-HYD-
"Hyden, 'wag mo ako bibitawan..."
"Paano ka matututo niyan kung hindi kita bibitawan?" tanong ko sa kaniya.
"Ayoko bumagsak. Dito ka lang sa tabi ko."
Lihim akong natutuwa. Kung lagi ba naman ganito eh sobrang saya ko na. Nandito kami ngayon sa ice skating rink ng Sm South Mall. Tinuturuan ko siya mag-skate pero kapag bibitawan ko siya para masubukan niya ay natatakot naman siya.
"Nakakatawa ka talaga, Ley. Natural lang bumagsak kaya subukan mo mag-skate nang mag-isa para matuto ka na rin at ma-enjoy mo naman."
"Ano ba ine-expect mo? Matuto ako agad in thirty minutes? Hindi ako kasing husay mo 'no."
"Relax ka lang kasi saka mag-concentrate. Dali, bitawan mo na kamay ko," sabi ko sa kaniya.
"Ayoko..." At lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Baby, aray ko. Nasasakal na ang kamay ko oh. Hahaha.." Pareho lang kami natatawa.
Kinikilig ako sa mga ganitong eksena kapag malapit kami sa isa't-isa ni Heiley. Tulad ngayon na sobrang lapit ko sa kaniya. Yakap ng isang braso ko ang baywang niya para alalayan siya maglakad sa ibabaw ng skating rink. Sobrang lapit na parang gusto ko siyang halikan pero pinipigilan ko lang.
Napangiti ako sa naiisip ko. Ano nga kaya kung halikan ko siya ngayon. Tumingin ako sa paligid. Busy sila mommy at daddy sa pag-skate. Ganoon din sina Tita Shiela at Tito Leo. Hinanap ng mata ko si Hazel. Ayun! Nakita ko siyang may kausap na lalaki pero hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod sa akin.
Kahawig ng likod ni Shaun 'yun ah. Saka bakit parang nag-aaway sila ng kausap niya? Base na rin sa ekspresyon ng mukha ni Hazel.
"Salamat sa flowers, Hyden." Muli kong binalik ang tingin ko kay Heiley. Lumitaw ang mapuputing ngipin niya at ang kumukutikutitap na ngiti niya.
"Your welcome, baby."
"At sa bracelet na bigay mo." Suot na namin ni Heiley ang binili kong bracelet kahapon.
Kaya ako nahuli sa pagpunta sa videoke booth kagabi ay dahil may nakita akong magandang bracelet na bagay na bagay sa aming dalawa kaya naman hindi ako nagdalawang-isip na bilhin iyon.
Suot ni Heiley ang "I ❤️ MY BF''
Pagkatapos kong ibigay ang bulaklak sa kaniya kanina ay sinuot ko sa kaniya ang binili kong bracelet. Hiyawan lahat ng mga kasama namin. Sobrang kinikilig sila habang sinusuot ko sa kamay ni Heiley ang bracelet. Sinuot niya ang bracelet sa kamay ko. Nagulat pa nga ako sa tanong ni Heiley kanina noong sa kalagitnaan ng pagkain namin ay hinawakan niya ang kamay ko.
"Ano nga ulit ang sabi mo kanina?" mahinang tanong ni Heiley.
Magkatabi kami ngayon at kasalukuyang kumakain.
"Huh?" At tinanggal ko ang earphone na nakalagay sa tenga ko.
"Tinatanong kita kung ano ang sabi mo kanina."
"Ano ba sabi ko kanina?"
"Adik. Kaya nga ako nagtatanong sa iyo tapos itatanong mo rin sa akin."
"Marami na akong sinabi kanina. Hindi ko na matandaan eh.."
Tiningnan ni Heiley ang mga kasama namin bago binalik ang tingin sa akin.
"May sinabi ka after mo sabihin ang "flowers for you.." Biglang humina ang boses ni Heiley.
Pagkatapos niya ako tingnan ay hinarap na niyang muli ang pagkain at sumubo ng pasta.
"I'm falling in love?"
Humarap ulit siya sa akin habang nakasubo ang tinidor sa bibig niya. Pinunasan ko ang bibig niya na may sauce sa palibot ng bibig.
"I keep falling in love, falling in love. Sa tuwing makita ka puso'y oh oh oh..Falling in love, falling in love. Tanging gusto ko'y ikaw, what should I do girl?"
Kinanta ko sa kaniya ang "Falling in Love" ng 2ne1 pero tagalog version ng idol ko na si Jp Soliva na pinapakinggan ko ngayon kaya nakasalpak ang earphone sa tenga ko.
Pero dahilan ko na lang iyon. Ang totoo ay nasabi ko na lang iyon nang hindi pinag-iisipan. Kusang lumabas na lang sa bibig ko ang salitang "I'm falling in love" sa kaniya kanina nang hindi sinasadya.
Ewan pero nag-aalburuto na siguro talaga ang puso ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang aminin kay Heiley ang totoo.
"Kanta ni Jp." Dahilan ko na lang sa kaniya sabay ngiti. Sumubo na rin ako ng pasta
"Aahhh...."
Napukaw ang atensyon ko nang marinig kong nagsalita muli si Heiley.
"Dalawa na ang binigay mo sa akin na bracelet pero ako, wala pa akong naibibigay sa'yo kahit isa."
Pagmamahal mo lang Heiley ang hinihintay ko na ibigay mo. Sobra-sobra na iyon... Sa isip-isip ko lang.
"Um.. okay lang. Hindi naman ako humihingi ng kapalit." Nakangiti ako sa kaniya at hinawakan ang baywang niya at inalalayan siyang mag-skate.
Maraming tao sa skating rink. Palibhasa linggo at karaniwang family day kaya medyo siksikan sa loob ng rink. Dahil sa dami ng tao ay hindi maiiwasan na nagkakabungguan kaya naman panay rin ang bagsak ng iba pero hindi naman nagkakasakitan. At kapag sinuswerte ka nga naman dahil may isang babaeng mabilis na nagpapadulas sa ibabaw ng yelo at hindi sinasadya ay natabig ako at naging rason ng pagkakabagsak ng puwit ko sa malamig na sahig ng rink.
Dahil nakayakap ang kanang braso ko sa baywang ni Heiley at magkahawak ang parehong kaliwang kamay namin ay nadamay sa pagtumba si Heiley.
"Hyden!!!" narinig kong sigaw ni Heiley.
Ang nangyari lang naman ay pareho kaming bumagsak. Puwit ko ang bumagsak sa yelo samantalang siya ay bumagsak sa ibabaw ko.
"Ouch!!!" Sumakit lalo puwit ko dun ah.
"Hyden, sorry. Okay ka lang?" Umalis na sa pagkakadagan si Heiley at pinilit tumayo pero dahil sa madulas nga at hindi pa siya gaano marunong magbalanse ay bumabalik pa rin siya sa pagkakabagsak sa tiyan ko.
''Ouch!'' daing ko.
Muli kong narinig na nag-sorry si Heiley.
Napasulyap ako sa babaeng nakabunggo sa akin. Nakatayo lang siya sa gilid at nakatingin sa amin. Pamilyar ang mukha niya. Parang nakita ko na somewhere on the road.
"Rojean!" Pangalan yata iyon ng babae dahil lumingon siya sa tumawag sa kaniya.
Rojean. Pamilyar sa akin ang name na iyon. Parang narinig ko na talaga somewhere.
Lumingon siyang muli sa amin "Sorry...." Hindi ko narinig ang sinabi niya pero halatang iyon ang binuka ng bibig niya at halata sa mukha niya ang paghingi ng tawad sa nagawa.
Tumango na lang ako tanda na hindi naman masama ang loob ko sa kaniya kung bakit medyo masakit ng kaunti ang puwit ko at nag-skate na siya papalayo sa amin.
"Sorry talaga, Hyden!" Napatingin ako bigla kay Heiley.
"Okay lang. Ako na lang ang tatayo. Teka.." Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo. Saka ko naman inalalayan makatayo si Heiley.
Hinila ko ang kamay niya pataas pero dahil madulas nga naman ang sahig at hindi pa masyadong komportable si Heiley ay nagpa-giwang-giwang siya sa pagtayo at muli na naman kami bumagsak.
Kung kanina si Heiley ang nasa ibabaw, ngayon bumaligtad ang eksena. Napahiga siya sa malamig na sahig ng yelo at nagawa ko naman maitukod ang kamay ko sa sahig kaya hindi niya masyadong ramdam ang bigat ko sa ibabaw niya. Pinaibabawan ko siya at nagkatinginan kaming dalawa. Pareho kaming nagulat sa sumunod na eksena.
Nagkusa na ang katawan at isip ko na ilapit ang mukha ko kay Heiley at hinalikan siya sa labi. Saglit lang iyon. Wala pa siguro tatlong segundo pero nagdulot iyon ng kakaibang pakiramdam sa akin.
Akala ko magagalit si Heiley pero nakita ko siyang ngumiti sa akin. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ang reaksyon ng mukha niya. Napangiti na lang din ako.
Kung ganoon, hindi na siya magagalit kung humirit ako ng isa pa? Plano ko sana ulit siya halikan kasi nabitin ako. Pero nagulat ako sa sumunod na eksena.
Dalawang magkasunod na smack kiss ang pinaramdam sa akin ni Heiley.
Grabeee! Dagdagan mo pa ng isa, Ley, para I LOVE YOU na!
Parang na-magnet ang tingin namin sa isa't-isa at sabay kaming napangiti. Kaya lang biglang nabura ang ngiting iyon nang biglang...
CLICK!
CLICK!
CLICK!
Ang kislapan ng mga flash ng mga camera ng madlang people.
TSKTSKTSK..
Headlines na kami nito bukas..
**********
-LEY-
Nagpaalam kami sa magulang namin na may bibilhin kaya naman iniwan namin sila sa foodcourt dahil panay pa rin ang kuwentuhan nila.
Kalalabas lang namin sa National Book Store at bumili lang ako ng ilang school supplies na kailangan ko gaya ng intermediate pad, bond papaer, cartolina, manila paper, pentelpen, ball point pen at kung anu-ano pa samantalang si Hyden ay isang magandang notebook lang ang binili.
Masaya kaming nagtatawanan ni Hyden habang naglalakad palabas ng NBS. Panay kasi ang patawa ni Hyden kaya naman hindi ko mapigilan ang hindi matawa sa mga jokes niya.
"Knock! Knock!"
"Who's there?" tanong ko.
"Inday..."
"Inday who???"
"Indaaaaaaaayyyyyyy!!! Found a very special loving youuuuu....."
Hagalpak na naman kaming dalawa sa pagtawa habang naglalakad. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao dahil para kaming baliw na panay ang tawa. Grabee.. Naluluha na ako.
Maya-maya pa ay tumigil na kami sa pagtawa at nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa pinaghihintayan sa amin nila mama at papa.
"Can I call you mine?" narinig kong tanong ni Hyden.
Tumingin ako sa kaniya. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Napa-kunot-noo ako. Nag-jo-joke pa rin kaya siya? Tatawa ba ako o hindi? Hindi ko siya maarok. After namin tumawa ng bongga kanina dahil sa mga patawa niya ay biglang babanat siya ng ganoon? Baka naman totoo na talaga ito? Pagkatapos ng nangyari kanina sa ice skating rink ay naisip ko na baka may gusto na rin sa akin si Hyden dahil hindi naman niya ako hahalikan kung wala 'di ba?
Remember, siya ang unang humalik sa akin. At alam kong sobrang obvious na ako sa ginawa ko kanina. Siguro naman hindi siya manhid sa unexpected happenings between me and him sa nagbabagang lamig sa skating rink kanina.
AKO NA ANG HALATA! AKO NA ANG NAKADALAWANG HALIK SA KANIYA! HMP!
"Can I call you mine?" tanong ulit niya.
"That's not my name......" I paused for a while then continue."...I'm YOURS," seryoso kong sagot sa kaniya.
Bahala na! Joke man o totoo. 'Yun at 'yun din ang isasagot ko.
"Booooooom!!!!" Sabay kaming napalingon sa nag-salita.
"Jazzfer!!" sabay naming wika ni Hyden.