Kinabukasan kahit kakaunti lang ang tulog ko dahil well, alam niyo na. Bumangon pa rin ako ng maaga para maghanda sa aking pagpasok. Hindi ko muna ginising si Aga para makapagpahinga pa siya ng mahaba-haba, habang naliligo ako. Pagbalik ko sa kuwarto, tulog pa rin siya kaya naman nagbihis muna ako, bago ko siya nilapitan upang gisingin. “Mahal, good morning! Gising na po,” malambing kong saad sa kaniya, saka hinaplos ang kaniyang pisngi. Nag-inat naman siya at bahagyang iminulat ang mga mata. Ngumiti ito at saka bumangon, napangiti pa ako nang balewalang naglakad ito sa harapan ko nang nakahubad. Tumayo na rin ako at iniabot sa kaniya ang tuwalyang ginamit niya kagabi. “Maligo ka muna para magising ang dugo mo,” sabi ko sa kaniya, saka mabilis siyang hinalikan sa pisngi. Itinapis nama

