CHAPTER 3: Reasons to love

1576 Words
Dumaan pa ang mga araw sa University na masaya at kahit na magkaibang kurso sila Jace at mga barkada niya ay hindi naman sila mapaghiwalay sa school publication office dahil magkakasama din sila. Sa mga pagkakataong uupo sila at magkakapag-usap, hindi na bago para sa kanya na mapuna ng mga kaibigan sa pagiging “hopeless romantic” nito pagdating sa mga babae. Napupuna palagi si Jace na torpe dahil sa palagay nila napakahina ng loob nito sa mga babae at hindi nga makaporma ng maayos. "Mga loko kayo ah..ako na naman ang nakikita ninyo..tss" Hindi na napigilan ni Jace ang sumagot sa mga nakakalokong tudyo sa kanya ng mga kaibigan niya patungkol sa “loveless” state ng buhay niya. “Hindi lang kasi namin maintindihan kung bakit hanggang ngayon wala ka pa ring girlfriend. Nakakapagtataka lang kasi. Gwapo ka naman at talented pero bakit single?”Nangungunot noong tanong ni Ken sabay ngisi. “Bakla ka ba, pre? Magsabi ka ng totoo, maiintindihan naman namin…” Natatawang gatong ni Chris na isa sa limang barkada ni Jace. “Pambihira!” Nakitawa naman si Jace at halatang nabigla sa sinabi ng isa niyang kaibigan. "Sa totoo lang nakakainggit ka nga eh, ikaw ang isa sa pinakasikat dito sa campus, dapat sa’yo meron na eh. Tama naman si Ken." Tudyo rin ni Carl na katabi ni Jace. Nakiayon naman ito sa sinabi ni Ken patungkol sa pagkakaroon ng relasyon. Nakaupo sila sa isa sa mga upuan sa mini-forest. May nakasukbit na gitara sa likod ni Jace at para hindi masyadong halata na naaagrabyado na, kinuha niya ito mula sa guitar bag at nagsimulang magstrum habang nakangiti. "Huwag niyo akong idamay sa mga kalokohan ninyo ah...hindi ko pa kasi iniisip magkaroon ng ganyan sa ngayon." “Sus...hindi ka lang marunong dumiskarte kaya ganoon.” Hirit ni Ken na may tonong panunudyo. Nakatutok nga ito sa cellphone dahil sa paglalaro ngunit nagawa pa nitong gumatong sa nakagawiang topiko nila. “Ang pagkakaroon ng girlfriend ay para na ring pagkakaroon ng kulay sa napaka-boring mong buhay. Simulan mo nang maghanap baka maubusan ka.” Natatawang dagdag ni Carl. Sinimangutan naman sila ni Jace na saglit na napatigil sa pagstrum ng gitara niya. “May panahon siguro para dyan pero hindi pa sa ngayon.” “Baka naman naghihintay ka lang ng back-up mo para haranahin ang napupusuan mo, game kami dyan!” Masiglang kumento ni Kurt na kakarating lang sa kanilang tagpuan. “Dumating ka na rin sa wakas. Saan ka ba galing?” Halos nawika nilang lahat sabay tawanan. “‘Eto oh, bumili ng makakain. Nakakahiya naman kung late na ako wala pa akong dala.” Nakangiting inilapag ni Kurt ang limang canned soft drinks at maraming chichirya at supot ng fish balls na may kasamang sauce. “Ano na ang pinag-uusapan ninyo?” Tanong ni Kurt sabay upo sa tabi ni Jace na bahagyang nakasimangot. “Our favorite topic, of course.” Napahawak pa si Carl sa balikat ni Jace sabay taas-baba ng kanyang kilay. “Dude, magkaroon ka na kasi ng girlfriend. Titigil na kami kung meron ka na, panigurado ‘yan.” Sulsol naman ni Kurt. “Balitaan mo kami kapag meron na ah.” Sabat naman ni Ken kahit may kinakalikot na selpon sa harap niya. Hindi na nila napigilang mapatawa sa mga kalokohan nilang magkakaibigan. “Gugulatin ko kayo. Sigurado ‘yan.” Naghi-five pa si Jace sa mga kaibigan niya habang sinasabi iyon na parang confident talaga sa sarili. Nakagawian na nilang umupo sa bakanteng sementadong upuan na may lamesa rin sa bahagi na iyon ng mini-forest. At dahil lilima silang magbabarkada noon ay naging masaya naman ang kwentuhan nila. May taga-isip ng topiko na maaari nilang pag-usapan. May kanya-kanya ring trip ang iilan sa mga ito. 'Yung iba ay nagsa-strum ng gitara, 'yung iba naman at kaharap ang mga cell phones nila at abala sa paglalaro ng kung anu-anong mga online o built-in games sa cp nila. Kaya nang napagbalingan nila si Jace ay kaagad nag-iba ang ihip ng hangin. Marami kasi sa kanila ang nagtataka kung bakit wala pa itong nobya hanggang ngayon dahil may hitsura naman ito at matalino, may sense kausap at may humor din. Gusto siya ng lahat dahil sa pagiging tahimik, seryoso at pagiging talented sa larangan ng pagkanta at pagtugtog ng gitara. He’s into sports, too. He’s one of the reserved athletes sa basketball team sa kurso nila kaya naman hindi na maipagkakaila kung bakit halos lahat ng mga babae sa campus nila ay kilala siya kahit saan man siya tumambay o pumunta. "Pare,hindi na uso mga true love true love na 'yan sa panahong ito. Tss" Umiling iling lang si Carl sabay sabi iyon habang naglalaro ng COC sa kanyang phone. Hindi man ito nakatingin ay halata namang alam rin niya ang nagiging topiko nila, iyon ay asarin pa ng husto ang kaibigan nila. "Kung gayon, uso sa'ken!" Depensang sagot ni Jace at napaakbay pa sa isang kaibigan habang nakangiti. "Bahala ka...ay nga pala mga brad, hinahanap na ako ni Kylie my loves..." Iniba ni Ken ng bahagya ang boses niya at tumaas-baba naman ang kilay nito at itinodo pa ang pang-aasar pa kay Jace sa pamamagitan ng pagbunggo nito sa braso niya habang papaalis ito. "Ha-ha..." Pahabol din ni Jace sa kaibigan na para bang painsultong tumawa para maramdaman naman ng mga kaibigan niya na kahit paano’y marunong din siyang maasar sa palagian nilang biro sa kanya. “Para namang napaka “big deal” talaga kung wala ka pang nobya. Pambihira talaga sila...hay.” Nasabi na lamang niya sa kanyang sarili. JACE’S POV Lumipas ang mga araw at linggo. Ginagawa ko naman 'yung mga dating normal routines sa school, bahay at sa office. Masaya at kwela ang samahan naming mga barkada at nakakatuwa lang dahil malapit na rin ang aming acquaintance party. Napakalaki ang naging parte ng pagtitipon na ito taun-taon. Kaya para sa akin, isang kasiyahan ang mapabilang sa mga magbibigay ng intermission number para sa darating na event. Ayaw ko namang ipagdamot ang talento ko ay hindi na ako tumanggi sa alok dahil alam ko naman na hindi titigil ang mga barkada ko sa pangungulit sa akin. ~flashback~ 1 month ago… Tuwing Lunes ng hapon ang aming meeting sa publication office at tulad ng inasahan ay marami na namang apprentice na ipapakilala.Tatlo ang panibagong makakasama namin at puro pa sila babae. At dahil walang pasok noon ay nagpatawag na lamang ang Editor-in-Chief namin ng meeting para ipakilala ang mga bagong magiging parte ng aming "pamilya" sa publication office. Ilang buwan lang naman sila kakailanganin dahil sa napakaraming dahilan. Nang mapatingin ako sa isang estudyante ay hindi ko napigilang humanga sa kanya. Nahagip siya ng aking tingin at magmula noon ay ginusto na ng mga mata ko na titigan lang siya sa malayo. Nakasuot siya ng floral dress na disente at bumagay naman sa kanya. Alam kong iyon ang naging “requirement” na dapat nilang suotin dahil “smart casual attire” ang napagkasunduan ng lahat na ipasuot sa mga applicant apprentice para maging pansamantalang reporter. Damn, she has a curvaceous body at exposed pa ng kaunti ang legs niya pero hindi talaga iyon ang nakahuli sa aking loob. Panay ngiti niya habang ipinapakilala sa iba at willing naman siyang nakikipagkamay sa mga kasama ko. Katulad ko, hindi rin maiwasan ng iba na mapahanga sa kanya dahil sa angking kagandahan niya. I would rather call her Ms. Bright smile dahil sa kaiba niyang aura. Napakamot ako ng ulo dahil medyo nahihiya ako ng kaunti nang makaharap ko na siya. "Gwen..." Tipid niyang sabi sabay lahad ng mga palad niya na animo'y gustong magpakilala nang magtama ang aming mga mata. Hindi rin niya inaalis ang ngiti sa kanyang labi at pakiramdam ko noo’y parang yelong gustong matunaw kaagad sa harap niya. "Jace." Naiilang ko namang kinuha ang kamay niya at nang maglapat ng aming mga palad ay pakiramdam ko'y may mumunting boltahe ng kuryente na dumadaloy mula sa kanyang kamay papunta sa akin. Sa sobrang paghanga ko sa kanya ay hindi ko magawang tingnan siya sa mata nang matagal. Wala akong nagawa kundi ang mag-iwas ng tingin maya’t maya na ikinatawa naman niya nang marahan. “Nice to meet you, Jace. Ayan, sa wakas may kaibigan na ako dito. At least, may mapapagtanungan na ako o makakausap dito.” “Please feel free, Gwen. Marami kaming handang sumagot sa mga tanong mo.” “Salamat ha.” Sabi niya sabay ngiti na naman. Dahil sa medyo naiilang kami sa isa't isa ay hindi na kami nagkausap mula noon pero maya't maya naman kaming nagkahulihan ng tingin habang nag-oorient si boss sa kanila. Gustuhin ko mang tingnan siya ay nahuhuli naman niya akong nagnanakaw ng tingin kasi inililibot niya rin ang tingin niya sa bandang gawi ko. ~end of flashback~ I guess fate brought her to me. Inaamin ko, mula nang makita ko siya, hindi na mapalagay ang puso ko. Binigyan niya ako ng kakaibang pakiramdam ng kasiyahan na pumupuno sa puso ko. Sa tuwing iniisip ko ang mga ngiti niya, siya namang pagbilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko rin siya basta bastang maalis sa isip ko. “In love na ba ako? Ang alam ko kasi sa tuwing makikita ko siya, masaya ako. Ang alam ko, siya ang kumukumpleto sa araw ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD