kayo ni Bella na nagdi-date and then what? expecting me to ignore it? damn you!" "Jennica...babe please!" "Please yourself and I don't care." I turned off the chat settings at parang nababagot talaga ako na ewan. Yup, I did break up with Gian. Nakita ko kasi sila ng classmate niya na magkasama kanina, I know it's only for their project making pero bakit ba? nagselos ako ng kaunti so I finally had a reason to break up with him. Kasalanan niya rin kasi, masyado siyang formal. Masyado siyang boring. Ugh! 'Jace...kamusta ka na kaya? My goodness, seriously? hindi mo pinapansin mga texts ko and I'm completely messed up. Nakakainis! Nakakabadtrip! Nakakahigh-blood at nakakabeast mode! Why? of all the guys, parang ikaw lang ang walang pake! ano bang meron sa'yo? ba't ako nagkakaganito?' These are the thoughts that’s running on my mind right now. I am frowning while looking to my other friends who are enjoying themselves on the dance floor. "Tss..." "Jen...c'mon! don't spoil the fun. You're boring!" Pang-aasar ng medyo lasing na kaibigan kong si Sasha. Nakakabadtrip siya ha. Palibhasa lasing na, kung kaya't nagiging makulit at mapang-asar. "Mas boring ang way ng pagsasayaw mo. Parehong kaliwa ang paa mo!" I mockingly responded while giving her some of my sexy moves. Gumiling ako ng konte as I lift one of my eyebrows at ngumisi. She stepped back at natatawang parang ewan. I guess natameme siya dahil may point ako. "Ok fine, miss talented. Ikaw na po ang magaling sumayaw. Patunayan mo kasi, halika sa gitna..." Hinila ako ni Sasha papunta sa mga nagkukumpulang mga tao na sumasayaw sa saliw ng hip hop music. Everything went loud at nagiging masaya dahil magaganda at trip ko rin ang mga music na pinapatugtog ng DJ sa bar na 'yun. I was in the middle of dancing with someone who just grabbed me when I feel that my cell phone is vibrating inside the pocket of my pants. "What? sino ka? hindi kita marinig?" Pasigaw ko at dumistansiya muna sa kasayawan ko. "Umuwi ka na daw sabi ni Ken. Gabi na...pauwi na rin ako." Parang bumilis na naman ang pagtibok ng puso ko bigla. I know this voice...a very familiar one. "J-Jace?" Parang nanghina bigla ang tuhod ko at hindi ko mapigil ang pag ngiti. He ended the call pagkatapos niyang sabihin ang last word. 'Seryoso? ibang number ang ginamit niya. Wala ba siyang load o ano? this is really frustrating Jace, you are really frustrating. You make me high. Iisipin ko na sana na concerned ka pinatay mo naman kaagad 'yung call. Adik lang?" Nanggagalaiting sigaw ng isip ko. Out of disappointment, I suddenly left the dance floor at lumabas saglit para magpahangin. I keep on looking at the screen of my cell phone at umaasang tatawag siya ulit. Crazy move! 'Ayaw na ayaw kong magiging dependent ang puso ko sa taong walang pakialam, but then, why? I am taking you more of a challenge rather than loss, Jace...hindi ako susuko hangga't hindi ka magiging akin.' -- Nasa hallway na papuntang exit ng hotel ng mga panahong iyon si Jace. He decided to go home dahil parang bored na rin siya. Halos lahat sa mga kasamahan niya lasing so they decided to stay inside the hotel para doon mag-overnight. Besides, wala naman na silang klase kinabukasan. He called Jennica dahil na rin kay Ken. He reminded him of his sister na pauwiin na rin if ever daw uuwi si Jace. Lasing na rin si Ken at siya na lang yata ang hindi pa tinatamaan. Although nakainom siya pero hindi naman marami. He instead decided to go home dahil medyo malapit naman ang hotel sa bahay nila. Jace called his "so-called" little sister. Parang kapatid na rin kasi ang turing niya kay Jennica dahil na rin sa closeness nilang dalawa. Madalas silang nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay, mostly Jennica. Siya kasi ang pala-kwento sa kanilang dalawa and Jace became the listener to all of her sentiments sa school at sa mga nagiging boyfriends niya. He cared a lot about her too. Alam kasi ni Jace ang hilig ni Jennica sa night outs at bar hopping kung kaya't hindi niya rin mapigilan na hindi mag-alala dahil kababaeng tao pa naman at baka kung ano ang mangayayari sa kanya sa mga oras din na iyon. Napukaw naman ang kanyang muni muni nang biglang may tumawag mula sa kanyang likuran na tila humahangos pa. "Jace...wait!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD