bc

SERYOSO NA 'TO (FILIPINO/TAGALOG)

book_age12+
249
FOLLOW
1.1K
READ
revenge
love-triangle
family
drama
sweet
basketball
childhood crush
enimies to lovers
first love
school
like
intro-logo
Blurb

Heiley and Hyden were best enemy for almost a decade. Nagsimula lamang iyon sa hindi inaasahang pagkikita at saksi ang lumang cabinet ni Lolo Jaime sa nabuong sigalot sa pagitan nilang dalawa.

Pero ang nakakatawa lang, ang dating magkaaway ay naging ultimate hottest couple ng Fantastic High. Nabuo lamang ang kanilang loveteam sa hindi inaasahang pagkakataon dahil ang boyfriend na ipakikilala sana ni Heiley sa kanyang mga magulang ay bigla ba naman nakipaghiwalay dahil sa mukha daw siyang lalaki?!

Dahil sa takot na malaman ng mga ito ang pangyayari ay tinuloy niya ang kanyang plano. Kinailangan ni Heiley ng "fake boyfriend" na ihaharap sa mga magulang na pauwi mula sa Canada. Sa kagustuhang makatulong ni Hyden ay nagprisinta siya maging boyfriend nito habang nasa Pilipinas ang mga magulang ni Heiley. Gagawin niya iyon dahil gusto na rin niya makipag-ayos sa long time enemy niya.

"W-Well, kung gusto mo, I can pretend to be your boyfriend."

"T-Tutulungan mo talaga ako?!"

"Hmmm yeah. I know it would be difficult for us, especially me. You know, I'm a famous guy of HYFERTINSHAUN, campus hearthrob ng Fantastic High tapos malalaman ng lahat na makikipag-dyowa sa babaeng mukhang lalaki."

Hmmm, nangangamoy away na naman ito ah.

Magiging daan na kaya ito upang sila'y magkapatawaran at mas makilala ang tunay nilang nararamdaman para sa isa't-isa? O mas lalo lamang magiging komplikado ang kanilang buhay sa gagawing pagpapanggap bilang "Ultimate Hottest Couple" kuno nila sa mga taong nakapaligid sa kanila?

chap-preview
Free preview
1 ♥
-HIELEY- Breaktime. Ito ang oras na pinakapaborito ko tuwing papasok ako sa Fantastic High. Ito kasi ang oras para magkaroon ako ng time na mapag-isa, makapag-isip at makaiwas. Mapag-isa. Hindi ako likas na palakaibigan sa ibang estudyante ng Fantastic High. Medyo iritable ako sa matitinis at malalakas na boses ng mga estudyanteng walang humpay ang kuwentuhan. Parang wala ng bukas kung makapagkuwento, eh wala namang ka-sense-sense ang mga pinagsasasabi. Makapag-isip. May mga alaala akong gustong balikan at sariwain. Iyon nga lang, sa tuwing mag-iisip naman ako, hindi puwedeng hindi ko maaalala ang halimaw na iyon. Makaiwas, sa taong tinutukoy ko sa pangalawang eksplenasyon ko. Kasalukuyan akong kumakain ng baon kong Jolibee. Yes, I'm one of the Jollibee babies, batang Jolibee kumbaga. Two years old pa lang ako noon pero sobrang humaling na raw ako sa Jolibee. Pinakapaborito ko raw na nilalantakan ay ang ketchup! Manamis-namis daw kasi at sa tuwing pinapatikim nila sa akin iyon, tawa raw ako nang tawa. Nilalantakan ko ngayon ang all time favourite ko na french fries nang mapadako ang mata ko sa kanang braso ko. Kulay ube. Sintomas na may pasa ako. Ninamnam ko muna nang maigi ang fries bago ko inobserbahan ang pasa ko. Hindi ako magkakaroon ng ganito sa braso kung hindi dahil sa mga buwisit na iyon. Kahapon kasi, tahimik akong nakikinig ng music sa phone ko nang bigla ba naman ako batuhin ng mga ugok na kaibigan ng halimaw na iyon. Grabe huh, ang tigas din kaya ng molten na iyon tapos iyon ang ibabato nila sa braso ko. Mabuti na lang hindi nila ako tinamaan sa mukha dahil kung nagkataon, pagpipyestahan ako ng mga echosera't echoserong estudyante na walang inatupag kundi manira ng buhay ng ibang estudyanteng walang laban sa lipunan. Hinawakan ko ang pasa at medyo makirot pa rin siya hanggang ngayon. Mabuti na lang at magaling na ang iba ko pang galos at pasa sa katawan. Lahat ng iyon ay kagagawan ni Hyden. Si Hyden ay kaklase ko simula Grade 1 hanggang ngayon na kami ay Grade 10 na. Wala yatang balak ang tadhana na paglayuin kami dahil kung saan ako mapunta ay laging nakasunod ang halimaw na iyon. Pesteng buhay talaga 'to oh. Tandang-tanda ko pa ang unang araw ng paghaharap namin. Nangyari iyon noong pitong gulang pa lang ako at hangga’t maaari, ayaw ko na talaga sariwain pa sa utak ko ang pangyayaring iyon. Dahil hanggang ngayon, pinagsisisihan ko kung bakit pa ako nakisali sa buhay ni Hyden. Noong mga oras na iyon, alam kong magiging matinding kalaban ko sa buhay si Hyden at hindi nga ako nagkamali. I'm going to hurt you one of these days, Hyden. Pinapangako ko yan! Sabay kuha ng maraming fries at sabay-sabay na pinasok sa bibig ko. Dahil doon ay nabulunan lang naman ako. Kasalanan lahat ng ito ni Hyden eh! Punyemas! Kumakain ako ng fries pero wala man lang akong panulak? Kung bakit naman kasi nakasanayan ko na unahin ang softdrinks bago ang fries kaya ito ang nangyari! "Kunin mo na 'to." Mas lalo akong inubo nang makita ko ang kamay na nasa harapan ko. May hawak siyang mineral water. Lumingon ako sa nagmamay-ari ng kamay na iyon at nasabi ko lang na "Sorry..." habang pinupukpok ko ang dibdib ko sa matinding ubo ko. "Eeerr but I don't know you." Peste talaga. Sa susunod talaga hindi na ako kakain ng fries habang binubugbog sa isip ko ang halimaw na iyon. Ayaw pa rin tumigil ng ubo ko. Kailangan ko na talaga tumayo at tumakbo sa canteen para makabili ng mineral water. "Miss, kuhanin mo na 'to. Malinis 'to. Hindi ko pa naman naiinom," harang sa akin ng lalaking makulit. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at paa hanggang ulo. Hindi siya naka-school uniform kaya baka naligaw lang ito sa school namin. Kinalkula ko ang taas niya. Nasa 173 cm yata. Cute naman siya. Parang k-pop idol ang datingan. Maputi siya na payat. Mukhang hindi siya magana kumain kaya payat. Singkit ang kaniyang mata kaya puwede siyang mapagkamalang oppa. At naaasar ako sa singkit niyang mata. Naaasar ako dahil ang kulit niya! Sinabi ng hindi ko nga siya kilala pero pinagpipilitan pa rin ang gusto. "Mister, marunong ka naman umintindi 'di ba? Hindi nga kita kilala." Huwag niyang ubusin ang pasensya ko. "Ah ganoon ba iyon? Sige, magpapakilala na ako para kuhanin mo na itong tubig ko, Jazzfer Ruel Cruz. Okay na?" "Hindi." Naglakad na ako palayo sa waiting shed at gusto ko na talaga pumunta ng canteen. Nawala na rin naman ang pag-ubo ko pero nauuhaw na rin ako kaya kailangan ko ng sobrang lamig na tubig. "Ang sungit mo naman, Miss. Ako na nga itong nagmamalasakit pero deadma mo pa rin. Nakikipagkaibigan lang naman ako eh." Peste talaga! Minsan na nga lang ako maka-experience ng kapayapaan sa eskwelahan na ito ay saka naman ako bibigyan ng bagong panggulo sa buhay ko. Hindi ko na siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang canteen. "Ate, pagbilhan nga po ng tubig. Iyong sobrang lamig po huh." "Sorry, ineng naubusan kami ng tubig eh. Wala pa iyong delivery. Kung gusto mo, mayroon ditong juice and softdrinks. Iyon nga lang hindi pa malamig dahil kakalagay lang sa chiller." Okay fine! Ang galing talaga manadya ng tadhana! "Miss." Ito na naman si Mr. KSP. "Malamig pa ito. Kakabili ko lang nito sa MiniStop. Ito pa nga iyong resibo oh." At hinarap pa sa pagmumukha ko ang resibo na pinagmamalaki niya. Kinuha ko rin naman at binasa ang nakalagay doon. "Oh ito." Kinuha ko ang kanang kamay niya at nilagay sa palad niya ang lumang bente pesos na nasa bulsa ng palda ko. Pagkaabot ko sa kaniya ng pera ay kinuha ko naman sa kaliwang kamay niya ang tubig. Nagsasabi siya ng totoo. Talagang malamig pa nga iyon at may sealed pa talaga. Iniwanan ko siyang tulala sa canteen at lumabas na. Agad ko naman tinanggal ang sealed at nilagok ang laman. Naglalakad na ako sa malawak na field ng Fantastic High nang mabigla ako sa taong nakasunod sa akin. Nakita kong nilagay niya sa bulsa ng palda ko ang lumang bente pesos na binigay ko. "Hindi ko kailangan niyan. Marami akong bente sa pitaka ko. Malutong at bago pa." Wala talaga sigurong balak 'to na tigilan ako ah. "Dito na ako mag-aaral. Katatapos lang namin asikasuhin ang documents ko kanina sa Guidance Office. Bukas pa ako makakapag-uniform at makaka-attend ng class." Inirapan ko siya at mas binilisan ang lakad ko. Hindi ako interesado na makipag-usap sa kaniya. "Anong year ka na? Anong section mo?" Tumigil ako at hinarap siya. Tumigil din naman siya at tumingin sa akin. Tinitigan ko siya ng sobrang sama. Iyong tingin na nagsasabing TUMIGIL KA NA! LEAVE ME ALONE! "Hmmm anong grade mo na?" Wala siyang pakiramdam! Manhid talaga siya. "I just need a new friends, I hope you don't mind." "I hope you don't mind?" Panggagaya ko sa sinabi niya. "Kung hindi ka ba naman mongoloid, kanina ko pa sinasabi sa iyo at pilit na pinapaintindi sa iyo na hindi kita kilala. Hindi ako interesado na makilala ka kaya please lang, lubayan mo na ako! Huwag mo na akong susundan pa. Kung kaibigan ang hanap mo, pumunta ka kay Boy Abunda. Mag-usap kayong dalawa!" Sht! Dinamay ko pa talaga si Boy Abunda dito? Eh kasi naman eh, mayroon kasi siyang famous line na TARA KAIBIGAN, USAP TAYO. Tinalikuran ko siya at nilayasan. Sana lang talaga ay huwag na huwag na huwag na huwag...... "Wag po!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
3.0M
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook